Veintiuno

39 2 3
                                    

Veintiuno

"Happy Birthday... My Dawn."


Isang simpleng puting beach dress lang ang suot ko. Nakalugay ang buhok ko kaya sumusunod ito sa sayaw ng hangin.

Palakad-lakad lang ako ngayon sa tabi ng dagat. Huminto ako at tinitigan ang papalubog na araw. Mas lalo akong naiinspired na magpinta pag ganitong mga senaryo ang napagmamasdan ko. It's too inspirin.. too overwhelming.

Napatalon ako ng bahagya nang may biglang yumakap sa akin galing likuran.

Tinapik ko ang braso ni Frau.

"Huwag ka ngang manggulat."

"Sorry. It's just that... you're too beautiful for me to stop the urge of hugging you. Damn. And right now... I wanna kiss you." Aniyang ikinabigla ko kaya napalingon ako sa kanya.

"Hindi pwede. Lagi ka nalang nanghahalik. Ikaw ha, ang landi mo talaga."

"Ako pa ngayon? Sino kaya ang unang nag-initiate ng kiss doon sa Maze Gar—"

"Binabalik mo pa 'yun, e!" Sabi ko habang mahinang sinsuntok-suntok ang dibdib niya. Tae na caramel! Ang tigas!

"Bakit? Pinagsisihan mo ba iyon?" Tanong niya bigla na ikinahinto ko.

Tumalikod ako.

"Neverm—"

"No. Absolutely not. I never had regrets na ginawa ko iyon. Kasi kung diko ginawa iyon, kung di ako papansin noon....wala ako dito ngayon. Di ko mararanasan ang maging ganito kasaya." Sagot ko habang ang mga mata'y nakatitig sa makabagbag damdaming larawan ng paglubog ng araw.

Ngayon ko lang naintindihan ang mga salitang lumabas sa bibig ko. Damn. Ang daldal mo masyado Riya!

Yinakap niya muli ako. Hinawi niya ang buhok at nilagay niya lahat ng hibla nito sa kanang banda ng balikat ko. Naramdaman ko kaagad ang kiliti malapit sa tainga ko dahil sa hininga niya.

"Kahit di mo ginawa 'yun, hahanap pa rin ako ng paraan humantong lang tayo sa ganito." Pabulong niyang saad.

Di pa ako nakakapagsalita nang nakaramdam ako ng mumunting halik sa leeg ko. Damn this neck kisses. Nanlambot kaagad ang aking mga tuhod. Dahan-dahan niya akong pinaharap sa kanya.

He was about to kiss me nang biglang may tumawag sa mga pangalan namin.

Narining ko kaagad ang iilang mura ni Frau bago nilingon si Ate Shara na nakatayo malapit sa cottage na nakatingin sa amin habang tinatawag kami.

"Come on you guys! Let's eat! Mukhang masyadong napaaga ang appetizer natin, ah!" Ngisi niya sabay tawa.

Sumunod kami sa kanya at nadatnan namin silang nagtatawanan. Close na rin kasi si Demi sa kanila, he's my best friend after all kaya kung madaldal ako, mas madaldal siya.

Ikaapat na gabi na namin sa islang ito. Marami-rami rin kaming napuntahan sa loob lang ng ilang araw na pananatili dito sa Ilo-Ilo. Napuntahan din namin ang isa sa mga branch ng restaurant na pag-aari ng asawa ni Kuya Zegray na nandito rin ngayon. If I remember it clearly, Adara ang pangalan niya. She's a chief and her foods were indeed delicious.

"We're having our first baby!" Maligayang anunsiyo ni Kuya Zegray tsaka hinagkan ang asawa.

Nakakainit sa damdamin habang pinagmamasdan silang sobrang saya. Kitang-kita sa mga mata nila ang pagmamahalan.

Napuno ng congratulations at asaran ang kainan. What a light atmosphere we have here.

Kinalabit ako ni Frau kaya napalingon ako sa kanya.

Darted HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon