Veintidós

37 2 8
                                    

Veintidós

"Lalagpasan ko sila."

His 19th birthday celebration was done successfully. Maraming tao ang dumagsa sa D.U. Kalakip na doon ang mga inaasahang bisita ni Frau. Expected na rin na dadagsain siya ng iba't-ibang mga regalo galing sa mga nakakakilala sa kanya.

Alas dyes na ng gabi nang naihatid niya ako sa bahay at doon ko na rin binigay ang regalo ko. Hiniling ko sa kanya na sa bahay na nila buksan iyon, I just hope na magustuhan niya. It's nothing expensive, yes... but what my heart is feeling was poured out in that painting.

Nang nakapagbihis na ako ay dumiretso na ako sa aking higaan. I checked on my facebook account at ang post ni Frau ang unang bumungad sa news feed ko.

He was holding a familiar painting while smiling widely to the camera. It was a painting of a girl and a boy both holding a guitar... sitting on a familiar floor ... in a very familiar place.

Maze Garden... napangiti ako. It was my gift for him. It was the portrait of us. Staring at each other, looking so happy... so in love.

"You really have your own way of making me fall hard and deep, Scarlet. It's more than perfect. ♥" Iyon ang caption niya na nagpasabog sa puso ko. Di ko mapigilang hindi mapangiti, sa kilig at sa saya.

Andito ako kina Frau dala-dala ang gitarang regalo niya noong ako naman ang nagbirthday. Ni minsan ay di ko inasahang magkakaganito ako, isang gitarang may pirma ni Alejandro ang vocalist ng pinaka-idolo kong banda, ang Boyce Avenue. Halos mamatay ako sa tuwa nang binigay niya iyon, I swear! I don't know how he did it pero sobrang tuwa ko talaga.

Nang nagpasko ay inimbita nila kami ni Mamay. Masaya rin kaming nagsalo-salo doon kasama ang pamilya niya. Ikatlong buwan na ng taon, next week ay finals na. So far, wala namang palya ang mga nagtataasang mga grades ko. I'm trying my best to balance things out kaya maganda ang naging resulta.

"Oh? Rey, asan ba si Frau?" Pambungad na tanong ni Ate Shara na pababa ng hagdan.

"Bumili lang ng ice cream, Ate. Di na ako sumama." Sagot ko sa kanya.

"Kanina pa siya? Itetext ko siya na bumili rin ng saging." Maligayang sabi niya.

Paborito talaga iyon ni Ate Shara. Kahit anong paraan ng pagluto nito ay gusto niya.

Habang naghihintay kay Frau ay nilibang ko muna ang sarili ko kakatingin sa mga albums nila. Minsan ay napapatawa sa ibang larawan niya. May mga imahe din dito noong nasa states pa sila, kahit noo'y bata pa siya ay makisig na talaga siya.

Napako ang tingin sa isang larawan niya. Nakita kong isang skwelahan ang background nito. It was Frau with his friends. Lima silang lahat, ang tatlong lalaking nagaakbayan ay nasa likod ni Frau... at si Frau na may nakaakbay na mestisang babae. I can see how happy they are.

Di ko mawari kung ano ang dahilan pero di ko napigilang manikip ang dibdib ko.

Mas lalong pumait ang ngiti ko nang nakita ko ang huling larawan ng album. It was the same girl, kasayaw ni Frau sa isang ball.

"Delancy." Bigkas ko sa pangalang nandoon.

Pumikit ako ng mariin. Sumasakit ang puso kong tinitingnan ang dalawang mukha nilang ang lapit-lapit na sa isa't-isa. Alam kong kaunting push nalang, maghahalikan na sila, e!

Kahit idaan ko man sa biro ang emosyon kong resulta sa nakita ko ngayon, I know it won't work out. That Delancy is pretty, aaminin ko. Maputi siyang babae kontra sa akin, matangos din ang ilong niya, asul ang mata at kupas na dilaw ang kanyang buhok.

Nang ibang album naman ang tiningnan ko ay halos lahat ng larawan ay nandoon ang babaeng iyon. May mga larawang kasama ang pamilya ni Frau ngunit kadalasan ay silang dalawa lang. Nakita ko ang malaking ngiti ni Frau... mga klase ng ngiting pinapakita niya sa akin ngayon.

Darted HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon