Chapter 25

3.6K 123 6
                                    

Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Alli kung gaano ako kasaya dahil pwedeng mangyari ang kaming dalawa. Alam kong sa kasiyahan kong to ay masasaktan siya.

Hindi ko alam ang magiging sitwasyon pagkatapos niyang malaman ang lahat lahat.

Nagpunta ako dito sa Korea para sunduin siya. Para matapos na ang lahat para pwede na kami. I know, sa gagawin ko ay madami talagang masasaktan pero ano pa nga bang magagawa ko? Hindi ako kagaya ng iba na nagsasakripisyo para lang hindi masaktan ang ibang taong nasa paligid namin. Ang saakin ay yung kaming dalawa. Ang importante ay yung kaming dalawa.

Kailangan nilang maintindihan. Sa ayaw at sa gusto nila ipapaintindi ko sakanila.

"Bukas Alli. Uuwi tayo." Sabi ko habang nakayakap sakanya. Nasa likod niya ako at nakahilig siya saakin. Damn! Kahit isang linggo kaming ganito okay lang. "Uuwi tayo sa Pinas." Pagpapatuloy ko.

"Allen, natatakot ako." Sabi niya saakin. "I'm here Alli. Wag kang mag alala." Sagot ko naman sakanya.

"Alli, sana pag nalaman mo na ang lahat ay hindi ka magalit saakin, saamin." Humarap siya saakin ng nakakunot noo. "What do you mean?" Tanong niya.

"Malalaman mo din pag balik natin sa Pinas." Sana ay hindi siya masaktan sa gagawin ko pero tama din naman tong gagawing ko. Deserve niya din naman kung ano ang totoo.

Kahapon ay nakausap ko na si Mommy tungkol dito at galit na galit siya.

"Allen! Sisirain mo ba ang pamilyang to dahil lang jan sa nararamdaman mo!? Makasarili ka!" Sigaw saakin ni mommy habang nag lalagay ng damit saaking maleta. Bukas na bukas din ay pupuntahan ko si Alli.

"Sinira mo nga ang pamilya ng bestftriend mo diba! Kunuha mo si Alli kay ninang my! Ano yan!" Di ko na namalayang napalakas na din pala ang boses ko.

"Iniwan niya si Alli!"

"Pero, sinabi niyang babalik siya diba? My, hindi ako ang selfish dito kundi kayo! Oo, I get it. Ayaw mong magkatuluyan kami dahil sa isip mo magkapatid kami. Pero hindi eh. Hindi kami magkapatitd mommy at itinago mo yun saamin. Itinago mo yun sa lahat." Sabi ko. My part sakin na malungkot dahil hindi kami tunay na magkapatid ni Alli. Pero mas malaki yung part na masaya ako dahil sa wakas ay pwede na kaming dalawa. Sana ay maintindihan ito ni Alli.

"Allen, please." Nasasaktan akong makita si mommy'ng lumuluha. Pero kailangan din naman ni Alli ang katotohanan. "My, hindi ko to ginagawa para sa sarili ko lang. Ginagawa ko to para kay Alliya. She deserves the truth. Hindi pwedeng ilihim mo nalang sakanya habang buhay. Malalaki na kami mommy. Please naman."

Suminghap siya ng malakas at tuluyan ng umalis sa aking silid.

"Allen, Kinakabahan talaga ako. Magagalit nanaman si mommy saatin." Sabi niya habang nasa eroplano kaming dalawa. Kahit ako ay kinakabahan. Pero, para sakanya tong gagawin ko. Para saaming dalawa.

Hinawakan ko ng mahigpit ang kanyang kamay at hinaplos haplos ito. "Magiging Okay din ang lahat." At hinagkan ko siya sa noo.


Ng makalapag kami ng tuluyan sa airport ay agad na kaming nagpahatid ni Alli sa isang restaurant dahil doon kami mag uusap. Dito na kami magkakaalaman. Kanina ay Okay pa ako pero hindi ko alam kung bakit bigla na akong kinabahan, habang papalapit kami ng papalapit ni Alli sa restaurant kung nasaan si Ninang.


Suminghap ako ng malakas at bahagyang kinabog ang dibdib ko bago lumabas, hindi pwedeng makita ni Alli na kinakabahan ako, gusto ko ay makitang maayos at magaan lang ang nararamdaman ko kahit na parang nililindol na ang puso ko sa lakas ng kabog sa dibdib.


"Allen, ano pang ginagawa natin dito?" Takang tanong ni Alli. Nginitian ko siya bago sumagot. "May kakausapin lang tayo dito, after that uuwi tayo." Sabi ko habang ginagawi siya sa pinareserve kong table para saaming tatlo.


Ng papalapit kami sa lamesang nakareserve saamin ay agad ko ng nakita si Ninang na parang hindi mapakali. Ng nagtama ang mata naming adalawa ay ngumiti ako at nabaling sa babaeng katabi ko ang matagal na titig ni Ninang.. Halos pumula ang mata ni Ninang dahil sa mga luhang gusto ng lumandas sa mga mata niya.


Ng naupo kaming dalawa ni Alli, ay taka namang palipat lipat ang tingin niya saaming dalawa. "Allen, anong gagawin natin dito?" Bumaling iya kay Ninang. "Pamilyar po kayo saakin. Nagkita na po ba tayo dati?....Ba-bakit ka po umiiyak?" Tarantang tanong niya ng hindi na napigilan ni ninang ang hindi mapaiyak.


"A-ako yung babaeng lumapit sainyo sa K-korea.." Sabi ni Ninang habang nakatakip sa bibig habang humihikbi. "Masaya ako k-kasi muli k-kitang nakita." Pahabol niya.


"Ahh...Oo nga. Kayo pala yun. Mmmm..." Sabi ni Alli. "Anak." Mahinang tawag ni Ninang sakanya. Nagulat si Alli at tumawa ng bahagya. "Mali po kayo. Ang mommy ko po ay si Agatha Escolas." Sabi niya. Lumingon si Alli saakin na tila humihingi ng tulong. "Hayaan mo muna siyang magsalita Alli." Sabi ko naman sakanya kaya muling bumaling ang nagugulahang si Alliya kay ninang.


"Ak-ako ang tunay mong mommy." Pagsisimula niya. "W-WHAT! What's the meaning off this! Allen!" Napataas ang boses ni Alliya sa narinig. "Alli, patapusin mo muna siya." Hinaplos haplos ko  likod niya para pakalmahin


"Ako ang mommy mo. Ako ang tunay na mommy mo." Suminghap siya ng malakas at nagpatuloy. "Nawalay ka saaking noong bata ka pa. Inilayo ka saakin ni Agatha." "So, hindi natin tunay na mommy si mommy? Allen?" Baling niya saakin. Pumikit ako bago sumagot. "Hindi tayo magkapatid Alliya." Mariing sagot ko. Bigla siyang tumayo. "Ano! Anong ibig sabihin nito Allen! Sinasadya mo ba to!? Hindi ako natutuwa." Bigla siyang tumakbo palabas ng restaurant. Nakita ko ang sakit sa kanyang mukha. Hinanda ko nadin ang sarili kong mamngyayari to.


Sana lang ay nakapag isip din ako agad kung paano ko susulusyunan to.


I Love You My Twin SisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon