Chapter 9

39 5 0
                                        

#TrustHimAgain

Sa tuluy-tuloy na pag-iyak ay nakaramdam ako ng pagod ngunit wala akong balak umuwi.

Nanatili ako sa kalawakan ng aming Rancho. Hihintayin kong mag-umaga.

Kinuha ko ang cellphone sa aking bulsa at nakitang tumatawag si Mara.

Hindi ko kayang sagutin ang tawag niya.

Maya-maya'y si Cath naman ang tumawag sa akin. Hindi ko rin ito sinagot.

Naglakad-lakad ako palayo sa sinakyan kong kabayo. Dumidilim na sa daan.

Napalupagi ako sa kalaparan at napaiyak na naman.

"Gusto ko ng mamatay!!" sigaw ko ng paulit-ulit habang nagwawala.

Lumipas ang ilang oras at lumalalim na ang gabi. Hindi pa rin ako natitibag sa aking kinatatayuan.

Ako ang dahilan ng pagkakasakit ni Dad. Ako ang pumatay sa kanya. Dapat ko itong pagbayaran.

Kumuha ako ng isang tulos na kahoy. Hawak-hawak ko ito ngayon at nakatapat sa aking tiyan para itusok.

Kung kinakailangang patayin ko ang aking sarili para lang mapagbayaran ang aking ginawa, gagawin ko.

Patuloy ako sa pag-iyak.

Laking gulat ko ng makita ko ang isang kotseng papalapit sa akin. Hindi ko mamukhaan ang kotseng ito sa kadiliman ng paligid.

Hindi ko ito pinansin. Unti-unti kong itinusok ang tulos sa aking tiyan at nakaramdam ako ng sakit.

Unti-unting umagos ang dugo sa aking tiyan. Nagkaroon ako ng mababaw na sugat.

Napatigil ako sa aking ginagawa ng agawin sa akin ng isang lalaki ang tulos na aking hawak-hawak.

Itinapon niya ito palayo.

"Huwag mong gagawin iyan," aniya.

Nasisinagan kami ngayon ng headlight ng kanyang sasakyan.

Nakatungo akong umiiyak at wala akong ideya kung sino sya.

Patuloy pa ring umaagos ang aking luha. Parang mas masakit pa ang aking nararamdaman kaysa sa sugat na aking natamo.

"Tutulungan kita," dagdag pa niya.

"Wala kang alam sa mga nangyayari. Wag mo akong pakialaman," sagot ko sa kanya.

"Hindi solusyon ang ginagawa mo sa kung ano man ang problema mo," aniya sa baritonong boses.

Napatunghay ako.

Nadagdagan ng panibagong emosyon ang aking nararamdaman. Bigla akong nanghina.

Pinagtagpo na naman kami sa iisang lugar.

Niyakap ko sya bigla. Hindi ko mapigilan ang aking sarili. Gusto kong ibahagi sa kanya kung ano man ang aking nararamdaman ngayon.

Naramdaman ko ang kanyang pagtanggap sa yakap ko.

Hinaplos niya ang likod ko.

"Sige lang. Ilabas mo ang nararamdaman mo. Handa akong alalayan ka," aniya.

Ayoko pa sanang tanggalin ang pagkakayakap ko sa kanya ngunit kumawala sya.

"Halika," aniya.

Binuksan nya ang pinto ng kotse at pinapasok ako. May kinuha sya sa likod ng kanyang upuan.

"Kailangang magamot natin ang sugat mo."

Kinuha nya ang bulak at alcohol.

Sobrang sakit ng ilagay nya ito sa sugat ng aking tiyan pero hindi ko ininda ang sakit.

Found Lost [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon