Bahagya kong binuksan ang bintana ng aking kwarto at nakitang madaling araw pa. The sun didn’t show up yet.
Sa kabaliwan naming lahat kagabi ay hindi ako nagkaroon ng pagkakataong pagsabihan si Demi na sasama ako sa kanya papuntang Pilipinas.
Nawala rin kasi iyon sa isip ko. Masyado ata akong nag-enjoy kagabi.
Pumunta akong banyo para maligo. Tumitig ako sa salamin at kapansin-pansin ang mahaba kong buhok. Umabot na ito hanggang baywang ko.
Pinasadahan ko ito ng aking mga daliri. Hinawakan ko ang dulo nitong medyo kulot. Magpaikli kaya ako ng buhok? Say, C style?
I’ll ask advice from them about this. But I really feel like cutting my hair, hindi naman ito simbolo ng pagmomove-on sa akin. I just want to feel refreshed, not to restart.
Pagkatapos kong maligo ay lumabas kaagad ako sa aking kwarto. Nakita kong alas kuwatro pa ng madaling araw.
Hula kong si Nina pa ang gising. Mamay usually wake up at five.
Pumunta akong kusina upang magtimpla nang kape. Nakabukas na ang ilaw nito ngunit walang tao.
Naha-humming lang ako habang nagtitimpla. Ang lamig din naman kasi dito, pinapapatay ko nga kay Nina minsan ang air conditioner ng buong bahay.
“Good morning.”
“Ay palakang bakla!” Napahawak ako sa dibdib ko nang biglang sumulpot si Haste at binati ako. Bwiset.
Dama ko pa ang malakas na tibok ng puso ko, leche ka Haste! Hindi ito naghuhurmentado dahil sa kilig kundi sa kaba!
Ano ako, in love? Kay Audrey ka kaya nararapat, siya nalang kaya gulatin mo at matauhan na ‘yun?
Matalim ko siyang tiningnan, “What the hell?”
Napakagat siya sa kanyang labi, nagpipigil ng ngiti.
Tinalikuran ko nalang siya at nagpatuloy sa ginagawa ko. Tsaka ko narinig ang halakhak niya, ano ‘to aftershock?
“What?” Tinaasan ko siya ng kilay.
“You’re so cute.” Ngisi niya.
Sasagot na sana ako nang binato niya kaagad ako ng tanong.
“But what’s palahkhang bahkla?” Litong tanong niya.
Kunot ang kanyang noo at puno ng kyuryuso ang kanyang mata.
Now it’a my turn to laugh. Humagalpak ako ng tawa dahil sa kaartehan niya sa pagsasalita. Ewan ko ba at talagang nababadingan ako sa kanila kapag nagtatagalog sila.
“Oh, that. That’s Demi.” Kinindatan ko siya at ngumiti ako, wala ng balak pang ipaliwanang kung bakit.
Umupo ako sa counter habang sinisipsip ang aking inumin at pinagmamasdan siyang nagtitimpla.
Kumunot ang noo ko nang nakitang dalawang tasa ang inihanda niya. I have a hint but I need to confirm it.
“You know that I am already drinking my own coffee, right?”
“Yup.”
“So... that’s for Audrey?” Wika ko habang may malaking ngising nakapinta sa aking mukha.
Mula sa masayahing mukha ay bigla itong nagseryuso. Umirap nalang ako.
“No. It’s for Vast.” Supladong sagot niya. Bakla talaga ‘to, e.
Hinayaan ko nalang siya at iniwan siya sa kusina.
Pumunta akong veranda at napagpasyahang doon muna magpalipas.
BINABASA MO ANG
Darted Hearts
General FictionRIYA-RIYA RIYALONDA. A peculiar name for a peculiar red haired girl. She's not your recurrent girl na makikita mo lang kahit saan. Masayahin at may kaunting kasabogan ang utak. She loves exploring the virtual world of books, movies, and different sp...