Veintiocho

30 3 10
                                    

Veintiocho

Napatitig ako sa painting na gawa ko. Halatang nagluluksa ang may gawa nito. It looks so gloomy yet so full of emotions.

Frau's whereabouts occupied my mind the whole time I'm painting this piece!

Good thing at walang basehan kung anong genus ang dapat sundin sa round na ito kung hindi, sigurado akong palpak ang kalabasan. I couldn't even think of any happy thoughts!

Binigyan kami ng isang oras para makapagpahinga bago ang Elucidation part kung saan ipapaliwanag namin ang aming pyesa at kung tutugma ba ang ibang interpretation ng mga judge sa sinabi namin. Mayroon ding ilang mga katanungan na kailangang sagutin.

"Dem? Dadalo ba ang may-ari ng hotel sa Elucidation?" Tanong ko sa nakangising si Demi habang sinusuot ang bigay na jacket ni Vast.

"Hindi raw, baka sa final round na raw. Kailangan na kailangan naman kasi siya doon, siya raw kasi ang personal na magbibigay ng reward."

Tumango nalang ako bilang pagsagot.

Demi and the group did a great job, ako ang panghuli.

"Riya-Riya from Philippines!" Ani ng facilitator.

Hindi ko napigilang hindi mapangiti. Feeling ko tuloy nasa Ms. Universe ako, paseberg!

Nagsimula ng magkarera ang pintig ng puso nang umakyat na ako sa platform kung saan nandoon ang painting ko. Kahit sanay na ako sa mga maditalyeng tanong nila at hindi ko parin maiwasang hindi kabahan.

"Can you name your painting, Ms. Rey?" Tanong ng isang judge sa isang matigas na Ingles.

Naalala ko tuloy si Ate Shara sa pamamaraan ng pagtawag niya sa pangalan ko.

"I call it, Cupid's Fissuring Bow." Pormal kong sagot.

"In what state of mind are you to come up with that idea Ms. Rey?"

"I'm in the state of having a variegated emotions, I'm not delighted neither sad. Perhaps, I'm in the string-bridge of those two feelings." I replied.

Tumango siya.

Nilingon ko ang ulo ko sa ibang taong magtatanong o magcocomment na naman sa gawa ko.

"The abstract superiority of your piece is very good, merging the concept of those two people and that unusual bow of Cupid, it's very enigmatic." Aniya na umani ng palakpakan mula sa mga tao sa paligid.

"Looking at Cupid's bow, it's very evident that it was being fissured, it's breaking, cracking, or whatever you call it. But it was not fully cracked, not fully broken. I saw that little portion of Cupid's bow still holding at the midpoint where the hands of that two people are being apart, why is that? Why you didn't just fully break it? You can just directly disrupt the two portion of the fissuring bow but you did not, may I ask why?" He asked, full of challenge is evident in his voice.

"Because I believe that there will always be a little string of hope in the hub hopelessness, there will still always be a way in the hour where your are lost and that there is always be that tiniest reason... that tiniest reason that still have that capacity to pull you up, to bless a second chance, to fix what's broken, and to fill up those shallowness you feel in your heart. There will always be a possibility of everything. "

Sari-saring emosyon ang bumuhos sa akin habang sinasabi iyon. Saan ko ba 'yun nahugot?

Biglang tumayo ang huradong nagtanong, kinabahan ako sa kung anong sasabihin niya.

Halos manlumo ako nang umiling ito ngunit... sumilay ang ngiti sa kanyang labi at pumapalakpak. Sinundan iyon ng iba at nakita ko ring napangiti sina Ms. Shua at ang grupo namin.

Nagthumbs up pa sa akin sina Suzara at Angie. Napangisi na rin ako nang nagfyling kiss si Demi.

Habang tinatanaw ang mga nakangiting nanunuod, halos manlaki ang mata ko nang nakita ko sina Haste at Vast na nakangising pumapalakpak.

Hindi ko mapigilang hindi matawa nang winagayway ni Haste ang isang karatula.

"All hail to the stunning Riya-Riya!" Ayon sa karatulang dala niya. Siraulo talaga 'to.

Nang nakauwi kami ay napagpasyahan kong mag-online muna para makigpag-skype kay Frau. Umalis ang tatlo, sabi ay may pupuntahan pa raw.

Hula ko ay mag boboy-hunting na naman ang mga iyon. Iba talaga ang impluwensya ni Demi.

Kahit hindi maganda ang huli naming pag-uusap, I still wanted to inform him. He's still my boyfriend at ayaw kong magkagalit kami. At isa pa, miss na miss ko na siya.

Magkasama kaya sila ng Delancy na iyon?

Calling Frau Ayanami...

Huminga ako ng malalim. Busy kaya siya?

Napasinghap ako nang sinagot iyon.

Ang malaking ngisi kong nakalatag sa screen ay nawala nang bumungad sa akin ang taong sumagot sa tawag.

Nakabathrobe siya at halatang bagong ligo lang dahil klarong-klaro sa akin ang tumutulong butil ng tubig mula sa buhok nito.

Ang malaporselana niyang balat ay kumikinang dahil sa sinag ng araw. Umaga sa kanila ngayon?

"Hi—" Bati niya na pinutol ng isang baritonong boses.

"Delancy! I'm done, let's go take our breakfast." Tawag ng isang napakapamilyar na boses.

Nanlamig ako. Hindi ako makakibo. Para akong naninigas sa kinauupuan ko. Alam ko kung sino iyon, alam na alam ko.

"Wait, I'm not done yet, Dawn! By the way, a friend of yours is calling, come here! I'll just change." Aniya at umalis.

Narinig ko na ang boses ni Frau kahit wala pa ito sa tapat ng screen.

Gamit ang naginginig na kamay ay pinutol ko kaagad ang tawag. Nakatulala lang ako sa screen habang hinahayaan ang luha kong kumawala.

Nanginginig ang balikat ko habang patuloy pa rin sa paghagulhol, nanlalabo na ang paningin ko dahil sa luha sa aking mga mata.

It shouldn't be like this, hindi naman talaga dapat ganito ang mangyayari eh. Hindi dapat ako umiiyak ngayon, hindi sana ganito kung hindi dahil sa Delancy na iyon!

So this is what it feels like, huh? Iyong inexpect kong sakit na maaaring maranasan ko the time na papasok ako sa relasyon, it's nothing compared to what really I am feeling right now.

Magkasama sila sa iisang kwarto. I'm sure of that. Hindi rin sinabi ni Frau na ako ang girlfriend niya o may girlfriend na siya o bitch lang talaga ang babaeng iyon dahil kahit alam niya ay nagawa niya pa rin akong harapin ng ganoon.

Nakaya niyang hindi magparamdam dahil andoon si Delancy, kasama niya. And then what? Anong gagawin nila sa kwartong iyon?

Waves of awful images flooded on my mind. Fuck.

Pull your shits together Arry. Don't let it get you, kahit iyon na naman talaga ang nangyayari.

Kahit nagnghihina ay sinikap kong makahiga sa kama kahit na may luha pa rin sa mata. I covered myself with the thick comforter.

Tumagilid ako, nakatitig sa malawak na glass window ng suit namin. The beaming lights of Mexico can be seen here.

With lots of thoughts and a broken heart, I let myself fall into sleep.

Darted HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon