Chapter 33

3.4K 123 10
                                    

Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa aking mukha na nanggagaling sa malaking bintana.

Nag check in nga pala kami sa isang 5 star kagabi. Halos kaladkarin niya ako makarating lang sa hotel. Ramdam ko sa gitna ko ang hapdi dahil naka ilang rounds kami? I lost count. Parang ibinuhos niya doon ang galit niya. Ewan ko pero kahit galit siya ay masaya ako at nagpapasalamat ako kahit papano sa manyak na yun.

I'm still naked under the sheet and so he is. Nakayakap saakin ang kanyang mga braso at payapa pading natutulog. Lihim akong napangiti dahil dito.

God, I can manage to look at him forever.

Dahan dahan kong ihinawi ang kanyang brasong nakadagan sa aking tyan. Nagtungo sa banyo para maligo. Okay na ba kami? Sabi niya saakin ako ang reyna niya. Pinagtanggol niya ako kagabi.

Sumulong ako sa ilalim ng malamig na shower. It's so refreshing. Natanggal ang lagkit down there dahil sa sobrang pagod ko kagabi ay hindi na ako nag abalang maglinis. Okay lang sakanya naman yun eh.

Pagkatapos kong maligo ay hinanap ko ang aking Iphone sa pouch na dala ko. Ang daming texts at misscalls galing kila Nic at kay mommy. Hindi nga pala ako nakapagpaalam kagabi dahil hinila na ako paalis ni Allen sa bar.

Tinext ko si Nic para hindi siya mag alala

Me:

I'm here, somewhere. Don't worry I'm fine.

Nicnic:

May pa somewhere somewhere kapa! Etchusera! Saan kayong hotel?

Alam niya palang magkasama kami. Hindi ko nalang nireplyan ang text niya.

Ilang saglit pa ay nagising na si Allen. "What time is it?" He said with his sleepy voice. My God! Gusto ko siyang talunin at halikan.

"8:30." Mahinahon kong sagot.

Bumangon siya sa kama. Nakahubad pa siya as in walang saplot kaya napatalikod ako.

"A-Allen!"

"What? As if hindi mo pa nakita to." Tumawa siya. Ang sexy kahit na tumatawa lang siya.

Humarap ulit ako sakanya at nakatapis na siya ng twalya. Napatingin ako sakanyang dibdib at nakita ko ang pangalan kong naka tattoo sa kanyang dibdib. Halos kiligin ako ng dahil doon. Hindi padin pala niya pinapatanggal. Feeling ko tuloy akin padin siya. Kasi may pangalan ko siya.

Nahalata niya atang nakatitig ako sa kanyang dibdib kaya agad siyang tumalikod at nagtungo sa banyo.

Ilang saglit pa ay lumabas na siya sa banyo. Basa ang kanyang buhok at pumupatak ang mumunting tubig sa kanyang dibdib patungo sa kanyang abs. Damn! Napakahalay na ng isip ko.

"Want to taste it again?" Nakakaloko niyang sabi.

Sasagot palang sana ako ng nagring ang kanyang phone at agad itong sinagot.

"Bakit po?" Mukha siyang nag aalala. "Ha?! Ano po!? Please lend the cellphone to here..........Cassey! Hey Cassey! It's me Allen. Please wait for me! Please wait. Bibilisan ko! Pupunta na ako jan!" Binaba niya ang tawag.

Agad siyang nagsuot ng damit at agad na umalis. Ni hindi man lang siya nag paalam, ni hindi niya ako tinapunan ng tingin. Pakiramdam ko tuloy wala na talaga siyang pakialam saakin at sobrang nasasaktan ako dahil doon.

Sino nga bang niloloko ko? May Cassey na siya. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari kay Cassey. Basta ang alam ko ay iniingatan siya ni Allen at tila takot siyang mawala ito.

Pinunasan ko ang mga luhang lumandas sa aking mata kahit na pakiramdam ko na hindi ito mauubos. Bakit ba ang hirap maging masaya nalang? Bakit kailangan pang makaramdam ng ganito?

Lumabas ako sa hotel at nagtungo sa ospital para dalawin si mommy. Malapit na pala siyang lumabas 1 week nalang.

"Mommy!" Niyakap ko siya at nakipag beso sa mga kamag anak naming nandoon.

"Anak..." Ngumiti siya saakin.

Halos ilang oras din kaming nag tawanan at nagkwentuhan ng kung anu-ano hanggang sa tumunog ang Iphone ko. I excuse my self. Lumabas ako para masagot ang tawag. This must be important.

"Oh? Anong balita?" Tanong ko sa sekretarya ko.

"Ma'am diba po matagal niyo ng pinapa investigate yung nagpapadala sainyo ng pera noong nag aaral ka?"

Bigla akong nabuhayan sakanyang sinabi.

"He wants to meet you jan po sa Manila ma'am." Bigla akong napangiti sa sinabi niya.

Finally makikilala ko na ang aking good Samaritan.

Ilang sandali pa ay narinig ko ang isang sigaw ng babae kaya napagawi ko pa pinanggalingan ng sigaw.

"Cassey! Anak! Hold on! Cassey!"

Sabi niya habang nakasunod sa tinutulak ng mga nurse. Napansin kong hindi siya nag iisa at nakita ko si Allen na halatang kinakabahan at mamula mula ang mga mata.

Ng ipinasok sa E.R ang pasyente na alam kong si Cassey ay napaupo ang babaeng sa pagkakaalam kong mommy niya at inakay siya ni Allen.

"Tita. Don't worry. Cassey will be fine." Hinahaplos haplos niya ang likod ng babae na mommy ni Cassey.

"Natatakot akong mawala siya Allen."

"Nangako siya tita eh. Nangako kami sa isa't isa na hindi namin iiwan ang isa't isa. Kaya niya yun tita."

Naluha ako lalo na ng sinabi niya na hindi nila iiwanan ang isa't isa. Naawa ako kay Cassey at naaawa din ako sa sarili ko.

Ako dapat yung hindi niya iiwan eh. Kaming dalawa dapat yung nangangako sa isa't isa ng mga ganong bagay pero hindi eh iba na ngayon. Hindi na ako. Hindi na kaming dalawa.. Kahit mahirap tanggap ko.

Kasalanan ko naman kasi lahat ng ito. Kasalanan ko lahat lahat kung bakit ganito ang kinahinatnan ng lahat. Kaya wala akong dapat ireklamo.

Tumakbo ako palabas ng ospital hindi ko alam kung saan ako pupunta basta takbo lang ako ng takbo hanggang sa bigla nalang umulan ng malakas.

Fuck! Ano to? Isang movie? Na pag umiiyak ang bida uulan din?

Napaupo ako sa gilid ng daan. Saan nga ba ako pupunta?

"Magkakasakit ka niyan. Get up." Nagulat ako sa pinanggalingan ng boses. Anong ginagawa niya dito? Dapat ay nasa ospital siya.

"Si Cassey." Yun lang ang tanging nasabi ko. Basa nadin siya sa ulan dahil wala naman siyang dalang payong.

"Magkakasakit ka. Tara na." Tanging sabi niya at hindi na ako hinayaang sumagot.

Binuhat niya ako ng pang bagong kasal.

"Anong nangyari saatin?" Mahina kong tanong.

"Ngayon alam mo na kung anong out come ng ginawa mo?"

Hindi ako sumagot sa sinabi niya. Kasi wala na akong maisagot.

"Hindi na kita hahabulin kagaya noon. Kasi pag hinahabol kita at pag nahabol kita at nahuli...Tumatakas ka....Napagod na ako. Napagod na din akong masaktan...Kaya kahit mahal pa kita hindi na ako tatakbo para huliin ka."

"Eh bakit nandito ka?" Umaasa parin akong joke lang yung sinabi niya. Please habulin mo ako ulit. Papahuli na ako.

"Dahil kailangan na nating tapusin to. We need closure....At pagkatapos nito Itutuon ko na ang atensyon ko kay Cassey..Si Cassey na hindi ako iniwan...at hindi ko din siya iiwan."

And all went black.

-----

Ang corny pero naiiyak ako habang sinusulat ko to....I think hindi na magkakatuluyan ang kambal. Hahaha!

I Love You My Twin SisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon