Veintitrés
Ang swerte ko sa kanila
Tiningnan ko ang pamilyar na bus terminal ng Gingoog. Bakasyon ngayon kaya abala talaga ang sakayan ng bus. Kitang-kita ko mula sa bintana ang naglalakihang mga maleta na dala ng ibang pasahero kanina. They will probably stay here for a while. Samantalang iyong akin ay bagpack lamang.
Nagpaalam muna ako kay Mamay na bumaba para mag-cr. Kaming dalawa nalang ang natira, bumaba na kasi si Demi sa bandang Magsaysay. Pagkatapos kung magbanyo ay ang insaktong pagtext ni Frau sa akin.
Frau:
Nakarating na kayo?
Ako:
Wala pa. Nasa Gingoog pa kami.
Binalik ko sa aking bulsa ang phone bago lumabas. Bumili na rin ako ng makakain para kay Mamay at sa akin.
"May, o. Alam ko namang paborito mo 'yan." Aniko sabay abot sa kanya ng paborito niyang Magaraya.
"Salamat, Riya. Si Frau ba okay lang doon?" Tanong niya.
Tumango ako.
"Opo. Nasa Mexico na siya, kanina pa." Sagot ko sa kanya.
Tiningnan ko ang cellphone ko at nakitang may mensahe si Frau doon.
Frau:
Take care, Scarlet. I love you. :)
Napakagat labi ako nang mabasa ko ang text niya. Ang hirap hindi kiligin. Para akong sabog na nakangiti habang nakatitig sa phone ko.
Ako:
Ikaw rin, ingat ka diyan. I love you too, Frau. :)
Nabanggit ni Frau sa akin na madalas talaga sa Gingoog si Ate Shara. Sabi niya, ngayon lang ito dumadalas sa pagpunta ng Butuan nang nagsila ni Kuya Ender. Ilang taon na rin naman kasi sila, siguro marami-rami na rin ang mga pagsubok na dinaanan nila.
I even remember the time when I went to her villa and saw Ate Shara crying, sa Glass Cave ko siya nakita noon. I've tried to comfort her pero alam kong hindi sapat iyon para gumaan ang pakiramdam niya.
Now... alam kong kahit ako ay pu-puwede ring dumanas ng ganoon, di naman kami perpekto ni Frau. Pero sana kahit ganoon, makaya pa rin naman lahat. Dahil ako mismo, sa sarili ko, alam kong naging malaking parte na siya ng buhay ko ngayon.
Nang huminto ang bus sa Agay-ayan ay bumaba na kami ni Mamay. Multicab nalang kasi ang sasakyan namin patungong San Luis, malapit na iyon mula dito.
Nabaling kaagad ang paningin ko sa pamilyar na tulay. Naaalala ko pa noon, madalas kaming pumunta ng mga pinsan ko rito at maligo sa malamig na tubig ng batis.
Huminto kami sa isang pamilyar na gate. Kumpara noon, mas dumami ang halamang pumapalibot nito. May kumakatay pa na mga bulaklak sa haligi nito. Iyong naglalakihang mga puno sa gilid nito ay nandoon pa rin, ang tanda-tanda ng iyon, mula bata pa kasi ako ay nakatanim na ito.
Pagkapasok namin ni Mamay ay tumambad sa akin ang makalumang bahay nina Lola. Tama nga si Mamay, nasa kalagitnaan pa ito ng pagrerenovate. Nakita kong tapos na ang ibang bahagi nito, makikita mo talaga ang kaibahan sapagkat ibang-iba ang parteng iyon sa kabila.
Sinalubong kaagad kami ng isang batang babae na ni isa ay walang saplot. Malaki ang ngisi niya habang tumatakbo patungo sa akin.
"Ate Wiya! Ate Wiya!" Maligayang sigaw ni Nygel.
"Ba't wala kang damit? Asan na 'yung damit mo?" Natatawa kong sabi. Kinurot ko kaagad ang mataba niyang pisngi. Magdadalawang taon na ang batang ito. Ang cute talaga niya.

BINABASA MO ANG
Darted Hearts
General FictionRIYA-RIYA RIYALONDA. A peculiar name for a peculiar red haired girl. She's not your recurrent girl na makikita mo lang kahit saan. Masayahin at may kaunting kasabogan ang utak. She loves exploring the virtual world of books, movies, and different sp...