Pumunta ang kalahok na tinawag sa gitna dahil may naghihintay sa kanyang isang malahiganteng paint brush na trophy.Ngayon ko lang din napagtantong pamilyar siya. Palagi ko siyang nakakasabay sa iba't-ibang patimpalak na nasalihan ko. Balita koy isa rin siyang sikat na journalist.
Halata sa mukha niya ang pagkabigla sa resulta. Mukhang hindi niya ito inaasahan. Life is full of surprises indeed. Kailan kaya ako makakatanggap ng akin?
Nang akmang kukunin na niya ang inaabot na trophy ay tsaka nagsalita muli ang emcee.
"Pardon me for the interruption but there was a mistake. I am very sorry but we got the wrong result." We are all dumbfounded on what the emcee has said.
Pinaliwanag niya na may technical error ng machine sa pagcompute ng total average. Wika niyay parang may gumalaw sa settings nito dahil sigurado silang hindi ito kailan man nagloko.
May nalungkot at may nasiyahan ngunit mas nakatuon ang atensyon ko kay Lhui. To be in her shoes is not quite easy.
Nanatili siya sa gitna. Makailang sandali ay nagsalita ang emcee.
"The real winner is... Ms. Riya-Riya Reianheld!" Now that made me more dumbfounded!
Isa lang ang naging reaksyon ng lahat. Nganga.
"Wooh!" Umalingawngaw ang parang baliw na cheer ni Vast sa buong dagat ng taong narito. Natuon sa kanya ang halos lahat ng atensyon ng mga tao.
Uminit ang pisngi ko sa kabaliwan niya. Gago!
Ang napakalakas na palakpak niya ay sinundan nina Haste hanggang sa nagsunod-sunod na. Tumayo ang lahat na may malaking ngisi.
Napabaling ang tingin ko kay Demi, he mouthed the "Columbia" at agad akong napatawa.
Dahan-dahan ay inilibot ko ang aking paningin. To be cheered by everyone is like a dream. This is beyond a dream.
Nanatili akong nakatayo sa pwesto ko at parang blanko pa rin ang isip ko.
"What are you waiting for? Go get it, girl!" Rinig kong sigaw ng isa sa mga nanunuod na nagpabalik sa aking hwesyo.
Wala sa sarili akong napangiti, hearing other people's encouragement is so overwhelming.
Pumunta akong gitna at agad lumapat sa akin ang nakakasilaw na spotlight. Pansin ko ring bumalik na si Lhui sa pwesto niya.
Ibinigay sa akin ang kanilang napakalaking gantimpala. The UEP trophy, gamit ang nanginginig at nanlalamig na kamay ay tinanggap ko ito.
Dinagsa ako ng mga taong may malalaking pangalan sa larangan ng sining upang ibigay ang iba't-ibang parangal.
We took a lot of pictures, with my family, with my friends, with different people. Hindi ko alam kung ano na ang naging itsura ko doon.
Nang nakahanap ako ng tyempo mula sa kumpol ng mga tao ay agad akong pumuslit at pilit na kumawala mula sa kanila.
I scanned the whole crowed looking for someone, dala-dala ang trophy na bigay sa akin.
Nang namataan ko siya na may luhang nakatitig sa painting niya ay agad akong lumapit.
"Lhui." Tawag ko upang makuha ang atensyon niya.
Nilingon niya ako gamit ang matang puno ng lungkot.
"Congratulations, Riya. You deserved it." Mangingiyak na wika niya ngunit pinipilit pa ring ngumiti.
Umiling ako at tuluyang lumapit sa kanya upang mayakap.
"No, Lhui." Aniko at walang pag-aalinlangang ibinigay sa kanya ang trophy.

BINABASA MO ANG
Darted Hearts
General FictionRIYA-RIYA RIYALONDA. A peculiar name for a peculiar red haired girl. She's not your recurrent girl na makikita mo lang kahit saan. Masayahin at may kaunting kasabogan ang utak. She loves exploring the virtual world of books, movies, and different sp...