Dieciséis

76 6 12
                                    

Dieciséis

"Nice."


Nanlalamig at naginginig ang mga kamay kong tinahak ang malamig na sahig ng hallway. Di pa rin humuhupa ag matinding kaba sa aking puso dulot sa nangyari sa 3rd floor. Mas lalo pang nadagdagan ang klase-klaseng emosyong nararamdaman ko hatid ng boses na umaalingawngaw sa buong lugar.

You just know,

Sometimes you feel it in your bones

Though we've heard that hearts can still be wrong

Something's telling me that you're the one

Parang isa-isang sumasabog ang mga ugat sa aking puso. Mabagal pa rin ang lakad ko. Di ko inanlintana ang nakakasilaw na kislap ng buwan na tumatama sa mga mata ko.

I just know

Even if I had a heart of stone

You could make it bleed all on your own

You can break it but I hope you won't

Sumisikip ang dibdib kong ina-alala lahat ng mga pinagdaanan namin. Mula sa una naming pagkikita sa Maze Garden... Mula sa unang musika naming kinanta... Mula sa pag-aanunsiyo niya noong Masqurade Ball.. Mula sa una niyang pagbisita.. Sa unang yakap.... Sa unang halik...

I'd burn it down, I'd light it up

For you, I'd risk it all

Napangiti ako. Nagawa niyang ibahin ang kumpas at tempo ng ritmo dahilan kung bakit naging mas mainit ang aking pagtanggap ng bawat katagang binibitawan niya.

Stand your ground

Win or lose I gotta see this out

Go ahead, I'll let you watch me drown

It takes more than this to keep me down

Papalapit na ako ng papalapit, papalakas din ng papalakas ang balya at hampas ng nagwawala kong puso. Bawat linya ng kanta, lahat iyon, nanunuot sa buong sistema ko.

Patuloy pa rin ang pagkanta niya...

Nang narating ko ang dulo.... Naaninag ko kaagad ang kulay abong mapupungay na mga mata.

Para akong mababaliw sa halo-halong emosyon na nararamdaman ko. Unang pagkakataon.... Ito ang unang pagkakataon nahulog ako ng ganito, unang pagkakataon na nakaramdam ng ganitong intensidad na kasiyahan... at unang pagkakataong nagmahal ako ng lalaking kagaya niya... lalaking kagaya ni Frau.

For you I's risk it all...

Buong puso akong ngumiti sa kanya.

Nabigla ako nang biglang umilaw ang huling parte ng hallway kung saan andito kami. Sa sulok lang namin ang makikitaan mo ng liwanag.

Tumayo siya at inilapag niya ang kanyang gitara sa upuang inupuan niya kanina.

Kinuha niya ang aking kamay at iginiya niya ako papuntang hagdanan patungo sa 5th floor ng building. Ito yung floor kung saan wala kang makikitang classrooms. It's purely wide, social hall ng school kung saan kahawig na rin nito ang lawak at laki ng gym.

Niisang ilaw ay wala akong nakikita. Dalisay na kadiliman lamang ang tangi kong nakikita at ang mainit na kamay ni Frau lamang ang nagsisilbing giya ko kung saan man ako nito dadalhin.

Kinuha niya ang nasa kamay kong mga dala na binigay n'ung mga sirang white ladies kanina at nilapag iyon... at hindi ko alam kung saan.

"Frau, kung sino mang sadako ang magpapakita dito, di na talaga ako magdadalawang isip na sapakin siya." Takot kong saad.

Darted HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon