Dos

144 9 0
                                    

Dos

"Ang sarap Riya ah. Sa wakas naman, natuto ka rin," ani ni Mamay sabay subo sa adobong niluto ko.

Pasukan na bukas, ano kaya magiging kapalaran namin ni Demi sa Unibersidad na yun. Pareha kami ni Demi ng kinuhang kurso, Fine Arts. Gusto kong maging magaling na artist balang araw, maybe it's already in our blood, karamihan kasi sa mga kamag-anak namin ay masisikat na pintor same as Demi.

"Ar-ar, excited ka na ba bukas?" tanong ni Demi.

"Slight? ewan, pero medyo kinakabahan ako," sagot ko.

"Duh. Bakit naman? Eh sa ganda mong yan? Kulay palang ng balat mong natural tan na talaga eh talbog na sila! Tsaka andito pa ako! Chupi sila sa alluring aura at ganda ng diyosang ito," saad niya sabay kimbot at pose.

"Maganda? saang anggulo? Sa talampakan mo?" pang-aasar ko.

"Che! maganda naman legs ko!" pagMamaylaki niya.

I rolled my eyes, "Hala? Tingnan mo nga yan oh! May dahon ng tumutubo, nagiging 3D na rin yun ugat na nakikita tapos yung balahibo mo pa par-" pinutol niya ako.

"Grabi siya oh? Sakto na, tapos na, wag mo ng dagdagan pa," asar na sambit niya.

"Demi, Riya. Sige na at iready niyo na ang mga gamit niyo para bukas," saad ni Mamay.

"Sige po Tita. Bye Arry! Goodluck sa atin para bukas," sabay kaway ni Demi palabas ng bahay.

Kinabukasan maaga akong nagising. 9 A.M. ang first subject namin. Takte, bahala na Natsu sa mangyayari ngayong araw nato. Nangingiti akong tumingin sa binder ko, puro kasi anime ang pictures, mainly Fairytail. Atleast, napapagaan nito ang loob ko.

Dawn University. Sobrang laki niya. Papunta na ako ngayon sa locker ko, magkahiwalay ang locker namin ni Demi. Kumpleto narin ang gamit ko doon tsaka may mga books na.

"Damn, ayaw bumukas," sambit ng isang lalaki na nasa tabi ng locker ko. Parang pinipilit talaga niyang buksan yung pinto nito.

Lilingunin ko na sana siya ng biglang bumukas ang pinto nito at tuMamay sa noo ko.

"Pusang bakla! Aray!" sigaw ko sabay hawak sa noo kong natamaan.

Lumapit agad siya, "Oh shit, sorry. Fvck this friggin' locker. I'm sorry."

Napatingin ako sa mukha niya. Takte. Ang gwapo niya. He has this deep gray pair of eyes, flawless jawline, perfect nose and a spotless face skin. Tangina lang talaga, napapamura na ako sa isip ko.

"Ha? Uh o-okay lang, d-don't worry. S-sige. " Sabi ko ng nakatungo at agad lumisan.

Tae! yung maliit na notebook ko di ko nadala. Sana nasa locker lang yun. Papunta na ako sa upuan ko ng sinalubong agad ako ni Demi.

"Ar-ar? Napano yang noo mo? ba't may bukol?" tanong niya.

"May bumato sakin ng cotton candy," pambabara ko sa kanya, aasarin lang ako nito eh. Halatang-halata pa naman yung bukol.

"Ay grabe siya oh, nag-aalala lang naman. Pero Arry, naMamayga talaga siya. Bakal ba yang cotton candy na tuMamay sayo?" inosenting tanong niya.

"Sabog! Cotton candy na nga di ba? Hindi siya bakal! Cotton!" sagot ko.

"Mang Juan ikaw ba 'yan?" manghang tanong niya.

"Heh! Umupo ka na nga, daldal ng palakang to." Usal ko papuntang upuan ko.

Natapos ang araw ko ng may ngiti sa labi. Eh paano kasi, mags-start na kami sa paintings namin. I did a lot of paintings, lalong-lalo na pag galing ako sa panunuod ng anime. Ang daming concept na nabubuo sa isip ko, halo-halo; mapatragic, komedya, kasiyahan, kalungkutan, maski kamatayan. Hilig ko kasi sa anime ay yung may brutality tapos tragic, mas grabi ang emosyon pagdating sa painting.

"Oh Riya, ilagay mo tong yelo sa noo mo," sambit ni Mamay sabay bigay ng ice.

Ang hapdi. Lintik naman kasi eh, ang tanga mo Riya.

Binungkal ko na patiwarik yung bag ko diko parin nahanap yung maliit na notebook ko. Sentimental sakin yun, puno yun ng mga sketch ko. Simula noong naging addict ako sa anime ginuguhit ko doon ang mga paborito kong characters.

Diko na kinwento yung nangyari sakin kay Demi. Magiging kawawa kasi yung lalaking yun, gagasahin yun ni Demi sa isip niya. Nagring yung phone ko. It's Demi calling.

"Oh?"

"Ay ang cold," reklamo niya.

"Eh di maligo ka ng kumukulong tubig."

"Che! Ay oo nga pala, punta ka dito! dali na, may ipapakita ako sayo. Bye!" tsaka naputol kaagad yung linya.

Napa-tss nalang ako. Kahit kailan talaga tong baklang to, kung di ko lang to mahal matagal ko na tong pinapunta sa Africa para matulad sa Green Inferno at balatan ng buhay.

Sapo ko parin yung noo ko habang papunta kina Demi.

Wengya, malakas talaga ang impact ng pagkakatama. Baka nagcrack na ang bungo ko tapos may brain damage na pala ako tapos magkakawatak-watak yung frontal lobe at yung brain coral ko tapos sasapakin ko yung sarili ko kasi ang oa na.

Wala ang bakla sa sala. Pumunta akong kusina, "Dominador!"

Wala pa rin. Asan na naman kaya nagsusuot yung inggratang yun.

"Tada!" ヽ(' ∇' )ノ

Parang batang sigaw ng isang tao na puno ng black cream yung mukha sabay pakita ng isang malaking litrato ng lalaking nakauniform katulad sa amin.

Di ko siya pinansin, "Dominador! Asan ka ba!?"

"Tada!" o(^▽^)o

Pinakita ulit nung taong may kung ano sa mukha yung picture na para bang pinagmamalaki niya 'to.

Pinagpatuloy ko nalang ang paghahanap kay Demi at nilagpasan yung tao.

"Tada?" (T_T)

Usal ulit niya.

"Uh, nakita niyo po ba si Demi?" tanong ko dun sa taong may hawak na picture.

"Tadaaaaaaa!" (≧∇≦)/

"Huy Ar-ar! Grabe ka ha! Si Demi to." o(╥﹏╥)o

"Eh sabog ka pala! Ano ba yang nasa mukha mo? Nagmukha kang itim na Labrador! bagay sa pangalan mo," pang-aasar ko.

"Eh sa gusto kong magpaganda eh, kilala mo ba to?" sabay pakita niya ulit dun sa picture ng isang pamilyar na lalaki.

Tama! Siya yung lalaki sa locker, dahilan sa tanginang bukol ko pero diko alam pangalan niya, "Hindi eh, bakit?"

"Duh. Sila ang may-ari ng school natin, 2nd year college, matalino! grabe! kagaya mo, soccer player, basketball player, talented, maganda ang boses, marunong mag guitara, violin, piano, flute, napakagaling magsketch/drawing or ano ba yang kaechusang ginagawa mo rin, Architecture kinuha niya, 6'4 ang height, 6 packs ang abs, half Japanese half German, and has a name of Frau Dawn Ayanami," mahabang litanya niya.

"Alam mo kulang nalang alamin mo yung size ng paa niya, perfume na gamit niya, paborito niyang bodywash, gamit niyang toothpaste, brand ng medjas niya. Shutanginames naman oh, paki ko ba kung gaano ka naglalaway sa mokong na yun!" sambit ko sa kanya sbay irap.

"Wow ha, kung makamokong to! Bakit? Close kayo? ha? close?" saad niya.

Inirapan ko nalang siya. Nagulat ako ng bigla siyang sumigaw na talagang nakakatangina.

"Oh my! Nagkita na kayo nito no? Ba't ganyan reaction mo ha? Trinaydor mo puso ko," maarte niyang usal.

"Wala. I have to go. Kita na nalang tayo bukas," paalam ko sabay tungo labas.

Iniwan ko siyang nakatunganga at tuluyan ng lumisan.

---------------------

Helloooooooo! The name Frau is inspired from one of my favorite anime series: 07 GHOST ♥♥♥ Hihi, wala eh! Sabog din ako sa kanya. <3

And nga pala, check niyo yung asong Labrador na tinutukoy ko :D

Darted HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon