Chapter 15

38 6 1
                                    

#Home

"Hello, good morning. Ano pong maitutulong ko sa kanila?" sagot ng isang lalaki sa kabilang linya.

"Good morning Sir. Are you Drake Navarro?" tanong ko sa kanya.

"Opo," maikli naman nyang sagot.

"I just wanna ask if there's still a space in the apartment for me?"

Tuwang tuwa ako dahil nakakita kaagad ako ng apartment kahit hindi gaanong kagandahan ang design ng pagkakagawa.

"Opo. May dalawa pa pong room na natitira sa apartment."

"Sir, gusto ko po sanang rentahan yung isang room kung okay lang?" tanong ko.

"Sure, sure Mam. Papunta na po ako. Pakihintay na lang po ako sa may gate," aniya.

I'm so excited, not in the place but I'm too excited to rest. I'm so tired.

Inintay ko ang lalaking kausap ko kanina sa cellphone pero natatagalan ako kaya napaupo ako sa tabi ng gate at umub-ob ako sa maletang dala-dala ko. Napaidlip ako ng sandali.

"Mam," wika ng isang lalaki sa baritonong boses.

Naramdaman ko ang pagtapik nya sa aking balikat kaya napatunghay ako ng unti-unti.

Una kong nakita ang kanyang mga paa.

Naka-tsinelas lang sya.

Naglakad-lakad ang aking paningin sa kanyang katawan.

Suot nya ang isang sandong kulay itim na tinuwangan ng isang maluwag na shorts.

He wears thick eyeglasses.

Noong ngumiti sya ay nakita ko ang kanyang blue-colored braces.

Makapal ang kanyang buhok at nakahawi ito sa parteng kanan.

The nerd man is facing me at this time.

Makinis ang kanyang mukha at wala kang makikitang kahit isang pimple.

Pero hindi match sa kanyang payat na braso at katawan ang kanyang suot sa ngayon.

Napangiti ako sa kanya.

Inabot nya sa akin ang kanyang kamay at tinanggap ko naman ito para tumayo.

"Miss, ako na ang magdadala ng maleta sa room nyo," aniya.

Kinuha nya ang susi sa kanyang bulsa at binuksan ang gate ng apartment.

"Sunod po kayo sa akin."

Ilang hakbang lang ay nakita ko na ang room na aking tutuluyan.

The nerd man opened the door and brought my baggage inside. The dink man I am with is a gentleman.

"Miss, get inside," aniya.

Tumuloy ako sa loob ng apartment at kaagad na inilagpak ang katawan ko sa sofa na naroroon.

I closed my eyes for a moment to reduce my stress.

"Miss, pagod na pagod po kayo siguro sa byahe. Eto po."

Iminulat ko ulit ang aking mata at nakita kong dala-dala nya ang isang baso ng tubig habang ngiting ngiti.

Kinuha ko ang tubig at ininom ito.

"Thanks," sabi ko sa kanya.
"You're welcome," sagot naman nya habang hindi pa rin naaalis ang ngiti sa makapal nyang labi.

Masasabi kong nerd talaga sya sa kanyang mukha at katawan, pero hindi ko inakalang ganito ang ugali niya.

He's different.

Found Lost [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon