Diecinueve

54 3 2
                                    

Diecinueve

"Somebody to you."


Pinunasan ko ang kaunting luhang namumuo sa aking mga mata habang patuloy pa ring humahagalpak sa tawa. Tiningnan ko si Frau na pulang-pula na sa hiya at sa inis dahil sa kagagawan ng kanyang ama.

Andito kami sa hapag ngayon, pinag-uusapan ang panahon ng kabataan ni Frau. Kakatapos lang naming kumain kaya ang Dad na mismo niya ang nag-open up ng topic. His Dad is a great story teller I must tell. Minsan ay tumatayo pa talaga siya para i-demonstrate ang nangyari.

"He cried so hard when he got circumcised, akala ko nga di na siya magpapatul—"

"Oh God. Not that part!" Putol ni Frau dahilan kung bakit napatawa na naman ako.

"Tuli ka na pala?" Ani ko sa mapang-asar na tono.

"Oh yeah. Wanna see?" Aniya na ikinagulat ko.

Umangat ang gilid ng labi niya. He even looked so hot when he smirked. Nanlaki ang mga mata ko, sa asar ay pinagsasapak ko siya.

"Frau! Sabog ka talaga!" Sabi ko habang patuloy ang pagsapak sa kanya.

"Hey. Hey. Hey! It hurts! Dad, help!" Tawag niya kay Tito Zaire ngunit tinawanan lang siya nito.

"May samurai doon Riya, baka gusto mo ng balatan 'yan ng buhay." Wika ng Daddy niya na ikinainis lalo ni Frau. Damn. His Dad is hilarious! Diko inexpect na ito pala ang tunay na Zaire Ayanami sa likod ng isang seryuso at striktong makikita mo sa labas.

Ginugol namin sa tawanan, kainan, at storya ang buong gabi. Talo pa namin ang nakahithit ng shoes glue.

His family is amazing. Maganda pala magkaroon ng ama. Diko mapigilang hindi ikumpara ang pamilya ko sa kanya. But then every family has flaws and imperfections at alam kong kahit sila ay di nakaligtas doon.

Pasado alas otso na nang dumating ang dalawa niyang kapatid. Nadatnan nila kaming kumakain sa sala ng mga tsitserya habang nanunuod ng Zombieland. Luma na ang pelikulang ito pero diko pa rin mapigilang hindi matawa sa ibang scenes nito.

Binati nila kami at nagmano kay Tito.

"You two have eaten?" Tanong ng Daddy nila.

"Hindi pa ako. I'm sure Ate Shara did, sila ni Kuya Ender ang magkasama kanina." Ani Tania at bumaling kay Ate Shara.

"Oo. Tapos na ako. I'll just call Ate Caren para magpahanda ng hapunan mo Tania." Sabi niya tsaka dumiretso na sa kusina. Andoon kasi ang katulong nila.

"Dapat lang na pakainin ni Ender si Shara. He'll shit blocks pagpinabayaan niya iyon." Bulong ni Frau na dinig din naman namin.

"Awww. The protective side of you, dear brother." Pang-aasar ni Tania.

"Yeah, right. What about you Tania? Got any boyfriend yet? ... I'm not expecting him to perfect and seamless pero sana naman, kung sakaling saktan ka niya... he know what to do how to win you back." Seryusong saad ng Kuya niya.

Halata sa mukha naming tatlo ang pagkagulat sa biglaang pagseseryuso ni Frau. Okay, I didn't saw that coming.

Natahimik kaming tatlo. Nakatitig kay Frau na kalmadong umiinom ng coke na nasa can.

What he said is still processing on my mind. Why Frau? Pag ako ba nasaktan mo gagawin mo rin kaya lahat bumalik lang ako sayo? Magiging sapat kaya ang lahat ng magagawa mo? I'm not expecting for a perfect relationship because neither us... we're not perfect. That's why I'm ready to welcome pain, to welcome heartbreaks, and to welcome heartaches. Pero diko alam kung ano talaga ang maari kong maramdam kung dumating ang panahon na si Frau na ang mananakit sa akin. I will break, that's for sure.

Darted HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon