Veinte

25 2 5
                                    

Veinte

"Remember that Scarlet."


I already texted Mamay na malelate ako ng uwi, it was probably ten when I got home. Tulog na siya pagkahatid ni Frau sa akin sa bahay.

Nakahiga ako ngayon sa aking kama. Trying to recall everything that happened today. It was amazing. Ang ganda at ang gaan sa pakiramdam.

Suot-suot ko pa rin ang malaking t-shirt ni Frau. Halos hanggang tuhod ko ito and it smells so good. Sinisinghot-singhot ko pa ang mahalimuyak na bango nito.

Hawak-hawak ko ang aking labi... trying to remember his kisses. I can still feel his lips against mine. Di ko mapigilang hindi kiligin at mapangisi. Kahit ala-ala lang ay naghahatid pa rin iyon ng malaking botalhe ng kuryente sa buong sestima ko.

Naipakilala ko na rin sa Mamay sa kanila. Frau's family was also amazed on how great Mamay is when it comes to painting. May mga bondings na rin kami kasama ang kanyang pamilya. There are times na nagtatalo kami sa mga maliliit na bagay but in the end we still make up with each other.

Siya ang naghahatid sa akin kada uwi ko. At first ay tinanggihan ko pero ayaw din kasi niyang magpaawat. Sinasama rin namin minsan sina Tania at Ate Shara sa ibang gala namin. Mas tumibay ang samahan namin and I'm thankful for that.

Summer na at napagdesisyonan naming pumunta sa Ilo-ilo. Kasama namin ang boyfriend ni Ate Shara na si Kuya Ender. Galing sa kanya ang ideyang pumunta doon, pinsan daw niya kasi ang isa mga holder ng resort na iyon.

Andito ako ngayon sa bahay nina Demi habang tinutulungan siyang mag-impake. Tapos na kasi ako, bukas ng umaga ang byahe namin papuntang Ilo-ilo.

"Hala. Ba't may lace bra dito? Huwag mong sabihing may balak kang suotin ito doon Dems! Di ako magdadalawang isip na lunurin ka." Sabi ko habang hinahawakan ang pulang lace bra na may flowering design, nakakabakla.

"Hindi, a. Kay Mama 'yan." Aniya sabay hablot ng bra sa kamay ko.

"Nagdedeny ka pa. Dinadamay mo pa si Tita Elayah sa kasabogan mo. At tae! Malaki boobs niya kaya malamang na hindi sa kanya 'yan! Tingnan mo 'yan, parang baby bra lang."

"Porket maliit boobs ko akin na kaagad ito?"

"Hindi! Dahil wala ka rin namang boobs! Wala ka ngang apdo!" Pang-aasar ko sa kanya. Bangayan lang kami ng bangayan hanggang natapos kami sa pag-iimpake ng mga gamit niya.

Tatlong sasakyan ang naghatid sa amin papuntang Bancasi Airport ng Butuan, isa na doon ang sasakyan ng bodyguard nila. Anim na tickets ang hawak ni Frau. Kay Ate Shara, Kuya Ender, Demi, Tania, akin at sa kanya. Byaheng pa Cebu to Ilo-Ilo ang ticket namin pero sa Ilo-Ilo talaga destinasyon namin.

Pinasadahan ko muna ng tingin ang aking suot bago bumaba ng kotse. I'm wearing a deep blue crop top paired with a pure white high waist short tsaka nakamessy bun ang buhok ko. Sinuot ko muna ang aking sunspecs bago kinuha ang aking purse.

Alas sais y medya na nang makarating kami. Alas siete ang flight namin kaya okay pa.

Si Frau ang nagdala sa maliit kong maleta hanggang sa natapos nalang ang pagcheck ng bawat bagahe ay kinuha niya pa rin iyon. Nang naayos na ang lahat ng mga bagahe namin sa luggage area ay tuluyan na kaming pumasok sa plane.

Inerplane mode ko muna ang phone ko tsaka tuluyang humilig sa upuan. Malapit ako sa bintana habang si Frau naman ang nasa aking tabi.

Palipad na ang eroplano nang may naramdaman akong braso na pumulupot sa aking balikat. Nilingon ko si Frau na nakakagat labi at halatang nagpipigil ng ngiti.

Darted HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon