Tres
"Ar-ar, marami-rami rin akong nakitang dating kaklase natin. Di nga lang Fine Arts kinuha nila," bungad ni Demi.
"Tap— Oh my pink gosh! Si Frau yun di ba? Si Frau na may 6 packs abs! Si Frau na napakatalented! Si Frau na maga—"
"At si Demi na ihahambalus ko ang mukha sa salamin ng cafeteria dahil sa kadaldalan niya!" Putol ko na ikinatahimik niya.
Tiningnan ko ang direkyon na tinuro niya kanina at nakita ko yung Frau na yun. Nakatingin sa direksyon namin na may ngiti sa labi, sarap ipalapa sa mga piranha. Di ko alam bakit pero naiinis ako, putek.
Matapos ang klase ay dumiretso na kami sa cafeteria.
Halos lahat may kanya-kanyang mga grupo. Makikita sa kaliwa ang grupo ng mga lalaking puro soccer players and unfortunately nandoon yung hinayupak, ay teka ba't ko ba siya piagtutuonan ng pansin? Leche.
Sa kanan naman ay ang mga maaarteng cheerleaders na puro lang naman kaartehan ang inaatupag.
Papila na kami ni Demi ng may isang grupo ng mga bruha ang pumasok sa cafeteria at nagsigawan.
"RIYA CUBE! Namiss mo ba kami? Asan si Mama Riyalonda Squared?" pang-aasar ng isa sa kanila sa akin na nagpalingon sa mga taong nandoon sa direksyon ko at lumikha ng tawanan. Putek. Putek. Putek.
"Eh kung isupalpal ko kaya ang cube sa mukha mo? Hali ka na Arry, we don't spend our exquisite time to low life like them." Sabay hila niya sa akin palabas ng cafeteria.
"Napapaenglish naman ako nito ng di oras, kalokang mga palakang bakla yun!" sabay irap niya sa kawalan.
"Hayaan mo na, di pa rin talaga sila nagbabago," sambit ko sabay buntong hininga.
"Whatever. Wala pa rin talaga sila sa ganda at talino mo. Uhh sigurado ka bang okay lang kung maiiwan muna kita?" may pag-aalalang tanong niya.
"Okay lang ako Mr. Dominador Haley tsaka di rin naman na ako magpapatalo sa kanila kung sakaling makasalimuha ko man sila ulit," sagot ko sa kanya.
"Nakakainis talagang pakinggan ang buong pangalan ko. Kung gaano kasosyal ang apelyido ganoon din ka old class ang pangalan ko. Putakte," reklamo niya.
"Suuus, pasalamat ka nga apilyedo ng tatay mo ang ginamit. Eh ang akin nga kay Mama, kaya cube ang kalabasan, ganda kasi ng pangalan ko ano? Sobra. To the point na gusto ko ng mamatay at mareincarnate para mabigyan ng bagong pangalan. Ay teka, wala kang planong umalis? Layas na, shoo!" pang-aasar ko sa kanya.
Nang tuluyan na siyang lumisan ay pumunta ako sa Maze Garden ng school.
It's breathtaking and truly overwhelming. Di na ako nabigla nang nakita kong ako lang ang nandito, kadalasan kasi pag may vacant ang iba nagma-mall agad at doon na tumatambay.
Nagsimula na akong maglakad sa maze.
Napakatahimik.
Habang naglalakad ay nagsimula na ring magmuni-muni ang utak ko.
Riya Cube ang tawag nila sakin dahil sa pangalan kong RIYA-RIYA RIYALONDA. Nakakatanginang pakinggan at tingnan. Naover dosed siguro si Mama kakainom ng Ethyl Alcohol, sabog siguro siya noong pinangalanan na niya ako.
Di ko alam kung bakit sumagi sa isip niya na igaya niya ako sa kanya, mas lamang nga lang dahil ako Cube tapos siya Squared.
Riyalonda ang pangalan ni Mama at Riyalonda rin ang apilyedo niya. Kaya ayun naging RIYALONDA RIYALONDA ang kalabasan. Wala ng mas ikakasabog pa kay Lola kung bakit binully niya ng ganun ang pangalan ni Mama na ikinamalas ko naman.
BINABASA MO ANG
Darted Hearts
General FictionRIYA-RIYA RIYALONDA. A peculiar name for a peculiar red haired girl. She's not your recurrent girl na makikita mo lang kahit saan. Masayahin at may kaunting kasabogan ang utak. She loves exploring the virtual world of books, movies, and different sp...
