Chapter 16

49 4 0
                                    

#CraigAlejandroMontilla

Binuksan ko ang pintuan ng apartment.

Nagulat ako nung makita ko yung lalaking tumulong sa akin kanina at napadapa sa sahig. Lasing na lasing sya at wala sa sarili.

"B-bakit ka naririto?" tanong ko sa kanya.

Binaliktad nya ang kanyang posisyon at nakaharap sya sa akin habang nakahiga.

Ngumiti lamang sya at biglang napahikbi.

"A-ano ba? T-tumayo ka nga dyan!" wika ko sa kanya.

Inabutan ko sya ng kamay at bigla nya akong hinila.

Napapatong ako sa kanya pero kaagad akong tumayo.

Bakit ba sya naririto at anong dahilan ng pagpunta nya rito? Hindi ko alam kung maiinis ba ako sa kanya o kung anuman.

Tiningnan ko sya at nakitang sinapok ang kanyang sarili. May problema siguro ang isang 'to.

"Tumayo ka na dyan. Gusto mo bang magpahinga? Dun ka sa kwarto, wag sa sahig. Nakakahiya kapag may nakakita pang tao sa'yo. Baka akalain nila na masama ang ugali ko at hindi man lang kita pinatuloy," wika ko sa kanya habang inaalalayan syang makatayo.

"Anong dahilan nya para saktan ako at ipagpalit sa iba?" tanong nya sa akin.

Nagtaka ako kung bakit nakapagtanong sya ng ganoong bagay gayong hindi ko naman sya kilala at wala akong alam sa kanya.

Nanatili akong walang sagot at tinungo ang daan papunta sa aking kwarto.

"Ganyan ba kayong mga babae? Pera lang ang habol nyo sa amin?"

"Sasabihin nyo pa, kaming mga lalaki ang manloloko pero kayo naman ang gumagawa ng paraan para layuan namin kayo."

Hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi nya. Bakit ba ako ang tinatanong nya?

Maayos naman ang higaan ko kaya pinahiga ko sya roon. Inilagpak nya ang kanyang katawan sa aking kama at tumalbog talbog ang kanyang katawan roon.

"Pahinga ka muna. Magtitimpla lang ako ng kape," sabi ko sa kanya habang tinutungo ang palabas ng kwarto.

Hindi ako sanay na may ganitong tao sa harapan ko. Hindi ako sanay na pinaglalabasan ako ng sama ng loob.

Nagpainit ako ng tubig at tinimpla ang kapeng ibibigay ko sa lalaking iyon para mahimasmasan.

Bumalik ako sa kwarto at nakita kong tulog sya.

Sakit sa ulo ang lalaking ito. Dahil sa kanya, mas nadadagdagan pa ang pagod ko. Sa halip na ako ang nagpapahinga sa aking higaan, ibang tao pa.

Napabuntong hininga ako.

Ipinatong ko ang tinimplang kape sa may maliit na mesa malapit sa kama.

I looked at his face.

Mukhang pilyo ang lalaking ito at takaw-gulo pero gwapo sya at ma-appeal.

Napangiti ako at biglang naalala si Ford.

Nasaan na kaya sya ngayon? Pumupunta pa rin kaya sya sa Rancho? Hinahanap nya kaya ako? Bakit ko sya napanaginipan kanina?

Ibinalik ko ang tingin sa lalaking nakahiga sa kama ko at nagulat ako nung makita kong nakatingin sya sa akin.

"You're gorgeous," aniya.

Naiilang ako sa kanyang sinabi kaya nginitian ko na lamang sya.

"Ilang beses ka ng nasaktan?" tanong niya.

Found Lost [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon