Quarrel
Natapos ang Sabado ko ng sobrang saya. Kahit ganoon si Craig na ayaw talaga akong makita o mahawakan at makausap ng ibang lalaki, nakapag-enjoy pa rin ako. Ang weird di ba? Pero sa ginagawa nya, mas natu-turn on ako. Overprotective talaga sya at dahil sa ipinapakita nya ay mas nararamdaman ko ang kanyang pagmamahal.
"May gusto ka pa bang bilihin? Gusto mo bang kumain? Sasamahan kita," aniyang para bang nanalo siya sa loto sa sobrang saya.
Ang sarap sa pakiramdam ng may taong ganito sa tabi ko. Yung hawak hawak ang kamay ko kahit nagpapawis na, yung talagang may pakialam sa akin.. yung tatanungin ako kapag nagugutom na at yayain ng umuwi kapag nakikitang bagot na ako.
Isang ngiti ang itinapon ko pabalik sa kanya. "Okay na ako. Salamat."
"Sigurado ka?"
Napatitig ako sa kanyang mata habang hawak hawak ang dalawa niyang kamay. "Craig, kapag sinabi kong oo, totoo iyon. Hindi ako magsisinungaling sa'yo."
Isang hawi ng buhok ang kanyang ginawa na mas lalo pang nagpatingkad sa kanyang pilyong mukha. Inilapit nya ang katawan nya sa akin at nagsalubong ang aming yakap. Wala na akong pakialam kahit nasa gitna pa kami ng mall. Alam kong sa ganitong simpleng bagay ay napapasaya ko ang nilalang na ito.
His bulky body covered mine and the cold atmosphere in the mall turned into a wild hot one. Ayokong kumawala pero sya ang unang bumigay sa yakap na iyon. Yun ang gusto ko sa kanya. Ayaw nyang isipin ko na isa syang maniac at hinahayaan nya talagang maging komportable ako sa bawat galaw.
"Thank you," aniya.
Nagpatuloy na kami sa paglalakad habang nakalagay ang kanyang kamay sa aking bewang at dala-dala ang mga pinamili sa kabila nyang kamay.
-----------------
"Anong gusto mo? Magluluto na lang ako o bibili ako ng pagkain sa labas?" tanong niya.
Napag-isip isip kong pagod kami pareho kaya naghusestiyon ako na sa labas na lang buli.
"Bili na lang tayo sa labas," maikli kong sagot sa kanya.
He bit his lower lip. "Dito ka na lang sa apartment. Ako na lang ang bibili sa labas. Wag kang magpapapasok ng kahit na sino ha?"
Sanay na ako. Sanay na ako na ganito sya kaya tinawanan ko na lamang ang kanyang sinabi.
"Sige na. Lumabas ka na at kakain na tayo. Gutom na rin ako."
Tumalikod sya at bago pa man makalabas ng apartment ay umangat ako sa pagkakaupo sa sofa. I hugged him from his back. Bago pa man sya makapagsalita ay sinalubong ko siya ng mainit na halik. His soft and tender lips grazed the entirety of mine.
Sandaling tumigil si Craig at hinarap ako. "Busog na ako," aniya.

BINABASA MO ANG
Found Lost [Completed]
AltelePain. Heartbreaks. Loss. Frances Claudette Grande is undeniably loving daughter of her family. She is also a clever person who can learn after going through those bad experiences. Matapos mawalan ng Ama, halos hindi na niya kayanin ang pakikitungo...