Quatro
"I was just surprised."
Halos mag-ugat ang mga paa ko sa kinatatayuan ko ng bigla niyang nilingon ang direksyon ko.
Lumabas ako sa lunggang pinagtaguan ko. Kanina pa ba niya alam na pinagmamasdan ko siya? Tae! Nakakahiya.
"Uhh S-sorry, akala ko kasi walang tao, kanina pa kasi ako dito pero wala namang nag-ingay. Noong nakita kita, aalis na sana ako kaso kumanta ka kay—"
"And that made you stay," dugtong niya sa mga salitang binitawan ko.
Bigla akong pinamulahan. Putek, wag kang magpahalata Riya.
"Kapal rin ng balbas mo ano? Naintriga lang naman ako sa gitara mo, yun lang yun."
"Bakit? Anong meron sa gitara ko? Gusto mo? Marunong ka nito? Try mo nga," saad niya sabay tayo at akmang ibibigay ang gitara sa akin.
"Madaldal ka rin pala no? Di ako marunong diyan, maganda lang talaga design niya," pagdadahilan ko.
"Don't deny, I can see your eyes screaming with interest in this stuff. Sige na, sample lang naman."
Binigay niya sa akin ang gitara, wala akong choice kundi tanggapin. Feeling close rin pala tong specie na 'to.
Umupo ako sa sahig, umupo rin siya. Kaharap ko siya ngayon.
Nagpakawala muna ako ng isang malamim na buntong hininga bago nagsimulang magstrum.
Pumikit ako.
Saan nga ba patungo
Nakayapak at nahihiwagaan
Ang bagyo ng tadhana ay
Dinadala ako sa init ng bisig mo
Ba't di pa sabihin ang hindi mo maamin
Ipauubaya na lang ba 'to sa hangin
Huwag mong ikatakot ang bulong ng damdamin mo
Naririto ako't nakikinig sayo...
Mukha niyang nakaawang ang bibig ang bumungad sa akin pagmulat ko.
"Sorry, wala akong ibang maisip na kanta kaya yun nal—"
"No no no no, that was flawless," tulala pa rin niyang saad.
"The way you play that instrument, it seems that you're already used to it."
"Madalas kasi akong naggigitara noon kasama ang mga pinsan ko," paliwanag ko. Medyo naging komportable na rin ako sa kanya.
"Bakit noon lang? What happened now?" tanong niya.
"Di na masyado, mas pinagtutuonan ko ng pansin ang pagpipinta," sagot ko.
"But you're so good," pangungumbinsi niya.
"Di nga?"
"Hell yeah. It's the first time I've witnessed a girl na naggigitara at may boses na kasing ganda sayo from this school."
"Di nga?"
"Uhuh, kadalasan kasi puro pag-iinarte lang ang inaatupag nila. I mean it's natural na magpaganda sila, yes. But somehow, I wonder kung may natutututonan ba sila dito."
"Di nga?" At least may similarities kami ng mga pananaw, hihi.
"And yes, before I forgot," saad niya sabay halungkat sa bag niya at may kinuha mula doon.
"I think this is yours," sambit niya at inilahad sa akin ang matagal-tagal ko ng hinahanap na maliit na notebook kung saan andoon ang mga favorite characters ko sa anime.
"Uhh salamat, matagal ko na kasi tong hinahanap. Salamat talaga," galak na glak kong sabi.
Tinaasan niya ako ng kilay at nagsalita, "It seems that you're really that fun of anime huh?"
"Yes. Sobra," sagot ko.
"Well, I couldn't blame you. There's an exceptional vitality that anime can give to a person. It depend on us on how we appreciate them. As of for me, they instigates my visions and also they have this power to give you a stimulating atmosphere," litanya niya.
Confirmed. Madaldal nga to.
"Di nga!?" manghang tanong ko. ANIMANYAK DIN SIYA!! Yohooo!
"Stop with that 'di nga' will you?" asar na sabi niya.
"Eh ikaw rin naman! English ka ng English!" nakasimangut kong sagot.
"My whole childhood life and half of my adolescent span was spent in States, what do you expect?" ani niya sa isang matigas na englis.
"Di nga?" nakangisi kong sabi.
"Really?"
"De nge?" sabay halakhak ko.
"Kidding, ito na, hindi na," saad ko sabay peace sign.
"So kilala mo si Frau?" tanong ko sa kanya.
Natawa siya. Sino ba naman ang hindi kung Frau din ang pangalan niya?
"Well yes, aside from being my name, he is a bishop and one of the gods who protect people, Zehel right? from the series of 07 Ghost." Nagseryuso na rin ako.
"Yes, indeed. I admired him, greatly. He got this stout guts that would drive him to prtotect Teito strappingly. Gwapo na sana eh, ang manyak lang niya," natatawang sabi ko.
Kung ordinaryong tao lang siguro na hindi adik sa anime ang makakarinig sa mga pinag-uusapan namin sigurado akong malilito ito.Natahimik ako ng nakita ang mukha niyang tulala sa kawalan.
"Ang lalim ata ng iniisip mo ah."
Nilingon niya ako, "I was just surprised."
"Surprised? Saan?" litong tanong ko.
Ngiti lang ang sinagot niya sa tanong ko. Sabog.
Tumunog na ang first bell, hudyat na malapit na magsimula ang klase. May fifteen minutes pa ako bago magsecond bell.
"S-sige, may klase pa ako. I have to go," paalam ko sabay simula ng maglakad.
Napahinto ako ng bigla siyang magsalita na ikinalingon ko.
"You really have a distinctive scarlet hair though and it suits you seamlessly," ani niya at pinasadahan ng tingin ang pula kong buhok.
"Are you Erza's sister?" biro niya.
"Sabog, hindi ah. Tanungin mo si Mama kung bakit nagkaganito," natatawa kong sagot.
Bago ako tuluyang lumisan ay narinig ko pa ang huling sinabi niya.
"Well, see you around Scarlet."
Putek. Ba't Scarlet tawag niya sa akin? Di naman kami magkamukha ni Erza ah, di rin naman ako ganoon ka sadista tsaka mas maganda ako sa kanya, hihi. Pumasok akong may malaking ngiti na nakasilay sa aking labi. Isa lang ang nasa isip ko.
Ang sarap pakinggan ng pagbigkas niya sa pangalang iyon. Putek talaga!
------------------------
Huhuhu, sorry na! Kung parang walang sense tong chapter na to, hehe (^_^v) Sa mga nanunuod ng FAIRYTAIL sigurado akong gets niyo haha. Isa si ERZA SCARLET sa mga characters dito, possessing one hell of a scarlet hair na kasing pula sa emosyon niya pagnagagalit siya :D. Pakitingnan nalang po ang picture, thanks! Sana ma-take niyo ang pagiging Animanyak ko! <3 Selemet XD
BINABASA MO ANG
Darted Hearts
General FictionRIYA-RIYA RIYALONDA. A peculiar name for a peculiar red haired girl. She's not your recurrent girl na makikita mo lang kahit saan. Masayahin at may kaunting kasabogan ang utak. She loves exploring the virtual world of books, movies, and different sp...
