Chapter 20

3.9K 134 3
                                    

After 3months.....

Nasabi ko sa sarili ko na I've made the right choice. Naging smooth ang relasyon naming dalawa ni Sojun at sa tingin ko'y nahuhulog na ako ng tuluyan sakanya. Masayang masaya ako sa desisyon kong yun. Na sagutin siya dahil gaya ng mga ipinangako niya ay hindi niya ako hinahayaang maging malungkot.

Allen on the other hand ay civil na ang tunguhan naming dalawa. Sa mga nakikita ko sa mga post niya sa facebook ay halata ko namang masaya siya sa feeling ni Cassey. Parehas na kaming may kanya kanyang buhay pag ibig at nagpapasalamat ako na kahit ganon ang nangyari saaming dalawa ay may kapalit naman itong maganda.

Tanggap ko na, tanggap ko ng habang magkapatid lang talaga kami na kambal kami at sa tingin ko ay itong pagmamahal ko sakanya ay bilang isang kapatid at hindi gaya ng naiisip ko dati. Siguro nga ay noong panahon na yun ay hindi naman talaga yung pagmamahal na bawal yung pagmamahal namin sa isa't isa kundin bilang magkapatid lang talaga at siguro kaya ganon ay dahil kami ang palaging magkasama, kami ang palaging magkakampi.

"Jagiya, ready kana ba? Sa pagvisit natin sa Philippines? Excited na kong mameet ang mommy mo." Sabi ng natutuwang si Sojun habang naghihintay ng flight namin dito sa Incheon airport. "Oo naman. Ikaw naman wag kang masyadong maging excited. Mainit doon bahala ka." Pagloko ko sakanya.

Ilang sandali lang ay dumating na ang oras nf flight namin at hawak kamay kami habang papunta na sa naka assign na eroplano para saamin.

"I want to marry you." Out of no where na sabi ni Sojun. Ngumiti ako sakanya. "Kung nakipagrelasyon ako sayo, ibig sabihin non ay goal ko ang mapangasawa ka. Yun naman yung tunay na relationship goals diba? Kaya dadating din tayo jan. I love you Jagiya." Sabi ko at hinagkan siya sa labi.

NAIA....

"Besty!!!!" May kumaway na isang nakablonde na babae saakin ng palabas na kami sa airport. Naka short itong maiksi at pulang pula ang kanyang mga labi. Pinakatitigan ko siyang mabuti at nagulat ako ng mapagtantong si Veronica pala to ang best friend ko. Agad akong tumakbo sakanya at yumakap.

"A-aray ko ha!" Maarte niyang sabi. "OMG Nic! Ang sexy sexy mo na! Ang ganda mo! Ang hot mo!" Sunod sunod kong sabi sakanya. Ibang iba siya sa huling nakita ko siya. Dati ay tabain pa siya ngunit ngayon ay ang sexy na niya.

"Nagpasexy ka talaga para kay Mon no?" Tanong ko. Bigla namang nag iba ang ekspresyon ng mukha niya tila ba ay naka amoy ng utot. "Eeeww huh! Yoko yun. Di magaling sa kama...Ohhh..Di mo sinabi may kasama ka pala.. Hi Pogi ..I'm Veronica and you?" Malanding sabi ni Nic. Napansin ko na ang laki ng pagbabago niya. I snapped at her. "He's mine." Sabi ko sakanya. "To naman. Baka lang naman." Kunwaring umirap siya saakin. Ipinakilala ko si Sojun sakanya.

"Oh nasaan ang mga Jerks?" Tanong ko sakanya habang palinga-linga. "Nandoon na sa bahay niyo. Tara na nayayamot na ko dito." Sabi niya at agad naman na din kaming sumakay sa kotse namin.

"Tangina best! May koreano kapa bang kilala yung kasing hot niyang syota mo?" Bulong sakin ni Nic. "Gaga. Wag kana bumulong di naman siya nakakaintindi ng tagalog...Madami akong kilala pero pano si Chrissmon?" Tanong ko. Binatukan niya ako ng mahina. "Don't say kadiri words. Okay?!" Umirap nanaman siya saakin. Kunwari pa ang isang to. Sus.

Saglit pa ay nakarating na kami sa bahay namin. Halatang madaming tao dahil madaming nakapark na sasakyan sa harap ng bahay namin. Wow! Namiss ko to. Namiss ko ang bahay namin, namin ko lahat lahat pati ang kulay pink kong kwarto.

Pagkababa namin ng kotse ay tuloy tuloy na kaming pumasok sa loob ng bahay. Narinig ko ang tawanan ng mga tao sa loob kaya mas lalo akong naexcite. "Kinakabahan na ako." Bulong sakin ni Sojun. Halata nga sa kamay niya na kinakabahan siya dahil napakalamig nito. Ngumiti ako sakanya."Magugustuhan ka nila." I assured him.

"Welcome home!!!!" Sabay sabay na sabi ng mga kamag anak at iilang mga kaibigan ko. Halos mapaiyak ako dahil sa mainit na pagwelcome nila saakin. Tumakbo ako sakanila at pinagyayakap ko silang lahat.

"Anak. Namiss kita." Sabi ng mangiyak ngiyak na si Mommy. "I miss you too Mommy." Sagot ko naman sakanya.

Halos lahat ng kakilala ko ay nandito maliban sa isa. "Nasan ang...Uhmm kakambal ko mommy?" Tanong ko kay Mommy. "Pauwi na yun. Sinundo niya si Cassey." Sagot naman ni Mommy.

"Ayy..Mommy siya nga pala. This is Sojun my boyfriend." Pagpapakilala ko kay Sojun na nasa tabi ko na pala. "Hello. I'm Alliya's Mom." Bati sakanya ni Mommy. "I'm Sojun. Nice to finally meet you Ma'am." Magalang na sagot naman ni Sojun. "Ke pogi naman ng boyfriend mo Anak." Pabirong sabi sakin ng Mommy. "Call me uhmmm...I don't know what in Korean this eh..Call me Tita. Okay?" Baling niya kay Sojun. "Okay T-tita." Sagot naman niya.

Naging close agad si Mommy at si Sojun. Kahit sa iba kong mga kamag anak ay nakakausap niya na kahit minsan ay nakakunot noo siya dahil minsan nagtatagalog ang mga kausap niya. Ang saya. Hindi ko inaasahan na ganito ako magiging masaya sa pagbabalik ko dito.

Bigla ay napatingin ako sa pinto at nakita ko ang mga Jerks - well including my twin na sabay na naglalakad papasok sa bahay. Bumu-boys over flower ang peg nila a.

"Hi Jerks!" Bati ko sakanila. "Hi Cleavage ay este Alliya." Sabi ni Manyak na ni Sanford. "Gago! Anong sabi mo?!" Baling ni Allen sakanya. Well siya padin ang oh so over protected kong kakambal. "Hi. Maratha!" Bati naman sakin ni Sheldon. Si Chrismon naman ay sumaludo saakin. Dapat lang ako boss niyan eh. And last si Allen na nakatitig saakin kaya napatitig din ako sakanya. Halos ilang lunok na amg ginawa ko. Hindi ko alam pero may phobia na ata ako sa kambal ko. Hindi talaga ako makahinga pag anjan siya.

Unti unti ay lumapit siya saakin habang hindi pinuputol ang pagkakatitig saakin. Ako naman ay halos pag pawisan na at lahat ng kasingit singitan ng katawan ko dahil sakanya.

Nagulat ako ng niyakap niya ako. Pahigpit ng pahigpit at hindi ko maipag kakailang gustong gusto ko yun.

"Hintay ka lang Alli. Hintay ka lang. Babawiin kita.. Sa una palang akin kana...Sisiguraduhin kong akin ka Alliya..May aayusin lang ako at pagkatapos non ay aagawin kita sakanya. Kung mahal mo na siya, gagawin ko ang lahat mabaling lang ulit saakin yung pag mamahal mo at wala kang magagawa.." Bulong niya saakin na siyang nagpabuhay at nagpagulat sa mga kalamnan ko. Halos hindi kaya ng utak kong maproseso lahat ng sinabi niya. Ano yun? Anong sabi niya?

Kumalas siya ng pagkakayakap saakin at muli akong tinignan sa mga mata ko na tila ay hinahalukay ang kaluluwa ko.

"A-anong...Sa...Sa...S-sabi mo?" Utal na tanong ko.

Kumindat lang siya saakin at iniwan na ako sa pwesto kong nakatanga. What was that? Ang gulo. Ang gulo niya. Ginugulo niya ulit ang isip ko. Fuck you ka Allen!

I Love You My Twin SisterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon