Chapter 33

82 3 0
                                    

The Unexpected

Agad kong hinanap kung nasaan ang aking cellphone ng maramdaman ko ang pag-vibrate nito.

1 new message from Craig.

Craig: Bakit ka umalis?

-Para maging masaya ka na.-Sent

Craig: Hindi kita maintindihan. Ano ba talagang pinupunto mo?

-Wala na akong panahon para magpaliwanag pa.-Sent

Craig: Ganun na lang sa'yo ang lahat? Di ba sinabi kong magbabagong buhay na ako? Magbabagong buhay tayong magkasama.

Naghabulan na naman sa aking mukha ang pagpatak ng mga luha noong maalala ko ang lahat. Halos bumalik ang lahat ng nangyari at hindi ako makakilos sa barkong aking sinasakyan. Napasapo na lamang ako sa aking ulo.

-Sinubukan ko. Pero hindi ko na kaya.-Sent.

After 6 minutes.

Craig: Huwag mo ng isipin ang nangyari. Tapos na iyon. 'Wag mong sisihin ang sarili mo please.. it was my fault, not yours.

After 2 minutes.

-Wag isipin? Alam mo ba ang sinasabi mo? Anong klaseng tao ka?-Sent

Craig: Hindi ko inaalis na mag-alala ka. I just don't want you to become depressed. Alam kong masakit ang nangyari. Pero tapos na iyon. Tingnan mo tayo. Tingnan mo ang relasyon natin. Ito ba yung pangarap mong buhay?

-Hindi. Alam kong tapos na ang lahat. Tsaka di ba, ikaw naman ang unang sumira ng relasyon natin? Puro na lang si Amara ang iniintindi mo noong dumating siya. Hindi mo man lang inintindi ang kalagayan ko. Pero tama ka, tapos na ang lahat. At siguro kailangan na lang din nating tapusin kung anong meron tayo.-Sent

Craig: Frances, please. Wag mo namang gawin sa'kin 'to. Hindi ko kakayanin. Tsaka di ba? Nagpaliwanag na ako sa'yo. Kung ano man ang nakita mo, dala lamang iyon ng kalasingan ko. I'm sorry for being that bullshit man.

-Hindi mo kakayanin? Nakaya mo nga akong ipagpalit sa alak at kay Amara di ba? Dun ka masaya, dun ka Craig. Please. Wag mo na akong gawing tanga.-Sent

Craig: Ginawa ko lang ang lahat para pagselosin ka. Nagselos ako kay Drake. Natakot ako na baka agawin ka nya sa akin kaya nakagawa ako ng ganun. 'Wag mo naman akong ipagtulakan ng ganito.

-Alam mo, hindi ko maintindihan kung tanga ka ba talaga. Tama bang pagselosan mo yung taong kahit kailan ay hindi ko nagustuhan?- Sent.

After 1 minute.

Craig: Hindi.

-Tama ba na gamitin mo yung taong kinaiinisan ko para lang gantihan ako?-Sent

Craig: Hindi.

-Pero bakit mo ginawa? Alam mo bang sa bawat segundo na nakikita ko kayong magkasama, para akong inililibing ng buhay? Craig.. hindi ganyan ang nagmamahal. Siguro, ginamit mo lang ako para sumaya ka. Para may makatabi ka sa kama. Siguro, tama nga si Drake. Tama siya na katawan lang ang habol mo sa akin. Pinilit kong 'wag na lang isipin ang sinabi nya pero parang pinapatotohanan mo naman. Anong klase ka?-Sent after a couple of seconds.

Craig: I'm so sorry. Hindi ko sinasadya.

-So hindi mo talaga sinasadya ang lahat? Sorry pero hindi ko lang din sinasadyang maging tanga. Hindi ko sinasadyang mahalin ka.-Sent.

Found Lost [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon