Chapter 1

116 5 0
                                    

#HiddenHappiness

Well, it's time to descry the new dawn.

Sa tindi ng init ng sikat ng araw na dumampi sa aking balat, nagising na lamang ako. Humikab ako ng pagkakalakas.

I checked my phone. And... Dammit! Late na ako sa practice ng Graduation!!!

Agad kong inayos ang aking sarili. Dahil may banyo naman sa loob ng aking kwarto, naligo na ako. I don't want to eat. Mapapagalitan na naman ako ng mga teachers.

Sinuot ko ng mabilis ang uniform ko at nagsuklay. Nagpulbo ako but I didn't put my lipstick on. Just Lip Gloss. Pagkabukas ko ng pinto ay.....

"AAAAAAAAAAAAAAAARRRRAAAAYYYYY!!!!!!" sigaw ni Manang Susan ng mabangga ko siya at matapon ang mga dala nyang pagkain.

"Manang Susan, hindi na po ako kakain. Busog pa po ako. Tsaka late na late na po. Sorry!!!!" wika ko habang tumatakbo sa may hagdanan.

Hindi ko na sya natulungan. Natatawa na lang ako. Malimit itong mangyari sa tuwing nale-late ako. Yung tipong sisigaw sya tapos tatakbuhan ko sya. Hahaha!!! Matalino akong tao pero medyo bastusin lang talaga pagdating sa mga ganitong pagkakataon.

"Kuya Erik!!!!" sigaw ko habang tatakbo palabas ng mansion.

"Let's go." Marahan kong sinabi.

"Ok Mam," aniya.

He started the engine and play the music. Cool! It's "You don't Know Me" by Kathryn Bernardo.

Habang nagpapabebe ako sa loob ng saskyan ay may bigla akong naalala. Today is February 11, 2014 at sabi ng prof namin, magiging busy daw kami this month. Naku. Pa'no na ako? I am super late. Hell naman. Nagkamali ako ng pagpili ko sa mga gagawin kahapon. Sobra akong nagrelax. Hayst

We will have our Parent's Day on March 03 and our Graduation at March 26. At ngayong araw, malalaman na kung sino ang nasa Top 10. I am so excited.

Malayo pa lang ay tanaw ko na ang gate ng Enderun University kung saan ako pumapasok.

9:02 na ng umaga at napakalaki ng campus na ito. Pinagbuksan ng tatlong guards si Kuya Erik. Bumaba ako dun sa Old Fox Building. Nasa 6th floor pa ang room ko. Halos madapa ako sa pagpasok sa elevator.

Pagpasok ko sa room,

"Let's give a round of applause to Miss Frances Claudette Grande because she is 2 hours and 30 minutes late. Wow. Napakaganda ng sched natin," ani Miss Hermosa.

Nagsimulang magtawanan ang aking mga kaklase. Napatungo ako at nangingilid ang mga luha ko. Hindi ako sanay mapahiya. I got my handkerchief at my pocket at pinahid ko na ang nagbabadyang mga luha. Pinagtitinginan nila ako. Tinungo ko ang upuan ko malapit kay Erika.

"Another applause to Miss Frances Claudette Grande!!!" pahabol na sabi ni Miss Hermosa

"Huh?" gulat kong sinabi. Pinagbubulungan ako ng mga kaklase ko. Yung iba nagtatawanan pa.

"Congratulations Miss Frances Claudette Grande because you are the Batch 2013-2014 Valedictorian." nakangisi nyang sinabi at nagsimulang pumalakpak ang karamihan sa aming kaklase.

"Wow! Thank you teacher. Thank you." sabi ko habang tumatalon sa aking upuan."

Nilapitan ako nina Catherine at Mara at niyakap ako.

"CONGRATS FRANCES" sabay nilang bati sa akin.

Nginitian ko sila. Tumawa kami ng sabay-sabay at niyakap ko sila ng mahigpit.

Found Lost [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon