Diecisiete
"It's supposed to be worth it."
I heard a big and a lot of gasp dahil sa ginawa kong pagsuntok sa kanya.
"What the actual fudge Scarlet!?" Gulat niyang tanong habang nakahawak sa may dugong labi niya.
"What the actual fudge my ass! Putek naman Frau! Akala ko iba ka!? Ngayon ko lang napagtantong iba ka nga talaga! Di mo na kailangang takutin ako pati ang nanahimik kong kaluluwa kung gusto mo akong maging girlfriend! Kahit saan, kahit ano! Huwag lang 'yung ganito! Halos ihiling ko na sa lahat ng santo at sa Diyos na sana kunin na niya ako kasi tae! Pati small at large intestines ko nanginig sa takot kanina habang kaharap yung mga pangit na white ladies na mga iyon!"
"Ay grabe siya oh?" Rinig kong reklamo ng isa sa mga nanunuod. Isa siguro siya sa mga white ladies.
"It was Demi and Iya's idea. Tangina..." Aniya habang pinupunasan ang dumudugong labi.
"Laaaah. Hoy Ar-ar! Eh sira ka pala e! Kung natatakot ka pala, eh di sana bumalik ka nalang noong iniwan kita! Sana umatras ka nalang! Suuus! Ginusto mo naman! Kunyare pa 'to!" Pang-aasar na sabat ni Demi.
Teka. May point siya. Pero naaah.
"Tumahimik ka nga Dominador! Ni minsan di ako umatras sa kahit saan!" Sagot ko sa naman kanya.
"At ikaw!" Turo ko kay Frau.
Napalunok siya sa klase ng tingin kong ipinupukol sa kanya at bahagya siyang napaatras. Takot ang loko!
"Tandaan mo 'to, kahit kailan 'di kita aatrasan."
"And that punch earlier? That's for making me nervous, crazy, and scared as fuck in the stunt you pulled." Ani ko tsaka hinay-hinay na lumapit sa kanya.
I smirked. Paabante ako ng paabante siya namay paatras ng paatras ngunit nahuli ko rin siya.
"And this..."
Bigla kong hinigit ang kwelyo niya tsaka siya........ hinalikan.
It was just a smack on the lips. The contact was fleeting but it still sent a jolt of sparks all over my system.
Ang landi, alam ko. Pake nila.
"That's for making me fall for you... black and blue, Frau." Tsaka ko binitawan ang kwelyo niya.
Ngumisi siya.
"I really should take note of this, that you have your own exceptional way of saying Yes."
"Actually, kulang pa dapat 'yang suntok na 'yan. Like seriously? a simple HBD text? You think matutuwa ako?" Taas kilay kong tanong.
Nakarinig ako ng mahihinang tawa sa paligid. Someone said that it's a part of the plan. So pinagplanuhan talaga nila ito. Nakakainit ng puso kahit halos patayin na nila ako sa mga pakulo nila.
"Wait. Mamaya ka ng mag-rant. Wear this first." Aniya sabay lagay ng isang bagay sa daliri ko na ikipinanlaki ng aking mga mata.
Napasinghap ako. Di ko napigilan ang nagkakarerang pintig ng aking puso. I've never expected this! Na bibigyan niya ako nito!
I couldn't help but smile... And stare into those pair of ashy eye.
"And I should really take note of this, that you have your own exceptional way of asking me to be your girl." Ngisi ko sabay yakap sa kanya.
He hugged me back. I became conscious wondering if he could feel the great intensity of my heartbeat.
Ganito na talaga kalaki ang epekto niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Darted Hearts
General FictionRIYA-RIYA RIYALONDA. A peculiar name for a peculiar red haired girl. She's not your recurrent girl na makikita mo lang kahit saan. Masayahin at may kaunting kasabogan ang utak. She loves exploring the virtual world of books, movies, and different sp...