Uno
"Putragis naman! Riya! kahit adobo! sinusunog mo! sinong kakain nito aber!?" sigaw ni Mamay galing baba.
Eh, sa di ako marunong magluto! Kaya nga nagpapaturo pa ako ng nagpapaturo, gusto naman agad ni Mamay magaling agad. Nyeta. Di ako marunong magmagic, oy.
Andito ako sa itaas, dalawang palapag kasi ang bahay namin. Sa labas ng kwarto ko ay may malaking balkonahe na tinatawag ko na ring rooftop. Kunyari sosyal.
Pagkatapos tingnan ang kalabasan ng niluto ko ay agad-agad akong tumakbo papunta rito. Mag-uusok na naman kasi si Mamay na parang menopause na rhinoceros, takot ko lang. Alam ko naman di na yun makakaakyat dito, may arthritis na yun.
"Ar-ar! Psst!" rinig kong tawag sa pangalan ko galing sa kaliwang bahagi.
Hinay hinay muna akong gumapang, baka mahulog ako, mababawasan ang population ng mga magaganda.
"Ar-ar! Ar-ar! Ar-ar!" sigaw na naman ng isang matinis na boses.
Sinilip ko siya sabay sigaw ng, "Kung makatahol ka naman! Alam ko namang aso ka eh, baklang to."
"Ang harsh mo, ikaw kaya tong parang aso ang pangalan," nakasimangut na sagot niya.
"Kasalanan ko bang ginawang Riya-Riya ang pangalan ko? Tapos ikaw pa ang nagbinyag sa akin ng 'Ar-ar' nayan. Putspa! nagtutunog aso yung tumatawag sa akin eh!" sermon ko sa kanya.
"Teka nga! bumaba ka nga muna rito! sumasakit apdo ko kakasigaw!" pag-iinarte niya.
"Sabog ka ba!? lalamunan ang dapat sumasakit! oh di kaya ngala-ngala mo! hindi apdo! tsaka wag kang mag-inarte diyan! Eh wala ka rin namang apdo!" sigaw ko sa kanya.
Bigla siyang humawak sa bahagi ng katawan niya kung saan malapit sa apdo niya.
"OUCH. Sabi ng apdo ko," madrama niyang pag-iinarte.
Tinawanan ko nalang siya. Bababa na sana ako ng naalala ko si Mamay. Wengya, kinakabahan ako.
Nadatnan ko siya sa sala.
"Uh ma, s-sorry po s-sa apdo uhh ibig k-kong sabihin sa adobo. S-sorry," nakatungo kong sinabi.
"Sige na, hinahanap ka ni Demi. Mag-insayo ka pa sa pagluluto ng sa susunod okay na. Pasensya na rin. Huwag ka ng mag-inarte diyan Riya." sambit niya dahilan para mapatingin agad ako sa kanya sabay ngiti.
Nakita ko siya sa labas, andun sa tindahan nina Aling Dora. Ang landi talaga nitong baklang to. Bulgaran kasi kung makipagharutan, sa mga tambay pa ng tindahan.
Nakatalikod siya sa akin. Sarap gulatin.
"Hoy! Dominador!"
"Ay apdo!" gulat na sigaw niya habang nakahawak sa dibdib niya. Ang drama lang.
"Ar-ar naman, pwede namang Demi eh. Ang lakas mong mangtrip ngayon ah, naka volcasile ka yata ah?" tanong niya sabay irap sa kawalan.
"Baka ikaw tong nakalanghap ng mighty bond," sagot ko.
"Heh. Doon na tayo sa bahay, marami-rami rin pag-uusapan natin para sa darating na pasukan. Oh my goody! I really can't believe it! We're really going to college, scholar pa. Bilib na talaga ako sayo Miss Valedictorian," sabay ngisi niya.
"Tss, tara na nga."
College. Sabi nila di daw madali kaya mas lalo akong ginaganahan, mas maraming pagsubok mas maraming matututunan.
Mom said, since I was a child, I'm already into challenges. Sumasabak na ako sa iba't-bang contest, mapa-school man o barangays.
Most of my favored interests are painting/drawing and reading different sorts and genres with different lessons. Sa kahiligan mag-aral, naging valedictorian ako from elementary to high school while Demi was the Salutatorian.
Almost everybody in this place have high expectations for me. Somehow, those expectations made me glad. Mabuti na rin yun kaysa sa nakaraan ni Mamay ang pakialaman at pagtuonan nila.
"Ar-ar? Ar-ar! Huy!" ani ni Demi sabay palakpak ng kamay niya sa harap ng mukha ko.
"Huh? Uh- uh sorry. Ano nga yun?" guilty kong tanong.
"You're spacing out again dear, sigurado naman akong di lalaki yan. Para kasing wala sa vocabulary mo yang pagbobyfriend eh."
"Tss, tumahimik ka nga."
"Ikaw pa talaga yung naiinis? Eh ako itong talak ng talak pero di naman pala nakikinig ang pinagsasabihan ko," inis na sambit niya.
"Di bagay sayo ang magdrama, ano na?" sabay taas ng kilay ko.
"Okay, okay. So as I was saying, since tapos na naman tayong makapag-enroll, magplano na tayo para sa pamimili ng mga gamit natin. Possible requirements, study the upcoming lessons and topics, ncbjdgyrtefhbgvdfughgfhifhigfjkdsfsvbjuyikmukuimgygjtvgthvcqwertyuig"
Hanggang sa di ko naintindihan ang mga sinasabi niya. Satsat lang siya ng satsat sa harap habang ako rito malapit ng makatulog sa sofa nila.
Humikab ako.
"Tapos ka na ba?" bored kong tanong sa kanya.
"Wait. Inhale. Exhale. Inhale. Exhale. Inhale. Exhale. Inhale. Exhale. Inhale. Exhale. In—"
"Eh kung lagutan kaya kita ng hininga dyan?" putol ko sa kanya.
"Ito naman, mas lalo kang naging brutal ngayon. Sabi ko sayo bad influence yang mga anime series na yan eh," sermon niya.
"Bad influence you say?" sabi ko sabay hinay-hinay na inabot ang vase nila.
"H-huy! Joke lang yun! I know anime is good for you. Di ba? Di ba?" sabay taas-baba ng dalawang kilay niya. Good.
"Yeah right. By the way, tapos na akong mag advance study. I did it when you were at your kalandian's cave," sabay ngisi ko.
"Wth!? Ang daya mo! sabi ko sayo sabay tayo," saad niya gamit ang boses na malungkot na halata namang pinipilit. The eff.
"Pwede ka namang pumunta sa bahay, doon ka nalang mag-aral habang pinanunuod ko ang mga loves ko," I offered him.
"Mas pipiliin mo pa talaga yata yang mga anime characters nayan kaysa sa bestfriend mo ano?" mangiyak-ngiyak niyang tanong.
Nginitian ko nalang siya tsaka naunang lumabas.
Hindi ko alam kung kelan nagsimula ang interest ko sa anime. They really have this power to enchant me. Some people may think that it's a bit childish but the hell I care. A lot of tightened strings were loosened up because of watching those. Several of perceptions were unlocked and copious of thoughts were shaped. They had this proficiency in responding to my inquiries and interests. Ay tae lang, napapaenglish na naman ako nito ah.
Andito na kami sa kwarto ko. Demi is already studying, kahit gaano kalandi kasi niyan, seryuso pa rin pagdating sa pag-aaral.
Sa kama niya nilatag ang lahat ng mga pag-aaralan. Andito ako sa sofa matamang nakatitig sa pinapanood kong anime na Sword Art Online.
Maganda siguro sa virtual world no? Makakahanap rin kaya ako ng sarili kong Kirito?

BINABASA MO ANG
Darted Hearts
Ficção GeralRIYA-RIYA RIYALONDA. A peculiar name for a peculiar red haired girl. She's not your recurrent girl na makikita mo lang kahit saan. Masayahin at may kaunting kasabogan ang utak. She loves exploring the virtual world of books, movies, and different sp...