Quince

60 4 10
                                    

Quince

  "Frau." Bulong kong nakangiti. 


"HAPPY BIRTHDAY ARRY DEAR!" Rinig kong sigaw ng dalawang matitinis na boses na halos ikinasira ng tenga ko.

"Pusang bakla!" Napabalikwas ako sa aking higaan para lang madatnan si Mamay at Demi sa harap ng kama ko na may hawak na cake, balloons, at teka, kandila?

"Nag-effort pa talaga kayong bumili ng kandila kena Aling Dora no? Bakit may kandila? Di pa ako patay." Malamig kong wika.

"Eh kasi ayaw naming i-on ang switch dahil baka magising ka kaagad kaya ito nalang ginamit namin." Si Mamay na ang sumagot.

Tiningnan ko ang phone ko at halos magulantang sa pagkakita ng oras.

"It's still 12:01 in the freaking dawn! Oh gods!" Ani ko sapo ang aking noo.

"Kaya nga! It already your birthday!" Sabay nilang wika.

"Talaga lang ha? Magkasabay pa talaga kayo? Nag rehearse ba kayo nito? Sinong matitinong tao ang gagawa nit— ... Oh wait, why am I asking that? 'Di naman matitino ang kaharap ko at mas lalong di kayo tao!" Gusto kong matawa sa pinangsasabi ko pero pinigilan ko.. Kunyari galit.

"We know that Arry dear, di naman talaga kami tao dahil mga Diyosa kami! Right Dems?"

"Yes Tita. It's back to back to back to back right!"

"Mga sabog. But anyway, thanks. I love.. you.. you freaks." Natatawa kong sabi tsaka hinug sila.

"Oh sige na Arry. Blow the cake." Sabi ni Demi na ikinakunot ng noo ko.

"Huh? Di ba dapat blow the candle?" Tanong ko.

"The arrangements of your words were wrong Demi dear. It should be.... Blow the candle that looks like a cake Arry." Sambit ni Mamay na ginagaya ang boses ni Demi.

Teka! Nalilito ako.

"Patingin at pahawak nga muna." Sabi ko tsaka hinawakan ang cake na candle or candle na cake. Putek.

"Ang sama niyo. Akala ko pa naman cake talaga 'to! Ginugutom pa naman ako! Sino bang bumili nito? Ha?" Inis na tanong ko.

Bilib na talaga ako sa mga utak nila. Kandila pala talaga! Kandila lang na cake ang design! It's a fucking wax! For fuck's sake!

Nagkaturuan ang dalawa. Si Demi nakaturo kay Mamay habang si Mamay naman ay nakaturo din sa kanya.

"May mga pagkain naman sa baba. May cake rin and I'm sure na hinsi na kandila iyon at malapit na yung maging flower pot ang bahay natin sa dami ng bulaklak na pinada—"

"Uhh, flower shop po Tita." Putol ni Demi.

"Ayy, flower shop pala." Nahihiyang wika ni Mamay.

"Huh? Paano—"

"It was Frau. Siya naghatid ng mga 'yun. Bumalik siya noong nakatulog ka na." Ngisi ni Mamay. Naisahan din ako nila.

Kumain muna kami saglit. May kaunting kwetuhan habang dinadigest ang mga nakain. Masama daw matulog na busog sabi ni Mamay.

Diko mapigilang mapangiti sa mga nangyari kanina. Kahit puro kabaliwan iyon, di ko maipagkakaila na masaya ako. Ang swerte ko sa mga sabog na ito.

It was already eight in the morning when I woke up. Hapon pa naman ang party, insaktong alas sais.

"What.The.Actual.Fudge?"

Punong-puno ang bahay ng kung anu-anong mga regalo. Para akong bagong kasal nito. Mayroon din akong mga birthday letters na nakikita.

Darted HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon