Chapter 24

40 5 1
                                    

#DreamOfLovingHim

"Aalis na ako sa isang linggo."

Napatungo si Craig.

Tumatak sa aking mukha ang pagtataka.

"Bakit?"

Niyakap nya ulit ako.

"Sasakay na ako sa barko sa isang linggo."

Parang bigla akong sinampal.

"Iiwan mo na ba ako Craig? Bakit?"

Iniharap niya ang mukha ko sa kanya.

He kissed my lips.

"Nope. Babalik ako. Babalikan kita, at sana sa pagbalik ko, mahal mo na ako," aniya sa baritonong boses.

Tinapik ko siya sa balikat.

"Craig, stop it."

"Bakit? Dahil hindi mo ako kayang mahalin?" pang-aasar niya.

Hindi na niya ako hinayaang makapagsalita.

"I'm just kidding. Tinanggap mo ako at masaya na ako roon. Frances, pwede bang makiusap?" aniya.

Umupo kami sa labas ng apartment building at tanaw na tanaw sa itaas ang nagkikislapang bituin.

Tumingala siya at tumitig naman ako sa pilyo niyang mukha

"Ano iyon?" tanong ko sa kanya.

Nanatiling nakaangat ang kanyang ulo.

"Sabihin mo lang pag ayaw mo na," aniya habang nababakas ang di maipaliwanag na kalungkutan sa kanyang mukha.

Niyakap ko sya ng napakahigpit at tumingala sa kanyang mukha.

"I will, but before that, I'll try to love you Craig, susubukan ko."

"Pinangarap kita at sana, ikaw ang makatuluyan ko Frances. I love you so much."

Hinalikan ni Craig ang aking noo.

Sa bawat pagsasabi niya ng I love you o mahal na mahal kita at hindi ko iyon sinasagot, parang sinasaktan ko siya. Wala naman akong magagawa kundi ang subukan. Crush ko si Craig, hinahangaan ko sya sa mga ginagawa nyang sakripisyo para sa akin, pero hindi ko pa sya mahal.

Tumayo na si Craig at inabot niya sa akin ang kanyang kamay.

Niyakap nya ulit ako.

"Study now," sambit niya.

Ngumiti ako at naghiwalay na ang aming daan patungo sa apartment.

----

"Why are you late Miss Grande?" sigaw ng aming Professor habang pumapasok ako ng room.

Nanatili akong nakatunghay at sinagot sya kaagad.

"Sir, sorry po. Tinanghali lang po ako ng gising dahil sa pagrereview. Sorry po talaga."

"Whatta nice excuse Miss Grande!!"

Galit ba sya?

"Sorry po. Tatanggapin ko po kahit pagalitan nyo ako."

"No. Hindi ako galit. Masaya akong nag-aral ka kagabi para sa ating Finals today," aniya.

Patuloy syang nagsalita at kumuha na ako ng test paper para magsagot.

"Kung titingnan at babalansehin natin ang mga bagay bagay,"

Biglang hinampas ng Prof namin ang mesa at nagulat ang karamihan.

Found Lost [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon