Namamaga ang mga mata ko dahil sa matinding pag-iyak ko kagabi. Kagabi ay ibinuhos ko na ang lahat ng sakit na nararamdaman ko. Siguro ay noong pumunta ako dito sa Korea ay hindi ko nagawang umiyak. Gusto man ng mga mata ko ay pinipigilan ko. Kaya siguro naipon lahat lahat ng sakit kaya ganito ngayon kasakit.
Isunoot ko ang aking round glasses para hindi masyadong halata ang pamamaga ng mga mata ko. Isinuot ko din ang makapal na jacket ko dahil winter na. Ng makarating ako sa hapag ay andoon na silang lahat. Umupo ako sa tabi ni Cassey at nagsimula ng kumain ng biglang napatingin sakin si Cassey.
"B-Bakit?" Tanong ko sakanya. "Wala lang. Alam mo ngayon ko lang napansin mukha kang Koreana." Ngumiti siya saakin. "Tyaka, para kayong di magkapatid ni Allen. Parang di kayo Kambal." Pahabol niya. "Ay...N-naku.. Kumain kana Alli.. Mahuhuli kana sa klase." Sagot naman ng Tita Gretta.
"Oh saan ka pupunta hon?" Tanong ni Cassey kay Allen ng bigla itong tumayo. "Saglit lang. Jan sa labas." Ngumiti siya kay Cassey at lumabas na ng bahay. Walang buhay ko namang tinapos ang pagkai ko at nag paalam na ko sa kanilang papasok.
Ng makalabas ako sa gate ay nagulat ako ng makita kong kinikwelyuhan ni Allen si Sojun.
"Do love my twin hah?" Tanong ni Allen sakanya. Tumango naman si Sojun sakanya. "Tang ina mo! Pag niloko mo siya papatayin kita!" Sabi pa niya. "W-what?! I can't understand tagalog." Naguguluhang sabi naman ni Sojun. "Magsasalita ako ng tagalog kasi gusto ko! Don't try to hurt my princess or else you're a dead meat bro." Nagsukatan sila ng titig. "She will become my princess" malamig na sabi ni Sojun. Tumawa ng nakakaloko si Allen bago mag salita. "Sorry bro. But I'm her Prince."
Nagulat ako sa sinabi niya. Para may humaplos sa puso ko. "A-Allen!" Untag ko. Binitawan niya si Sojun at pumasok sa loob ng bahay ng di ako pinansin. (Speaking in Korean) "Sojun Okay ka lang?" Tanong ko. "Nae. Bakit ganon yung kapatid mo?" Taka niyang tanong. "Ah..Ha...Hayaan mo na yun. Bakit pala andito ka?" Tanong ko. "Diba nga nililigawan kita?" Baling niya saakin. "Napalayo ka tuloy. Pasok na tayo. Kaja." Sabi ko at nagsimula ng maglakad papuntang school.
Habang nag lalakad kami ay nararamdaman kong nagkikiskisan ang likod ng aming mga palad. Alam ko kung ano gusto niyang gawin. Maybe this time. Pagbibigyan ko ang sarili kong mainlove sa iba.
Tumingin ako sa kanya at ngumiti. "Kung gusto mong hawakan ang kamay ko. Okay lang." Sabi ko. Biglang nagliwanag ang kanyang mukha. "Ohh. Jinja? Otoke. I'm so happy." Agad agad niyang pinagsiklop ang aming kamay habang nag lalakad.
"Oh. Kayo na ba?" Tanong ni Yuna ng makita ang amin mga kamay. "Not yet. Malapit na." Sagot ko naman. Hindi pa naman ako naiinlove sakanya pero gusto ko siya. Siguro it takes time pero doon din naman pupunta.
Pagkatapos ng klase ay ihinatid na ako ni Sojun sa bahay. Buti nalang at wala si Allen sa labas kundi baka mag kainitan nanaman sila. Ng makapasok ako sa loob ng bahay ay walang mga tao. Siguro ay wala sila si Tita ay baka nag grocery at ewan ko sa dalawa. Dumeretso ako papuntang kwarto ng biglang marinig ko ang dalawa sa guestroom na tila ay nag tatalo.
"Ano! Paano na tayo Allen? Akala ko ay naka move on kana!" Umiiyak siya. "I'm sorry. Please Hon? I'm sorry." Sagot naman ni Allen. Nagtaka ako sa pinag uusapan nila. "Mahal mo ba talaga ako? O siya padin? Damn! Bakit ganon? Ni hindi ko kilala kung sino yang kaagaw ko sa puso mo." Sabi ulit ni Cassey. "I...I love you." Sabi naman ni Allen. Mahina lang pero rinig na rinig ko. Pero bakit ganon? Parang hindi na gaanong masakit? Parang nabawasan. "Sino ba kasi siya hah!" Sigaw ulit ni Cassey. Hindi ko napigilan ang sarili kong pumunta sa silid nila.
"O-okay lang ba kayo?" Awkward kong tanong. "Alli!" Tumakbo palapit sakin si Cassey at niyakap ako. Hinaplos ko naman ang kanyang likod para icomfort. "E
What happened?" Tanong ko. "He still love his Ex Alli." Sagot niya. Tumingin ako kay Allen. Nakatitig ito sakin at He mouthed "I love you." Siguro ay kay Cassey niya ito sinasabi dahil kagabi lang ay sinabi niyang kalimutan na namin kung ano yung nangyari noon. Pero bakit sakin siya nakatingin?"Ano bang nangyari?" Tanong ko habang nakaupo dito sa Veranda ng bahay kasama ang umiiyak na si Cassey. "Mahal padin daw niya yung Ex niya." Sumihanghap siya. "Si Kamille?" Tanong ko. "No. Hindi si Kamille. Ayaw niyang sabihin kung sino. Ni pangalan niya ay hindi ko alam. Ang hirap ng ganito. Hindi mo alam kung sino yung kaagaw mo sa puso niya." Muli ay lumuha siya. I have the feeling na ako ang tinutukoy niya. Ako nga ba yun? "Kapatid mo siya. May alam kaba?" Tanong niya. "W-wala." Di ko alam pero kinabahan ako sa tanong niya.
Ilang minuto lang ay nakatulog na siya. Dito siya sa kwarto ko natulog dahil sa pag aaway nilang dalawa. Bumaba ako para magtimpla ng gatas ng magulat ako dahil nakita ko si Allen na nakasandal at nakapamulsa sa gilid ng pinto ng kwarto ko. "Ohh! Bakit ba anjan ka? Nagulat tuloy ako" Sabi ko habang nakahawak sa dibdib ko. "Is she Okay?" Malamig na tanong niya. "Ewan. Maybe not." Suminghap ako. "Are you sure you're really inlove with her?" Matapang na tanong ko.
Suminghap siya at tumingin sa mga mata ko. "Ng papunta kami dito, siguradong sigurado ako but when I saw you.......I'm not sure anymore." Sabi niya at umalis sa harap ko.
Napatulala ako sa sinabi niya. What is that? Ginagawa niyang komplekado ang lahat lahat. I know my self that I am ready to move on but when he said those I'm also not sure anymore.
BINABASA MO ANG
I Love You My Twin Sister
RandomI know it's not right. It's not right to fantasize about you, It's not right to dream about you, It's not right to be your man, It's not right to fall in love with you, but what can I do? I'm so in love with you and I don't know what to do. I LOVE...