36

19 4 6
                                    


“Guess what?” Mamay enthusiastically asked habang may tinatago sa likod niya.

I lazily roll up to the other side of the bed, avoiding Mamay. Tinabunan ko kaagad ng unan ang mukha at ang tainga ko.

“Come on, hulaan mo na!” Parang batang maktol ni Mamay.

“No idea.” I murmured through the pillow.

Nakarinig muna ako ng isang baritonong mumunting halakhak bago nasundan ng mga salita.

“Just let her be, just tell her later. Let her rest.” Rinig kong wika ni Papa. I mentally thanked him for that.

Pabalik na sana ako ng tulog when Mamay spoke again, causing me to jump off the bed.

“Sayang lang ang maagang pagdating ng sulat na ito galing sa UEP.” Parinig ni Mamay na agad rin namang umani ng reaksyon mula sa akin.

Bumalikwas kaagad ako ng bangon at agarang pumunta sa kinatatayuan niya.

“What!? UEP? As in Universal Exhibit Production?” Manghang tanong ko habang nanlalaki ang mga matang pabalik-balik ang tingin mula kay Mamay at sa sulat na hawak-hawak na niya ngayon.

She nodded grinning, napangiti si Papa.

“Oh my God!” Gulantang kong wika tsaka tumalon-talon sa ere.

I can’t believe it! My biggest dream!

Mula bata pa ako ay palagi kong pinapanood ang Annual UEP. I would always stare at the screen dreamily. Imagining that it would be me who’ll be in that Exhibit one day.

Painters from different races, different sides of the worlds would compete, presenting their own outstanding masterpiece! It made nervous as well as thrilled.

Kahit hindi manalo ay isang malaking parangal na ang makasali sa paligsahang ito.

“And guess what? Your grandma and cousins will be here to witness it.” Maligayang wika ni Mamay na mas lalong nagpasaya sakin.

I truly miss them. I miss Lola at ang mga makukulit kong mga pinsan. Malaki na siguro si Nygel ngayon. Kumusta na kaya sila?

A suddent strike of guilt passed by, pati sila nadamay sa pilit na paglimot ko kay Frau. It shouldn’t be like this.

“When will it be?” Tanong ko.

“One month from now. Here, read the letter for other details. Slay it, Riya.” Ngisi ni Mamay and tuluyan ng lumabas sa kwarto ko kasama si Papa.

Napatingin ako sa kulay gintong sobre na hawak ko. Classsy.

“Congratulations! You are one of the chosen individual to join and participate in the Annual Universal Exhibit Production!”

Basa ko sa bumungad na sulat sa’kin. Mas lalo kong kinabahan. Hindi ito basta-basta na patimpalak lang.

Palabas na ako ng aking kwarto. As I walk along the way, nakita kong medyo bukas ang pintuan ng kwarto nina Papa.

Lumapit ako doon at akmang sasaraduhan ito nang marinig ko ang pag-uusap nina Mamay.

“You shouldn’t have done that!” Bakas ang galit sa tono ng pananalita ni Mamay.

Kumunot ang noo ko, ano ang pinag-uusapan nila? Bihira lang magalit si Mamay and now, I can really say that she’s pissed.

“He deserved it. What he’s done to our daughter was unforgivable.” Mariing sagot ni Papa sa kanya.

Bumaha ng mga tanong sa isip ko. Anong ibig sabihin nila? Bakit? Anong ginawa ni Papa?

“Have you seen our daughter right now? I know you’re not blind to see the sadness and pain in her eyes! That man you’re referring to, whom you think caused a great pain to her is surely the man who can also be the reason to bring the old Riya back! To bring my old daughter back, carrying no pain and heartache!”
Nagulat ako sa biglang pagtaas ng boses ni Mamay. Mas lalong gumulo ang utak ko. Ano ang ibig sabihin nila?

Just what the hell did Papa do? May kinalaman ba si Frau dito?

“But it’s now over. That bastard will never reach our daughter again. He can never hurt her again.” Kalmadong wika ni Papa.

Napatakip ako sa aking bibig sa gulat. What does he mean by that? Bakit? Is he behind the reason why Frau can’t reach me? Why is Papa doing this? Bakit ayaw niyang magkita kami ni Frau? Anobg ginawa ni Papa para magalit si Mamay ng ganito?

Hindi ko namalayang tumulo na pala ang mga luha kong kanina pa nagbabadya.

This is too much. I never saw this coming.

Naputol ang pag-iisip ko sa biglang pagtawa ni Mamay. Isang tawang puno ng pait.

“I raised her to be an intelligent woman. Never forget that. A short time from now, Riya will have her masterpiece and that will draw Frau back to her. She is like us afterall, stubborn but brilliant.” Ang huling narinig ko kay Mamay bago nilisan ang lugar.

Nagkabuhol-buhol ang utak ko sa dami ng aking katanungan. Why all of a sudden? Ang saya ko pa kanina tapos ito ang bubungad sa akin ngayon.

Napaupo ako sa gitna Maze Garden ng bahay namin. Hindi ko namalayan na kanina pa pala ako naglalakbay dito hanggang sa narating ko ang gitna nito.

Hindi ko maiwasang hindi mapaisip sa lahat ng nasaksihan ko kanina. They are all too much to contain.

Ano ba ang ginawa ni Papa? Why does he have to be in the way? He knew how much I was longing for Frau yet he also knew that he’s the cause of the pain I’ve been feeling for the last four fucking years.

But my love, this love I’ve been feeling, it’s too powerful that and it took over my heart, nilunod nito ang lahat ng poot at galit ko sa kanya... and now I ended up still loving him.

Napatitig ako sa fountain sa gitna. Tuwing nakikita o naririto ako, Frau would always cross my mind.

Hindi ko maiwasang hindi maalala ang mga ala-ala namin. Our first encounter was in that very maze, our first song... our first kiss.

Memories with him came crashing like storm. Where are you now, Frau? Haven’t you missed your Scarlet? Did you ever long for me? To see me? To embrace me? To touch me again? To kiss me again?

Tuwing naiisip kita ay walang humpay ang paglakas ng tibok ng puso ko. Pero iba pa rin, iba pa rin ang kaba at saya na nararamdaman ko tuwing nakikita kita, tuwing nakakasama.

Bumalik ang memoryang nasaksihan ko kanina. Anong ibig sabihin ni Mamay doon?

My masterpiece? My only upcoming masterpiece would the one that I’ll be making during the UEP competition. Bakit? Anong mayroon doon?

Ngunit hindi ko napigilan ang pagngiti sa sinabi ni Mamay kanina... stubborn but brilliant, ganyan din naman kasi siya sabi ni Lola. I guess it runs in the blood.

“I will wait for you.. my darling, I will wait for you.” Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses at nakita si Demi na nakapikit habang kinakanta ang linyang iyon.

“Sus, e iyang linya lang naman ang alam mo!” Pang-aasar ko sa kanya.

“Spoiler ka talaga e, no? Bagay na bagay din naman ang linyang iyan sa state ng buhay mo ngayon.” Irap ng bakla.

“Malamang, kaya nga naging themesong namin yan, e.” Mapait na wika ko.

Pinasadahan ko siya ng tingin. He’s wearing a blue long sleeve na nakatupi hanggang siko. Paired with dark jeans and boots. Tiningnan ko ang buhok niya at napansing wala ng highlights dito.

I can’t stop myself from saying... “You look hot! And utterly gorgeous!” Pang-aasar ko sa kanya.

Ngumisi lang siya. Oh fuck.

“Dems! Don’t tell me...” I trailed off.

“What?” Tinaasan niya lang ako ng kilay. Humalukipkip siya, revealing his strong biceps. No woman would think that this person standing in front of me is a total gayshit.

“Are you finally falling.... for a girl?” I gasp. Tomboy kana Dems?

Darted HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon