Seite

73 6 1
                                    

Seite

"She's a gift."

A/N: May naki-insert na point of view. Haha. Feel ko kasi mas mabuting malalaman natin  kung ano talaga ang magiging reaction niya =D So yeah, ito na yun. ♥ Ingat.


"Pikit ka Ar-ar," bigkas ni Demi habang nilalagay niya ang eye shadow sa mata ko.

Alas kuwatro palang ng hapon pinahanda na agad ako ni Mamay at Demi. Mas excited pa nga kaysa sa akin ang dalawa. Natuwa si Mamay noong nalaman niyang sasali ako sa contest.

I decided not to take my mask off. Ayokong makita nila mukha ko. Putek. Nakakahiya kaya, samahan mo pa sa spotlight nilang nakakataeng tingnan.

Maaga akong kumain pati na rin si Demi. Sabi kasi ni Mamay mas mabuting maagang makapaghanda kaysa sa dadali-daliin nalang kasi malelate na. Si Demi ay nakasuot ng kulay blue na long sleeve pero para rang siyang cardigan, nakabukas ang gitna dahilan para makita ang katawan niya same color with his pants. Tae. May abs pala ang gago.

Inutusan ko si Demi na gawing light lang yung make-up. Ani ni Mamay, mas gaganda raw kapag simple lang, ang goal is para mas mapalitaw pa ang features ko. Nude lipstick ang nilagay niya, bagay na bagay lang din sa style ng make-up ko.

Nakamessy bun ang buhok ko. May ilang hiblang pinakawalan bandang kaliwa't kanan ng ulo at tainga ko. I really don't do make up and such but when I glanced at myself in the mirror. Wow.

Who's this girl in front staring at me? Di joke. Tae lang. Pero seryuso, di ako makapaniwalang pwede akong mag ganito. Ang umaapoy kong buhok ang nagdala eh, maganda ang pagkatali ni Demi. Nyeta, bet ko tong style niya.

After noong nagkausap kami ni Frau sa Maze Garden, I made a decision. It's to dedicate the song that I will sing later for him. Yan yung pinagpapraktisan ko noong bagot na bagot na si Demi kakangisi ko tuwing kinakanta yun. It's really not that sweet, pero alam kong bagay na bagay sa kanya yun. Di niya rin naman ako makikilala, nakatakip naman ang aking mukha.

Yes I like him. At di ako manhid para di maramdaman ang mga kakaibang kilos o pakikitungo niya. Wala siyang masyadong kaibigang mga babae, only boys na kateammate niya. Kaya di normal para sa akin ang makita ang isang Frau Dawn Ayanami na nakikipag-usap sa isang babae, and fortunately it was me.

Nalagay ko na din ang piercing na iaattached lang sa pusod ko. I must admit that it's very cool to look at.

"Talikod ka, ilalagay ko na tong takip ng mukha mo. Ikaw Arry ha, ano bang drama mo at ayaw mong tanggalin yang telang yan sa pagkanta mo? Mata lang ang makikita, sa tingin mo marerecognized ka ni Frau diyan?" Pangaral sa akin ni Demi na kasalukuyang nilalagay ang takip sa mukha ko. Parang ninja style lang, mata lang ang makikita.

"That's the goal Dem. I don't want Frau to recognize me." Irap ko sa kanya.

Alam na ni Demi lahat, kinwento ko sa kanya. Hysterical nga siya noong nalaman niya but then it ended up na susuportahan nalang daw niya ako, ika niya ang magkakaibigan ay nagtutulungan lalung-lalo na sa oras na kalibogan. Sabog talaga, eh siya lang naman tong malibog eh. Wagas kung makapagnanasa sa lalaki.

Alas sais imediya na ng gabi nang nakarating kami sa school.

Marami ng tao, iba't-ibang pinagkakaabalahan ang lahat. Malamig ang hangin kaya damang-dama ko ang hangin na lumalagpas sa aking tiyan.

Nasa outside area ng Maze Garden ang venue, ang lawak-lawak ng area. Napakaganda ng pagka landscape, and its design fits for today's event.

Makikita mo rin ang mga Counsel Officers at ang ibang taong kabilang sa matataas na posisyon ng School na abala sa page-entertain ng mga special guests. I guess Frau is one of them, hindi naman siya officer but he's the son of the owner of this school so that make him an owner as well.

Darted HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon