Veintinueve

28 4 5
                                    

Veintinueve


Tiningnan ko ang orasan at nakitang alas sais na. Ilang oras din akong nakatulog mula kanina.

Pumunta akong banyo upang maligo. Nakita kong namumugto ang aking mga mata. I looked so awful! Dark circles under my eyes!

Nilagyan ko nalang ngconcealer ang eye bags ko para hindi mahalata. Nang matapos ako ay lumabas kaagad ako ng kwarto at bumaba para puntahan ang nasabing venue.

Nagyaya kasi si Ms. Shua na magcelebrate sa lahat ng outcome naming lahat, the result was indeed great so why not?

Andito kami sa poolside ngayon nagkatipon-tipon. Pansin rin ang iba't-ibang grupo na dito rin nagkayayaan.

May mga Mexicano pang naliligo sa pool. May naggi-grill sa gilid. Mayroon lang ding nagsasight seeing lamang.

Sari-saring kwento at hindi nawala ang mga nakakasakit sikmurang biro ng mga kasama ko. Kahit papano'y napapangiti pa rin naman ako.

I tried to act normal. Ayaw kong ungkatin ang nangyari kanina, masyadong mahapdi pa ang sugat sa puso ko.

Pansin kong mapanuring tingin ang ginawad sa akin ni Demi nang makarating ako. Tinaasan ko lang siya ng kilay. Anong problema nito?

Nilapag ni Ms. Shua ang mahabang serving dish sa mesa. Puno iyon ng iba't-ibang pagkain ngunit mas natakam ako sa kakaibang siopao na nandoon.

Maybe I should really unwind, just this night... I don't want to think about that bullshit. I need to enjoy this night. I'm too drowned with what I'm feeling towards Frau. I need this, I fucking need this.

I need to loosen up.

Nang nagyaya na silang kumain ay ang siopao kaagad ang nilantakan ko.

Natawa pa sila nang nakita ang plato kong puno ng pagkain. Nagyaya kaagad si Angie ng hard drink kaya napalingon kaagad ako kay Ms. Shua. Di ba siya magagalit?

Nagthumbs up siya, "Just for this night but not too much." Ngisi niya.

Napahiyaw ang mga kasama ko ngunit tinanggihan ko muna, maybe later. I need to eat, hindi ako nakakain kanina dahil nakatulog ako sa kakaiyak.

Nang nasubukan kong kagatin ang siopao ay kunot-noo ko kaagad iyong tiningnan.

Pizza ang nasa loob? Wow. It tasted so good! Hindi ko na nabilang kung ilang siopao ang naubos ko. Is this a side effect of being too emotional? Nagiging matakaw sa pagkain?

Pagkatapos kumain ay pumunta ako huling parte ng pool area. Humilig ako sa isa sa mga malaking upuan dito.

I stared at the glittering sky of Mexico. Full moon surrounded by hundreds of glitzy stars...feeling so free, so nice... it made me calm.

How I wish, life could be as calm as this innocent sky. Walang bahid ng gulo, walang bahid ng lungkot.

I never saw this coming... I mean I expected to face some kind of pain but not this one. Not even in a million years would I want to experience being like this again. It's bearable, pero masakit. Sobrang sakit.

Kung ang isusumbat sa akin ni Frau ay ang picture namin ni Haste sa instagram then I would tenfold slap those fucking things he was doing while he's with that Delancy!

I am not being irrational. Tanggap kong may nagawa rin akong mali rito... but to see a girl, wet, wearing a bathrobe inside his fucking room is just pure bullshit!

Ano ang ginagawa ng babae doon? Pictorial? Tapos ano? May pawet-look wet-look? Just what the fuck?

Mapakla akong napatawa. What now? I was supposed to unwind, I should not be thinking about these stuffs right now. I need to have fun!

Darted HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon