42

16 3 10
                                    

Nanatili kaming dalawa dito sa glass cave. Sinusulit ko bawat pagkakataon dahil hindi ko alam kung kailan pa ako makakabalik dito ulit.

As what Ate Shara said, Frau left the moment he received a letter from someone. Wala raw silang ideya kung mula kanino iyon dahil si Frau lang ang nakakaalam.

But Ate Shara’s quite sure that it was about me ngunit ano iyon?

He left the exact week where I won my masterpiece. Kung saan ko natagpuan ang Papa ko at buhay koy nabago.

After that, hindi na raw siya nagparamdam. They even hired private investigators but then failed.

“How about Delancy? Does she know any of this?” Tanong ko.

“That slut? Unang-una ay wala siyang karapatan dahil wala na rin naman siyang kaugnayan kay Frau. After your break up, Frau shut us up away from him including that girl!” Kitang- kitang ko ang magkahalong poot at sakit sa mga mata niya.

Nanatili akong tahimik. Sinusubukang pinoproseso ang lahat ng aking nalaman ngayon.

It’s been four years. Napakatagal na panahon ngunit bakit di niya ako matagpu-tagpuan kung nariyan lang naman ako sa Mexico?

Ang katanungang ito ay nanatiling isang malaking palaisipan sa akin. Hindi ako lumipat kahit kailan man mula noong doon na kami nanirahan kina Papa. That should’ve been very easy for him to find me.

Ganyan ba ako kahirap hanapin? O sadyang madali lang siyang tumigil kakahanap sa akin?

“Ang tagal na Rey. Ang haba ng apat na taon na iyon ngunit kahit kailan ay wala kaming narinig na balita mula sa kanya. Bawat araw, kaming dalawa ni Daddy ay palaging umaasa na sana marinig na namin ang umaalingawngaw na boses niya dito sa bahay, na sana marinig na namin ulit ang nga yapak niya, na sana marinig namin ulit ang nga halakhak niya, na s-sana masilayan ko ulit ang n-nakangiting mata n-niya. I m-miss my little brother, Rey. I-I miss him s-so much.” At muli siyang humikbi.

I know Ate, I miss your brother too.

“A-akala ko nakita ka na niya na baka s-surpresahin niyo nalang kami na kasalan na ngunit hindi. N-now it turned this way! You, coming here looking for him while he was gone looking for you!” Napapikit ako ng mariin sa sinabi niya.

She has a point. Tama siya. Ba’t nga ba nagkaganito? Kasalan ko ba? Kung hindi ko ba siya hiniwalayan at tinakbuhan noon ay walang mangyayaring ganito?

Paano naman ang nararamadaman ko sa panahon na iyon? I was so hurt! Too hurt to even accept him again.

But now’s different. I know for myself that I am ready, I am ready to accept him again. I am ready to love him again, I even never did unloved him. Is it too late?

All the pain I’ve been through taught me a lot of things. That you cannot love without getting hurt. That you need to undergo pain to be whole again at si Frau, si Frau ang susi ko upang ako muli ay mabuo.

“I’ll be flying to New York next week with Dad. Uuwi rin siya dito after a couple of days, may aasikasuhin lang. We have our company here to be manage kaya kailangan niyang bumalik.” Wika niya.

“What about you?” Tanong ko.

“I’ll be staying there for only God knows how long. Ewan. Maybe for good? Hindi ko alam, wala rin naman akong babalikan dito. Dad can visit us there, there’s no need for me to be here, here in this place full of fucked up memories.” Mapait na wika niya. I’m sorry Ate Sha.

Talaga nga namang hindi madaling binabato ng mga masasayang ala-ala kasama ang taong minsan nang naging sayo ngunit nawala.

Both of us shared the same pain that’s why I can never question her decision.

Nang natapos kaming mag-usap ay pumunta na kaagad kami sa kanilang main garden.

Pinakilala ko sina Haste at Vast sa kanya. She welcomed them as well as Demi. We stayed for a while at nang maghapon ay nagpaalam na rin kami.

“Rey.” Tawag ni Ate nang nasa bandang gate na nila kami.

Nilingon ko siya, “Bakit, Ate Sha?”

“Kung makakabalik man ako dito ulit... dahil lang ‘yun sa isang rason.” Pabitin na wika siya.

“Anong rason ang tinutukoy mo, Ate Sha?”

Ngumiti siya. Isang napakasensirong ngiti.

“Kung ikakasal na kayo ni Frau dito. Hindi ako magdadalawang isip na pumuta Rey. Isasantabi ko ang lahat ng sakit dulot ng mga ala-alang nabuo sa lugar na ito para sa inyo. I wouldn’t miss it for the world, Rey. Never will I.”

Nangilid ang luha sa mga mata dahil sa sinabi niya. Agaran ko.siyang yinakap ng mahigpit.

“I’ll miss you, Ate.”

Nakatulog ako sa byahe pauwi. Nang nakarating kami ay agad na nagluto at naghain ng pagkain sina Haste.

Gusto kong tumulong ngunit pinipigilan nila ako. They wanted me to just rest.

“That Shara was quite pretty.” Ani Vast habang nagbubukas ng can ng coke.

Agad na dumako ang tingin ko kay Demi na tumaas ang kilay.

“She’s taken. She’s older than you. And she’s not gonna waste her time for a shitfaced frog like you.” Halos maubo ako sa deritsahang sabi ni Demi.

Walang pasubali akong humagalpak na sinabayan din ni Haste.

“Hey, hey, hey. I was just stating a fact. I don’t mean anything, is expressing our thoughts a violation of that law of yours now? And mind you, this lady beside me is our princess so that makes you her frog, Dominy.” Maarteng wika ni Vast na mas lalong nagpatawa sa akin.

Pumula ang pisngi ni Demi. What the hell?

“Why me? If Arry’s the Princesa then it should be Haste! He should be the frog!” Parang batang maktol ng bakla.

“Haste is handsome and you are not!” Hagalpak ko. Tinapunan niya ako ng matalim na tingin.

“Totally! I’m not handsome because I am beautiful!”

“Says who?” Ngisi ni Haste.

Walang sumagot sa aming dalawa ni Vast.

“Do you think Demi is beautiful, Riya?” Tanong ni Haste.

“No.” Halakhak ko.

“Do you think Demi is beautiful, Vast?” Tanong niya naman kay Vast.

Nakatuon lahat ng atensyon namin sa kanya at sa magiging sagot niya.

“Next question,please?” Katagang binitawan ni Vast bago ginambala ang bahay ng mga naglalakihang halakhak.

Hindi ako nagkamaling dalhin sila rito. After all the pain through out this day, I can still end up smiling because of them.

Nabaliw na siguro ako kung wala sila. Hindi lang kaibigan ang turi ko sa kanila kundi pamilya.

Darted HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon