Chapter 4

65 5 0
                                        

#BrokenIntoPieces

Mara Grant
Natapos ang practice ng aming Graduation kanina. Medyo pumalpak nga lang yung practice ni Frances sa kanyang Speech. She needs a space kaya pinagbigyan ko sya at total, someone wants to talk with her. Andrew wants to talk with her. Inabutan ko lang si Frances ng B'lue at nagpaalam muna ako sandali.

Paglabas ay laking gulat ko nang makita ko si Brandon. Sya yung dalawang taon ng nanliligaw sa akin. He wants me pero wala pa naman sa isip ko ang pagbo-boyfriend. Pero kilala ko sya. Kung maging kami man, hindi ako mahihirapan. Mabait sya, gwapo, matalino. Nasa kanya na e. Ang sama naman siguro ng ugali ko kung hindi ko sya papansinin.

"Hi Mara," aniya habang unti-unting ngumingiti.

Sa kanyang pagngiti ay halos pumikit na ang kanyang mga mata. Kinikilig ako sa di ko malamang dahilan.

"Hi," sagot ko naman habang namumula.

Laking gulat ko ng lumapit sya sa akin at may kinuha sa aking buhok.

"Anong ginagawa mo? Bata pa ako. Wag ngayon please," wika ko habang gulat na gulat.
"This is for you," ani Brandon habang iniabot sa akin ang isang piraso ng red rose.

Ang galing nya. Ang kilig na aking nararamdaman ay mas nadagdagan pa sa ngayon.

"Thank you Brandon," mahina kong sabi sa kanya.
"Mara, please give me a chance to love you. Hayaan mo akong patunayan sa'yo kung gaano kita kamahal," maamo nyang sabi.

Ngumiti ako sa kanya bilang sagot.

"That's a sign of.. YES?" may pagtataka nyang sagot.
"Yes Brandon. Promise me, hinding-hindi mo ako sasaktan ha? Utang na loob mo sa akin na sinagot kita," pabiro kong sabi habang nangingilid ang luha sa aking mga mata.

Niyakap ako ni Brandon ng mahigpit na mahigpit. Pati siya ay naging emosyonal na rin.

"Yes, Mara!!! Thank you. I love you so much. Hinding hindi kita sasaktan," bulong nya habang magkayakap kami.

Kumawala ako sa yakap nya ng may mga taguktok ng takong akong narinig galing sa gym. It's Frances. Galit na galit sya at umiiyak. Tinahak nya ang daan palapit sa akin.

"Brandon, I need to go. Ingat ka. Itext mo na lang ako sa bahay mamaya kapag nakauwi ka na ha?" wika ko kay Brandon.

Niyakap ulit ako ni Brandon at hinalikan sa pisngi. Talagang nakakatuwa sya. Mainit ang ibinigay nyang halik. Kinikilig pa rin ako noong umalis sya.

"Mara sino yun?" tanong ni Frances.
"Si Brandon, boyfriend ko. By the way, anong nangyari sa loob?" kaagad naman akong nagchange ng topic.
"Wala," maikli nyang sagot.

Napabuntong hininga ako.

"Ano nga? Palagi na bang wala? Sige ka.." naputol ang sasabihin ko ng bigla syang sumagot.
"Si Andrew.. Gustong makipagbalikan." sagot nya.
"O e di ba, mahal mo pa sya? Bakit hindi mo bigyan ng second chance?" suggest ko kay Frances
"Mara, masakit ang nangyari. Hindi ko kayang ibigay kay Andrew ang hinihingi nya," aniya.
"Frances, alam mo nasa'yo naman ang desisyon e. Kung sa palagay mo ay hindi nya deserve, bakit mo bibigyan, di ba? Sundin mo lang yung puso mo. Kung saan ka masaya, yun ang sundin mo," payo ko kay Frances.

Nalaman ko lang na nagbreak ang dalawa noong magtext sa akin kahapon si Cath. Matagal na pala silang break at si Erika pa ang dahilan. Masyado akong nalulungkot para kay Frances. Sobrang dami nyang pinagdadaanan.

"Frances, saan tayo ngayon?" tanong ko sa kanya.
"Mara, I have to go," maikli nyang sagot.

Hindi ko na sya pinilit pa. Nagpasundo na sya dun sa driver nya. Umuwi na ako sa bahay.

Found Lost [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon