34

26 4 19
                                    

34

Patapos na ako sa aking mga ginagawa nang dumating si Nina, isa sa aming pinagkakatiwalaang kasambahay.

She’s old, matagal na siyang naninilbihan kay Papa simula pa noon. She’s been all good to us, simula pa noong una naming pagtapak ni Mamay sa mansion na ito.

“Riya, your friends are here.” Wika niya.

Tumango agad ako at agad na lumabas para salubungin sila. Tatlong sasakyang may iba’t-ibang kulay ang pumarada sa parking lot namin.

Unang lumabas si Demi mula sa kanyang pulang Lexus at madramang nagflip-hair kahit maiksi naman buhok niya. Umirap lang ako.

Dumako ang paningin ko sa asul na Ferrari at lumabas ang nakangising si Vast na may suot na wayfarers.

He’s wearing a white V-neck shirt paired with a black khaki shorts. Messy blonde hair, massive biceps that would make a girl go gaga over it, and those ashy pair of eyes... which reminds me of someone.

Pinilig ko ang aking ulo, erasing the thoughts.

“Maintaining that tan skin complexion is a brilliant idea, I must say. Rating... one hundred one percent!” Halakhak niya habang papunta sa direksiyon ko na agad ko rin namang sinalubong ng isang yakap.

“Well, thank you!” Bungisngis ko.

“My pleasure, my lady.” Madramang sagot niya habang ginagaya ang isang prinsipeng nagbo-bow sa harap at hinalikan ang aking kamay.

Sabay kaming humagalpak nang agaw-pansing umubo si Demi sa gilid namin.

Tiningnan ko siyang nakabusangot ang mukha at inirapan lang ako.

Napabaling ang tingin ko sa puting Lamborghini nang kumalabog ang pinto nito at iniluwa ang isang makisig at matangkad na lalaki.

Napangiti kaagad ako nang nasilayan ko ang nakangiting mukha ni Haste.

Wearing a black V-neck shirt paired with a white khaki shorts ay agad kong nilingon si Vast na parang aliw na aliw sa reaksyon ko habang pinapasadahan ang suot nilang dalawa.

Just what the hell? Wala na talagang mas ikaka-wierd sa pamamaraan ng kasuotan nilang dalawa. They are like twins, palaging may theme ang suot nila... like all the damn time.

He dramatically ran a fingers through his hair which made me roll my eyes. Alam niya kasing isa sa nga paborito ko sa kanya ay ang abo niyang buhok.

I couldn’t deny the fact that he looks ten times attractive because of his hair colour now, he didn’t want it at first pero nadala rin naming tatlo. It matches his obscure eyes, pitch black but are very expressive.

“Stunning as always.” Pasimpleng wika niyang naging dahilan upang pamulahan ako.

“Sus, diskarte na naman ‘yan, Riya! Huwag kang maniwala diyan!” Hagalpak ni Demi.

Mas lalo akong natawa nang walang ibang pinakitang reaksyon ang dalawa at nakatingin lang sa amin ni Demi gamit ang litong mga mata.

“They’re in their alien mode again.” Bulong ni Vast kay Haste na narinig din naman namin.

Admiration was evident in their eyes the moment they stepped inside. Hindi ko napipigilang hindi mapangisi sa mga nagiging reaksyon nila sa bawat sulok ng silid.

“Is that your Mom’s work?” Tanong ni Haste habang tinuturo ang painting kung saan gamit ang iba’t-ibang mga kulay ay nabuo ang larawan ni Papa. It was naturally classic and spectacular.

“Yep. She made that last Christmas for Papa, it was her gift for him.” Paliwanag ko.

“Sweet. It’s pretty amazing.” Manghang wika ni Vast habang patuloy pa ring pinagmamasdan ang painting ni Mamay.

Darted HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon