Cinco

79 6 12
                                    

Cinco

"Ehto naman, di ka naman mabiro."


Weekend kaya andito ako ngayon sa bahay gumagawa ng assignments habang nanunuod ng latest episode ng Fairytail. Tuwing lumalabas sa screen ang mukha ni Erza Scarlet ay diko talaga maiiwasang maisip ang nangyari sa araw na iyon. It's seamed real yet too blurry to believe, I haven't felt this kind of surreal feeling, it's very scarce for me to sense it.

"Riya, hali ka na. Kakain na." Ani ni Mamay.

"Opo, teka lang po." Sagot ko dahil patapos na rin naman ito. Niligpit ko ang aking mga gamit at dumeritso na sa hapag kainan.

Kinumusta ni Mamay ang pag-aaral ko just like the usual habits, share lang ako ng share sa kanya. I'm wholly open to Mamay, open minded din kasi naman siya. Palagi nga siyang nagtatanong kung may boyfriend na ba daw ako which is actually so not in my terminology.

Ni minsan ay di sumagi sa isip ko ang magkaboyfriend. As of now, having Mamay, Demi, Anime, and painting can already make me pleased and satisfied. I'm an open book, so I know that people can see me happily contented in my life. I'm no girl na nagdadrama sa kadahilanang walang lovelife nor what they call hopeless romantic kaya kahit kailan man ay di talaga ako nagkaboyfriend kahit may nanliligaw.

Having them would disrupt your time management, gagastos ka pa, hassle na nga sa klase dadagdag pa sila, additional stress pagmay instance na mag-aaway kayo, tapos lalabas ang pagiging emotera mo. I'm no bitter here, ni minsan nga di pa ako nasaktan dahil diyan. It's what we call real talk. Maybe one of these days or in the near future ay kakainin ko rin ang mga sinabi ko, well yes there's a probability because even I is just a human. Kung pwede lang nga lang hilain ang mga favorite characters ko anime ginawa ko na, hehe <( ̄︶ ̄)>

Pagkatapos kong hugasan ang mga pinggan ay nagpaalam ako kay Mamay na pupunta muna ako kina Demi. Sa gate palang ng bahay nila ay basag na ang ear drum ko sa boses ni Demi na kay lakas kumanta, lakas maka Perfect Two tong baklang to.

Pagkapasok ko nang bahay nila ay tumambad kaagad sa akin ang mukha ni Auburn na kumakanta ng Perfect Two sa screen. Asan kaya yung baklang yun, biglang nawala eh kakakanta lang niya kanina.

Halos mataponan ko ng vase ang taong biglang tumambad na napagtanto kong si Demi pala na nakawig ng kulay pula. Kasing pula at kasing haba ng buhok ko ang suot niya, sabog na sabog talaga. Ano na naman kaya ang hinithit ng baklang to, star wax siguro.

Nilapitan ko siya tsaka sinuri kung paano niya nilagay ang wig.

"Ano to? Tsaka anong klaseng droga ang ginamit mo? Aba Dominador malala nayan." sambit ko.

"Ay, grabe siya oh? Envy na envy lang talaga ako sa hairlalo mo girl. Kaya ayan, parehas na tayo redheads, yehey! And oh, check this out, special tong wig na to kasi may automatic clip na kapag ilalagay mo sa buhok kaagad siyang maghohook para attached talaga. Kaya kahit maghead bang ako ay di talaga to matatanggal, isn't it amazing?" aniya na may pacute-cute pang kurap sa mata. Ew.

"Nope, it isn't." Taas kilay kong sagot na ikinanlumo niya.

"Bully ka talaga, ay oo nga may concert pa ako, pakinggan mo." Tsaka kumuha siya ng remote na ginawa niyang microphone.

Tumugtog ang perfect two at kumanta siya.

"Ohh.... Yeaaahh.... Oh oh ohhh ohhhh.... You can be my peanut butter Tom and Jerry.. You—" naputol ang pagkanta niya dahil sa halakhak kong sabog na sabog talaga.

"Confirmed! StarWaxPusher101 ka nga! Anong Tom and Jerry? to my jelly yun gago!" Natatawa ko paring utas sa kanya.

"Ha? anong to my jelly? Akala ko Tom and Jerry, eh rhyme din naman kasi." nakabusangot nyang sabi.

Darted HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon