#TheDisclosureAftGraduation
Natapos ang Graduation sa Enderun University. Nagtapos ang aking taon roon kasabay ng paglisan ng mga kaibigan ko.
They will not study college here.
Sinabi nilang sa America na sila pag-aaralin ng kanilang mga magulang and as I expected, magiging madrama na naman ang lahat.
Natapos ang ilang minuto at sinundo na kami ni Kuya Erik.
"Anak, congrats," wika ni Mommy sa akin.
Ngumiti lamang ako.
Bigla akong nagtaka kung bakit ibang lugar ang dinadaanan ni Kuya Erik.
"Kuya, pasaan tayo?" kaagad kong tanong sa kanya.
"Sssshhh!!" pananaway naman sa akin ni Mommy.Napakunot ako. Paano kung may ibang gawin sa akin si Mommy?
Hinayaan kong malaman kung saan talaga kami papunta nina Mommy ngayong gabi.
Biglang nawala ang kabang aking nararamdaman noong ipinarada ni Kuya Erik ang sasakyan sa isang napakalaking restaurant.
Kumain kami roon ni Mommy at habang kumakain ay nahuhuli ko syang sumusulyap sa akin. Pero hindi ko sya pinansin. Naiilang pa rin ako kahit alam kong nagbabago na sya.
Tumingin ulit sa akin si Mommy.
"Anak," aniyang nakangiti habang kinuha ang isang itim na panyo sa kanyang bag.
Blindfold? Para saan. Surprise? Hindi siguro.
Kaagad akong napaisip.
"Mom, para saan yan?" tanong ko sa kanya.
Ngumiti lamang sya at pumunta sa aking likuran.
She covered my eyes with the black handkerchief at unti-unti niya akong itinayo mula sa pagkakaupo ko.
"Mom, ano 'to? Pasaan ba tayo?"
"Basta anak, sumunod ka lang," ani Mommy.
Tumigil ako at narinig ko ang pagbubukas ng sliding door.
Kinapa-kapa ko ang aming dinadaanan pero malawak at parang nasa madilim kami.
"Mom, natatakot ako," wika ko kay Mommy habang halatang halata ang pangangatal sa akin.
"Anak, ilang lakad na lang," sagot niya sa akin.
Mas tumindi ang kabang aking nararamdaman.
"Are you ready anak?" tanong ni Mommy sa akin sa masayang tono.
Tumango ako.
Pumunta si Mommy sa aking likuran at tinanggal ang blindfold.
Tama ang in-expect ko. Madilim ang lugar.
Nagulat ako ng biglang magbukas ang ilaw at tumambad sa akin ang isang kulay asul na sasakyan.
Hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan.
Para sa akin ba yan?
Nabalot ang aking mukha ng pagtataka.
"Anak, hindi mo ba nagustuhan?" tanong sa akin ni Mommy.
"Alin po?" sagot ko naman.
"That car is yours," aniya.
Nanlaki bigla ang aking mata.
"What Mom? Sa akin 'yan??!"
Bigla akong tumalon kay Mommy at niyakap sya.
"Thank you Mom, thank you so much," wika ko kay Mommy habang nangingilid ang luha.
BINABASA MO ANG
Found Lost [Completed]
RandomPain. Heartbreaks. Loss. Frances Claudette Grande is undeniably loving daughter of her family. She is also a clever person who can learn after going through those bad experiences. Matapos mawalan ng Ama, halos hindi na niya kayanin ang pakikitungo...