Veintiséis

28 3 1
                                    

Veintiséis

"...dahil kay Mr. gu-sa-co-sh."


"Reianheld." Bigkas ko sa pangalan ng hotel na nakaukit gamit ang gintong mga letra na kumikinang kahit sa malayo.

Teka, parang pamilyar ang pangalan na ito. Right! It's the lastname of that guy na tumulong kay Frau dito. Maybe isa rin ito sa mga business niya. Filthy rich.

Isang sikat na hotel ang tinutuluyan namin. Andito ang lahat ng mga kalahok mula sa iba't-ibang bansa. Libre daw lahat dahil kabilang lang daw ito sa contribution ng may-ari ng hotel. Isa rin daw kasi siya sa mga mahahalagang panauhin sa exhibit. Usapa-usapan din nila na siya ang may pinakamahal na bayad sa mga gawa na nagugustuhan niya and that made me more excited.

It's already a great privilege na isa sa mga magugustuhan niya ay ang galing sa'yo. Mostly daw sa pintor na napipili niya ay tuluyan talagang sumisikat. I wonder kung kilala rin siya ni Mamay, halos magkaedad lang kasi daw sila.

Bumungad sa amin ang napakalawak na suit. Parang isang bahay na talaga ang kabuuan nito. Mayroong dalawang king size bed kaya apat kami sa isang kwarto. Si Demi, si Suzara at si Angie ang kasama ko sa kwarto. Kung sineswerte nga naman, sigurado akong sasabog 'tong kwartong ito sa kaingayan namin.

Inilibot ko ang aking paningin sa kwarto at napantantong halatang mamahalin na mga mwebles na narito. It's a prestigious hotel after all. Isa sa pinakagusto kong parte dito ay ang balkonahe nila, pumunta ako doon at agarang yumakap sa akin ang mahalimuyak na hangin. May mga halaman din sa gilid nito. Nilingon ko ang katabing balkonahe namin, it's from the other room. Pare-parehong disenyo ang mga suit na nasa floor na ito ngunit iba naman sa ibang palapag.

Andito kaming apat sa sofa habang pinag-uusapan ang paparating na event. Ikatlong araw pa mula ngayon ang exhibit kaya naman mayroon pa kaming sapat na panahon para gumala at maglibot.

Napalingon kaming apat nang may kumatok sa pinto.

"Ikaw na Angie." saad ni Suzara sa kanya.

"Ayoko, baka katulad ito sa pelikulang napanood ko na isang killer ang nasa labas niyan. Nag-aabang para patayin ako." reklamo ni Angie.

"Malamang papatayin ka, killer nga di ba? Alangan namang may dala siyang kutsilyo pero manicurista pala? Gaga. Buksan mo 'yan kung hindi ako ang papatay sa'yo." Asar ni Demi.

"Huwag mo ngang takutin, Dems. Ako na nga lang." Aniko at tumayo na para tingnan kung sino iyon.

Bumungad sa akin ang isang babaeng nakaunipormeng pang crew sa hotel na ito.

"Good evening! You and your team are already requested to join the others for dinner." Ngiti niya.

"Ohh. Okay, thank you." Ngiti ko pabalik sa kanya. Sinabi niya muna sa amin kung saan bago umalis.

Papababa na kami ng hagdanan nang makita namin yung dalawang gwaty mula sa coffee shop kanina. Mukhang dito rin sila tumutuloy.

Sasabihan ko na sana si Demi nang naunahan niya ako.

"Bumigay na ang hook ng bra ko dahil kay Mr. gu-sa-co-sh." Aniya.

"Ano na naman ibig sabihin niyan?" Lito kong tanong. Anong gusacosh?

"Mr. Gusacosh...short term for Mr. Guy Sa Coffee Shop." He proudly said.

Napailing nalang ako. Paano ko ba natatagalan ang kabaliwan niyang ito?

Isang malaking table para sa isang team. Matatakam ka talaga sa klase-klaseng pagkain na nakahanda sa mesa. Good thing at medyo maalam din ako pagdating sa culture dito. It's really different from the Philippines.

Darted HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon