Doce
"Nagmumukha kang niyog sa paningin ko."
Parang nagsumo wrestling ang bituka ko nung nakita ko si Ate Shara na taas kilayng nakatingin sa akin. Naghihintay sa sagot ko.
Imbes na sagutin siya ay bigla kong sinapak si Frau.
"What the fuck!?" Gulat na tanong niya.
"Eh ikaw naman kasi! Di naman talaga Scarlet ang pangalan ko! May nalalaman ka pang pabinyag-binyag ng pangalan sakin! Pari ka ba!? Tatay ba kita!?" Inis na tanong ko sa kanya.
Binalingan ko si Ate Shara at nakita kong pumula ang mukha niya kakapigil ng tawa.
"Sorry po, Riya po talaga ako pangalan ko. Sisihin niyo po kapatid niyo, si—"
Napatigil ako sasasabihin ko nang bigla siyang humagalpak ng tawa. Uhh, okay?
"Bakit po?"
"I can't believe it! Frau, she really deserves you dear brother and you my dear is the perfect recipe to tame Frau. Hah! Dalawa na tayong mananapak sa kanya." Halakhak niya.
"And oh by the way, don't 'po' me, ew nakakatandang pakinggan. Just call me Ate Shara, mmkay?"
"Yes, Ate Shara." Parang bata ko namang sagot.
"Now, now. Let's go inside, kumain muna tayo. Damn, I'm starving. Come!" Saad niya tsaka nauna ng bumalik sa main hall.
Katabi ko si Frau habang si Ate Shara naman ay nasa harapan namin. Nagsimula ng maglagay ng pagkain ang katulong nila sa lamesa.
"Salamat, Jing." Aniya sa babae matapos ilagay ang mga pagkain.
After we blessed the food ay nagsimula na kaming kumain.
"Palagi kang kinekwento ni Frau sa akin Rey. Teka, Rey? magandang pakinggan, Rey nalang tawag ko sayo, atleast malapit lang sa pangalan mo. Unlike the others na kay layo." Sambit niyang nakabaling kay Frau ang mga mata.
Nagtaas ng kilay si Frau.
"It's because she has a natural scarlet hair Ate. Unlike the others na kung anu-ano nalang kulay ang pinapa'dye sa buhok." Wika ni Frau sa mapang-asar na tono.
"Tangina mo. Oo na! Eh sa trip ko eh, and besides every color fits perfectly in my pretty face brother, like really." Ngisi ni Ate Shara.
"So, Rey.. How long have you been in a relationship with my brother?" Tanong niya sabay taas baba ng dalawang kilay.
"Ha!? No Ate Shara, your brother is not my boyfriend." Sagot ko.
"What!? Frau an—"
"I'm still courting her Ate, no need to get rush."
"Tss. Ang sabihin di ka pa nakam—"
"Ate Shara, that's enough." Mariing sambit ni Frau.
Pabaling-baling lang sa kanilang dalawa ang tingin ko. Okay, what was that?
Iniba kaagad ang usapan ni Ate Shara. Marami siyang tinanong, she was glad na mahilig ako art at sa anime. She's already twenty-four years old. We shared a lot about sa musical matters, may banda pala sila and she is willing to let me in but then nakakahiya naman kasi puro sila magkakapatid. Frau and Ate Shara is both the vocalist and can also be the guitarist, while their younger sister, Temptania is their drummer, ang astig.
Medyo naging mahaba din ang kwentuhan. But Ate Shara bid her goodbye and said that she has something to do for the up coming event. And I certainly don't know what even is she talking about, I wanna ask but I don't wanna sound nosy.
BINABASA MO ANG
Darted Hearts
General FictionRIYA-RIYA RIYALONDA. A peculiar name for a peculiar red haired girl. She's not your recurrent girl na makikita mo lang kahit saan. Masayahin at may kaunting kasabogan ang utak. She loves exploring the virtual world of books, movies, and different sp...