#TheComeBack
Napalaglag ang panga ko sa taong nakabungad sa akin sa labas ng classroom. Hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan.
Ang taong pinaniniwalaan kong hindi na babalik ay nasa labas ngayon ng classroom na pinagtuturuan ko. Parang panaginip lamang ang lahat.
Napailing ako. Hindi ako makapaniwala at iyon ang naging dahilan para maging emosyonal ako.
"I-comfort nyo si Miss Grande. Umiiyak si Ma'am," wika ng isang estudyante.
Para bang biglang sumama ang pakiramdam ko kahit wala naman akong sakit.
Isang estudyante ang lumapit sa akin at hinaplos ang aking likuran. "Ma'am tahan na po," aniya.
"I'm okay. Hayaan nyo na muna ako," wika ko sa estudyante.
Kinagat ko ang aking mga labi palabas ng classroom.
Namiss ko ang kanyang mga ngiti. Namiss ko ang pilyo nyang mukha. Namiss ko ang kanyang pag-aalaga. Namiss ko si Craig.
Sinalubong ko sya ng mainit na yakap. Wala na akong pakialam sa kung ano pa man ang magiging reaksyon ng aking mga estudyante.
Inilapat ko ang aking ulo sa dibdib ni Craig. "I miss you Craig. A-kala ko hindi ka na babalik. Akala ko iniwan mo na ako."
Naramdaman ko ang paglaban ng kanyang yakap. He wrapped his arms around me and I felt his heat, I felt the sensation that I had before. Ipinikit ko ang aking mga mata para madama ang sandaling ito. Napakatagal ko ng hinintay ang oras na ito, ang araw na ito.
Sumisinghot si Craig. Alam kong umiiyak sya pero hindi ko iyon pinansin. Gusto kong manatili sa yakap nya.
"Nangako akong babalikan kita. Babalikan kita dahil mahalaga ka, babalikan kita dahil mahal na mahal pa rin kita," bulong niya sa akin.
Lumapat ang kanyang mga labi sa aking buhok. Gusto kong salubungin ang kanyang labi pero nasa pampubliko kaming lugar at nasa harapan kami ng maraming estudyante.
Pinahid ko ang luha at tiningala si Craig. Binigyan ko sya ng isang mainit na halik sa pisngi. "Mamaya na lang tayo magkita sa apartment. Nagkaklase pa ako."
Ngumiti lamang siya bilang sagot. Nabuo ang ngiti sa aking mga labi at tumalikod na si Craig.
Ayokong makitang nakatalikod sa akin si Craig. Parang pakiramdam ko, mawawala na naman sya. Parang pakiramdam ko, iiwan nya ako at hindi na sya babalik pa. Parang sasabog ang puso ko sa bilis ng tibok nito.
Tumakbo ako nang mabilis patungo sa direksyong tinatahak niya.
Niyakap ko siya mula sa likuran. "Wag kang aalis ha? Wag mo na akong iiwanan. Please.." bulong ko sa kanya habang nangangatal.
Hindi ko alam kung bakit ganito na lamang ang pagkahumaling ko sa taong ito. Tingin ko, kapag nawala sya, hindi ko na kakayanin.
Craig held my hand and faced me. "Hinding hindi na ako aalis sa tabi mo. Sobra akong nangulila noong wala ka. Para akong pinapatay kapag hindi kita nakikita. Frances, ikaw ang lakas ko. Ayoko ng mawalay sa'yo," aniya habang nangingilid ang luha.
Pinahid ko iyon gamit ang panyong hawak hawak ko. Inilagay ko ang kamay ko sa kanyang mukha at hinaplos iyon. Mas bumilis pa ang tibok ng puso ko. Gusto ko syang maramdaman.
Tanging ang paglakad ni Craig na lamang palabas ng building ang bumungad sa akin. Kailangan kong ayusin ang sarili ko dahil may nag-iintay pa sa aking estudyante.
BINABASA MO ANG
Found Lost [Completed]
DiversosPain. Heartbreaks. Loss. Frances Claudette Grande is undeniably loving daughter of her family. She is also a clever person who can learn after going through those bad experiences. Matapos mawalan ng Ama, halos hindi na niya kayanin ang pakikitungo...
![Found Lost [Completed]](https://img.wattpad.com/cover/59370827-64-k576422.jpg)