Veinticuatro
"I'm gonna surprise him."
Umaga pa lang ay naghanda na kami para sa babaunin namin mamaya sa Alibuag. Weekend kasi at higit sa lahat bakasyon pa ngayon kaya mas lalong dadami ang tao roon. Maaga kaming pupunta para makapiki ng mas maayos na puwesto.
Nasabi rin ni Ate Shara sa akin na madalas daw sila ni Kuya Ender doon, nakakapagrelax daw kasi ang lamig ng tubig ng spring. Bukod sa malayelong tubig ay pinapalibutan pa iyon ng mga naglalakihang mga puno kaya mas malamig talaga sa paningin.
Andito kami nina Mamay at Ate Sam sa kusina, nagluluto ng iba't-ibang putahi nang dumating si Lorry na may kausap sa phone.
"O, Ate Riya. Gusto kang makausap ni Kit." Aniya sabay abot ng phone.
"Bakla! Tae to! Anong oras kayo pupunta?" Pambungad na tanong ko.
"Salamat sa pagkukumusta Riya ha! Mabuti lang naman ako dito! Pumipitik pa naman pulso ko! Naappreciate ko talaga! Sobra!" Asar na wika niya.
Humagalpak kaagad ng tawa si Ate Sam. Sa amin kasi ay siya itong mas mapang-asar pagdating kay Kit.
"Feeling mo naman may pulso! Eh patay ka na nga, e! Patay na patay sa Arabong iyon!" Hagalpak na naman niya.
"Oo nga Ate! Hindi pa rin niya tinatantanan ang may magaspang na balbas na Arabong iyon!" Rinig kong singit ni Adrienne mula sa kabilang linya. Magkasama silang pupunta dito ngayon.
Hindi ko napigilang hindi tumawa sa sinabi ni Adrienne. Matagal ng tanggap si Kit sa pagkatao niya, kahit ano pa naman kasi siya ay kami pa rin ang kanyang pamilya.
"Kasama niyo ba ang dalawa?" Tanong ko, tinutukoy ang dalawa ko pang pinsan na lalaki.
"Hindi Ate, e. Sabi nila next week pa sila, ewan ko ba sa mga 'dun. Pero mas masaya sana kung andito sila." Sagot niya.
Nang nag alas otso ay bumyahe na kaagad kami. Nakaracer back kaming lahat na magpipinsan pero sa loob ay ang two piece namin. Nasa front seat si Lola habang si Mamay naman ang nagmamaneho.
Ang ingay namin sa likod. Malaki naman itong van kaya nagkasya rin kami, si Haznairah naman ay ginamit ang motorbike niya na kaback-ride si Lorry.
Nakita ko kaagad ang malaking karatula sa bukana nito.
Welcome to Alibuag, Cold Spring.... Medina, Misamis Oriental
Hindi ko mapigilang hindi makaramdam ng pagkasabik. Namiss ko ring maligo dito, lalong-lalo ng mas mainit ang panahon ngayon. Ang sarap manatili sa malayelong tubig nito.
Kinuha ko ang ilang mga pagkain sa likod samantalang sina Ate Sam naman ay nauna na habang habol ng habol kay Nygel na panay ang takbo pababa ng mahabang hagdan ng Alibuag.
Inilibot ko ang aking paningin at nakitang hindi pa gaano kadami ang tao. Maaga pa kasi.
Nandoon na sila ni Kit at Adrienne pagdating namin. Kagaya namin, nakaracer back rin siya habang si Kit naman ay nakasando.
"Ate Riya!" Salubong ng dalawa sabay beso at yakap.
"Hindi ba talaga pupunta ang dalawa?" Nakasimangut kong tanong.
"Ewan ko talaga 'dun Ate, alam mo naman ang dalawang iyon. Basta-basta lang susulpot." Si Kit ang sumagot.
Nagpicturan muna kami at kung anu-ano pa. Tiningnan ko ang aking phone at nakitang tumatawag si Frau doon.
Nilingon ako ng lahat ng mga pinsan ko. Alam ko ang tingin na 'to, aasarin na naman ako nito.
"Ano ba yan!" Maktol ni Haznairah.
BINABASA MO ANG
Darted Hearts
Ficción GeneralRIYA-RIYA RIYALONDA. A peculiar name for a peculiar red haired girl. She's not your recurrent girl na makikita mo lang kahit saan. Masayahin at may kaunting kasabogan ang utak. She loves exploring the virtual world of books, movies, and different sp...
