Patuloy pa rin siya sa pagsipa ng mga dahon nang tumikhim ako at umagaw iyon sa atensyon niya.
“You know, if only those leaves can talk, they’ll be really mad at you. And dear, I know Haste is handsome but I tell you, he’s not any of those negative shits you’re talking about him.” Ngisi ko.
Nakita ko ang pagkagulat sa mukha niya at agad akong sinugod.
“Riya!” Napaatras ako ng bahagya nang tumalon siya sa akin upang salubungin ako ng yakap.
I laughed, adorable.
“I miss you.” She murmured.
Her natural jet black hair twinkled when the sun’s ray hit it, it has its wavy curls at the tip.
“I miss you too, Audrey.” Ngiti ko.I met Audrey when I went to a bar once here in Mexico. She’s a singer, she has a band of her own, having gigs in the different bars.
Nagkataon lang din na pinakanta ako doon ng mga nakasamang kaibigan ko and just like me, she’s very good at playing guitar. Her voice is so unique!
Sabay kaming pumasok sa loob at isang napakahalimuyak na bango ang bumungad sa amin.
Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto kung ano ito. Oh my God! I need to find Mamay!
“Come on!” Masaya kong wika kay Audrey at hinila siya papuntang kusina.
Napansin kong palinga-linga pa siya sa paligid habang papasok. Being the first time of visiting here, I wouldn’t blame her. Sa dami ng paintings na nakasabit sa walls namin ay nagmukha ng museum ang mansion na ito.
“That smells good!” Nakangising wika niya habang nilalanghap din ang masarap na amoy.
Nadatnan namin si Mamay na may hinuhulma and I was damn right! Matagal ko na rin itong hindi natikman!
“You’re making suman, Mamay?” Tanong ko habang pinagmamasdan siya sa kanyang ginagawa.
Mula noong umalis kami ng Pilipinas ay hindi ko na natikman ang pagkaing ito.
Napahinto siya sa kanyang ginawa at bumaling sa amin bago tumango. Napangiti kaagad siya nang makita si Audrey sa likod ko.
“You must be Audrey? I heard some things about you.” Bati niya kay Audrey at agad nag beso.
She chuckled and said, “I hope they’re all positive, Mam.”
“Oh cut the crappy formalities, just call me Tita or Iya.” Ngiti ni Mamay.
Nagkwentuhan lang kami sa kusina habang tinutulungan si Mamay sa ginagawa niya. Pati si Audrey ay nag-alay din ng tulong.
Nasa kalagitnaan ako ng paghuhugas ng pinggan nang narinig ko ang mabibigat na yapak.
“Hey, Iya! What’s that delicious smell? Is it the Shuman you’re talking about?” Nakangiting tanong ni Vast habang parang asong sumisinghot sa ere.
Humagikhik ako, “Don’t do that Vast, you look like a dog, you’re not Demi.”
Napatawa sila sa sinabi ko na agad din namang pinutol ng isang sigaw mula kay Demi na sa labas, “Kahit wala ko diyan, ‘di mo talaga ako pinagbibigyan Arry!”
Nag-asaran pa kaming lahat bago ulit nabalik sa niluto ni Mamay ang usapan.
Nakaupo lang ako sa counter habang pinagmamasdan sina Haste at Vast na masinsinang nakatitig sa mga ginagawa ni Mamay.
“That shuman looks great! I’m sure it’ll also taste great.” Ani Vast.
Hindi ko mapigilang hindi mapahalakhak sa pagkakasabi niya. Binatukan ito ni Haste na natatawa rin sa sinabi niya.

BINABASA MO ANG
Darted Hearts
General FictionRIYA-RIYA RIYALONDA. A peculiar name for a peculiar red haired girl. She's not your recurrent girl na makikita mo lang kahit saan. Masayahin at may kaunting kasabogan ang utak. She loves exploring the virtual world of books, movies, and different sp...