Treinta
Pumunta ako sa pangunahing viranda ng hotel. Nakatungo ako habang unti-unting pinalis ang mga luha sa aking mata.
Ramdam kong malakas pa rin ang pintig ng puso ko dulot sa nangyari. Damn! Ngunit wala akong pinagsisihan sa mga sinabi ko kay Demi, he should know that I'm strong enough to handle this bullshit.
Pansin kong kaunti lang ang tao roon. Napayakap kaagad ako sa aking sarili nang tuluyan ko nang pinasok ang bukana nito. Maluwag ito at may maliit na bar area rin sa gilid.
Umupo ako sa isa sa mga upuan sa counter at umorder ng maiinom.
"A whiskey, please." Aniko sa bartender.
"Oh, that's hard." Sambat ng isang pamilyar na boses.
Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses at nakita ang nakahalukipkip na si Haste. Kunot ang kanyang noo at mataman akong tiningnan.
Tinaasan ko lang siya ng kilay at ibinalik ang atensyon sa aking iniinom.
"A whiskey, please." Aniya sa bartender kasabay ng pagtabi niya sa akin.
I can't stop myself from rolling my eyes. Gaya-gaya.
Binigay ng bartender ang order niya then he murmured thanks sabay bigay ng bayad.
"A lovely lady should not be alone in this dark and cold night." Wika niya habang nakatitig sa kanyang shot glass.
Nag-angat siya ng tingin sa akin. Kumikislap ang kanyang mga mata, I saw lonliness and pain in his eyes. Ngunit para kanino ang mga emosyong ito?
Mapait akong ngumiti sa kanya.
Alam niyang may pinagdadaanan ako ngayon. He probably knew the reason why I'm like this again.
"What happened?"
Nag-iwas ako ng tingin, "The same thing."
Bumuntong hininga siya. Wari ko'y nag-iisip.
For the past days I've been with Haste, sa lahat ng sinabi ko sa kanya tungkol sa mga nangyayari sa amin ni Frau, I was surprised na ni minsan hindi siya nagsalita ng masama tungkol sa boyfriend ko.
He weigh things out, nagbibigay lang siya ng advice but he never talked shit about Frau. Kahit naman talagang totoong gago siya.
Tumikhim siya kaya napalingon ako sa kanya.
"What happened this time?" Tanong niya.
Sinabi ko ang lahat, mula sa pagkakita ko kay Delancy sa kwarto ni Frau hanggang sa pagsasagutan namin ni Demi. I don't know why, but I really trust him dearly.
"First of all, do you really knew what happened inside your boyfriend's room? Because you know, you might be mistaken or something, you know the usual stuff. And lady, you haven't talked to him seriously, I mean there could be a lot of explanations behind it." Wika niya.
Napasimangot ako dahil alam kong may punto siya.
"Explanations like what? That he needs to fucking babysit that girl? No thanks." Irap ko.
He chuckled making me throw a dagger look on him.
Tinaas niya ang dalawa niyang kamay and murmured sorry.
"But hey, there can be a lot of reasons, we never know." Aniya sabay lagok ng whiskey.
"How could you be that freaking optimistic?" Di makapaniwala kong tanong.
"You don't need to jump into conclusions. You need to look at each other's side, either if it is negative or not, still you need to weigh things out. Or else you'll regret your impulsive decisions." Seryuso niyang sagot.
BINABASA MO ANG
Darted Hearts
General FictionRIYA-RIYA RIYALONDA. A peculiar name for a peculiar red haired girl. She's not your recurrent girl na makikita mo lang kahit saan. Masayahin at may kaunting kasabogan ang utak. She loves exploring the virtual world of books, movies, and different sp...