Chapter 25

30 4 0
                                    

#LifeWithoutCraig

"Craig, kailangan ba talagang umalis ka rito?"

"Oo, pero di ba pinangako ko naman na babalik ako. At tutuparin ko iyon."

"Mag-iingat ka ha? Sasama ako sa paghahatid sa'yo."

"Wag na. Magpahinga ka na lang sa apartment," nakangiting sagot ni Craig.

Wala na akong magagawa pa para mapigilan si Craig sa kanyang pag-alis. Handang-handa na ang kanyang mga gamit.

Gusto kong itanong kung gaano sya katagal roon pero tatanghaliin sya ng alis.

Craig hugged me tightly.

Naramdaman ko ang init na nanggagaling sa kanyang katawan. Sana, hindi ito ang huling pagkakataon na mayayakap ko sya.

Bago sya umalis, I kissed him torridly.

"Babalik ka, may tiwala ako sa'yo," sambit ko sa kanya.

Tumango sya at umalis na.

Pumapasok na ako sa umaga ng ako na ang nagluluto. Uuwi ako sa hapon at magtatrabaho.

Gusto kong masilayan si Craig pag-uwi pero tanga lamang ako sa gusto kong mangyari.

Nakarinig ako ng katok galing sa pinto.

Binuksan ko iyon at isa na namang lalaki ang may dala-dala ng bulaklak.

As usual, ipinapatong ko na lamang iyon sa ibabaw ng basurahan dahil ayaw ni Craig ng makakakita ng bulaklak na galing sa ibang tao.

Pero napansin kong kakaiba ngayon ang papel na pinagsulatan ng taong nagpadala. Bahagyang malaki ito kaysa sa nauna.


From: Your Secret Admirer. Makipagkita ka sa akin sa may rooftop ng mall at exactly 8:00 PM tonight.



Please..

Shit! Sino ba ito? Iyon lamang pala ang nakasulat sa malaking papel.

Napaupo ako sa may sofa. Tiningnan ko ang oras. Maaga pa. It's 6:30 PM.

Inilapat ko muna ang aking likuran sa may sofa.

Umalis ako sa bahay bandang 7:30 tutal malapit lang naman sa apartment ang mall na tinutukoy niya.

Tama bang makikipagkita ako sa kanya? Paano kung...

Itinigil ko ang aking pagdududa ng marating ko ang mall. Umakyat agad ako sa rooftop pero wala pang tao.

Naghintay ako roon.

Kinabahan ako sa taong paparating ng makarinig ako ng taguktok ng takong.

"Babae ba sya? Shit. Baka kung anong gawin nito sa akin," bulong ko.

Hindi lamang iisang taguktok ng takong ang aking narinig. Marami sila.

Nagsalubong ang aking kilay at napasulyap ako sa aking likuran.

They're wearing black. Black hat, black pants, black lipstick. Pinalilibutan nila ako sa ngayon.

"Shit!"

Napapaiyak ako sa aking kinatatayuan.

Nilingon ko silang isa-isa. Pare-pareho silang galit pero hindi ko naman sila kilala.

Isang babae ang pumukaw ng aking atensyon.

The fifth girl is familiar.

Sya yung nagpunta sa apartment dati. She's... Fuck.

Found Lost [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon