Veinticinco
"You're prettier than that female dog."
Tumayo ako para kumain na ng hapunan. Kakatapos ko lang mag-impake para sa byahe namin bukas patungong Mexico. Frau didn't knew na doon kami pupunta. I wonder kung ano magiging reaction niya pagdating ko doon.
It's almost two weeks mula noong nakauwi ako dito sa Butuan galing sa Gingoog. Nakakamiss ang mga sabog kong pinsan. Good thing at summer pa ngayon kaya nakakapagvideo call pa kami na kumpleto.
Madalang lang kaming nagtatawagan ni Frau. I don't wanna disturb him, mas dapat na iyon ang pagtuonan niya ng pansin ngayon dahil para rin naman iyon sa ikabubuti ng kompanya nila.
"Ang sagwa tingnan ng kulay Dems. Ang sakit sa mata, hinayupak ka." Nababanas kong reklamo sa kanya habang masamang nakatingin sa neon green niyang bag at sa very very light pink niyang pares na damit. Talo pa niya sa Barbie at ang Meralco sa liwanag.
Inirapan lang ako ng bakla.
"Para kang walking-florescent, pati mukha mo nagmumukha ng bombilya." Halakhak ko sa naaasar na si Demi.
"Ako talaga palagi ang nakikita mo pagwala si Frau, ano?"
"Hindi naman, nakakaagaw ka lang talaga ng atensyon. Just look around you, ang weird ng tingin ng mga tao sa'yo."
"Ngayon lang kasi sila nakakita ng diyosa." Aniya sabay madramang paypay sa sarili niya.
Andito na kami sa Bancasi Airport ngayon kasama ang ilang staffs ng School. Excited na ako and at the same time kinakabahan. Who wouldn't naman diba? A lot of elite painters from the different country will be there. Naniniwala naman ako sa kakayahan ng team namin pero di ko maiwasang hindi kabahan.
I'm stomping on my right foot when Demi suddenly held my hand. Nag-aalala niya akong tiningnan. He knew na kapag kinakabahan ako, mahina kong pinapadyak ang kanang paa ko to ease the nervousness. Pareha lang kami ni Mamay.
"Parang ngayon lang kita nakitang kabahan ng ganyan ah? Is it about the exhibit? Or... about Frau?" Tanong niya.
Napakunot naman ang noo ko at nagtatanong na tiningnan siya.
"Ba't nasali si Frau?"
"Oh come on Arry, you can trick them with that mask of yours but not me. It's been what? I thinks weeks na nga, minsan lang kitang naabutan na tulala but you seemed really off these days. Alam kong may bumabagabag sa'yo, I was just waiting for you to spill it out but I guess parang mukha kang walang plano sabihin ito." Mahabang paliwanag niya.
Napaiwas ako ng tingin. Damn, he's right.
"Tell me, sinaktan ka ba niya?" Seryusong saad niya.
"What? No, no. Hindi naman." Sagot kong hindi pa rin nakatingin sa kanya.
"Then what is it? Miss mo siya? Nako gurl! Papunta na nga tayo doon o!"
"No. It's not that."
"Ano nga? Pinoy Henyo ba ito? Parang di ako nainform, a?"
"I saw a picture." Aniko kasabay nagpakawala ng malalim na buntong hininga.
"Tapos? Picture lang naman pala, e. An—"
"It was Frau and that girl named Delancy. They were both so happy and laughing their hearts out. I even saw another photo of them na muntik ng maghalikan. Tell me, hindi naman dapat ako magselos right? Should I bother asking him about that girl? Maliit na bagay lang naman iyon di ba? Di ko na dapat pinapalaki iyon diba Dems? Pero bakit nasasaktan ako? Bakit ganito?" Sunod-sunod na tanong ko.

BINABASA MO ANG
Darted Hearts
General FictionRIYA-RIYA RIYALONDA. A peculiar name for a peculiar red haired girl. She's not your recurrent girl na makikita mo lang kahit saan. Masayahin at may kaunting kasabogan ang utak. She loves exploring the virtual world of books, movies, and different sp...