Chapter 21

37 5 0
                                    

#Crush

"Just kidding."

Huh? Kidding? Fuck. Para akong rejected. Bakit ganun?

I pouted my lips.

"Oh bakit parang nag-iba ata ang hitsura mo dyan?" ani Craig habang ngumingiti ng palihim.

Umiling lamang ako.

Masyado ba akong assuming? Napakamot ako sa aking ulo.

"Craig.. Let's change the topic."

"Hmm.. C'mon."

"Paano mo nalaman ang pangalan ko? May nikwento ba ako sa'yo? Di ba wala naman?"

Bigla kong naitanong ang bagay na iyon. Wala kasi akong maisip na bagong topic eh.

Naghintay pa ako ng ilang sandali bago pa sya makasagot.

"Gusto mo talagang malaman?" aniya.

Craig licked his lips at naramdaman ko bigla ang pag-init ng buong katawan.

Hindi ganito ang nararamdaman ko kapag nakakakita ako ng isang pangkaraniwang lalaki lalo pa at hindi ko naman kilala.

Kapag nakikita ko si Ford, nanghihina ang katawan ko at nawawala ako sa sarili. Pero kapag si Craig naman ang kaharap ko, umiinit ang aking katawan. Para akong tinutunaw.

"Wag na. Masyadong mahabang kwento."

"Mahabang kwento? Hindi kita maintindihan. Let me know about that long story."

Nagsalubong ang dalawa kong kilay.

All I know is that we've never seen each other before. Mas matanda sya sa akin for sure kaya wala syang alam sa akin.

"Gusto mo talagang malaman?" tanong niyang may kasamang pang-aasar.

"Oo nga. Ang kulit mo. Ano nga?"

"Promise me first."

"Okay. I then promise you na.." sagot ko sa kanya.

"You will listen from the start until the end. And! Don't be bored okay?"

"Deal!" masigla kong sabi sa kanya.

Hinawi niya ang kanyang buhok pataas kaya mas lalo syang naging mukhang pilyong tao. Ngumiti ngiti muna sya bago tuluyang magkwento.

Ano ba 'tong taong ito? Nagpapacute? Well, hindi ako madadala sa kanya kahit ano pang gawin nya.

"Ayun.. Grade 10 ako at pagod na pagod na ako sa mga babae noon. Pumapasok ako sa isang relasyon pero hindi naman ako seryoso dahil wala naman talaga akong magugustuhan sa mga babae ko."

Shit! Hindi ko alam na ganoon sya. So bakit sya ganito sa akin ngayon? Argghh. Erase Frances. Erase.

"Minsan nga, pinagsasabay-sabay ko pa ang tatlo eh. Yes, hindi talaga ako matino nung mga panahon na yun.. Bagot na bagot ako dati. Nakakita ako ng mas bata sa akin. She's Grade 7, tapos nasa iisang building lamang ang room namin. Palagi ko syang tinitingnan. I became her stalker. Crush na crush ko ang batang yun."

Nagtaka ako kung sino ang binabanggit nya. I was actually listening para malaman kung paano nya nalaman ang pangalan ko. I did not tell him to share his love story.

"Craig, love story mo ba ang kinukwento mo? Di ba ang tinatanong ko naman ay kung paano mo nalaman ang pangalan ko? Tsk" wika ko sa kanya habang iniikot ikot ang aking mata.

"Di ba sinabi kong makinig ka muna? Bakit ang kulit mo? Mamili ka. Itutuloy ko pa ba o hindi na?"

Napahiya ako sa sinabi nya. Nagalit ba sya?

Found Lost [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon