Chapter 31

63 4 0
                                    

#Babe

Nilalamig akong bumangon sa tabi ni Craig. Nakayakap sya sa akin kaya dahan-dahan kong inalis yung kamay nya at binalot sya ng kumot. Ang bigat bigat ng katawan ko pagkagising. Para bang pakiramdam ko, sobrang hirap kumilos. Ang hirap hirap gumalaw. Napatitig ako sa kanyang mukha. His face is a little mature than before. Mas naging gwapo sya, mas naging cute at naging pilyo ang mukha nya. Nag-iwan ako ng isang halik sa kanyang labi bago ko tunguhin ang banyo.


Kailangang kumilos ako ng mabilis. Tanghali na at ayokong ma-late sa klase ng mga estudyante ko. Mabilis lamang akong naligo at wala na akong balak mag-almusal.

Inayos ko na ang aking mga gamit sa kwarto kung nasaan si Craig at lalabas na sana ako pero tinawag nya ako.

"Babe.."

Huh? Babe? Kailan nya pa ba ako tinawag na babe? Medyo nakakairita lang. Hindi kasi ako sanay e. Sanay ako na tinatawag dun lang sa pangalan ko. Never nya pa akong natawag tulad nito.

"Babe... Pasaan ka?"

Napakamot ako sa aking ulo bago ko sya nilingon patalikod. Hindi ko alam pero para talagang nandidiri ako sa tawag na iyon.


Parang biglang uminit yung dugo ko sa paraan kung paano nya ako tawagin. "Craig.. Yuck. Itigil tigil mo nga 'yang babe babe mo na yan. Kadiri kaya. Hindi mo ba naririnig ang sarili mo? Err.. Craig. Nakakadiri talaga."


Ang arte arte ng pagkakasabi ko na para bang hindi ko sya kilala.. Na para bang manyak yung pagkakaturing ko sa kanya. Hindi ko na maisip kung anong hitsura ko nung sinasabi ko iyon.

Napaawang ang bibig ko at halos tumulo na ang laway ko nung mag-angat ng likod si Craig sa higaan at nakahalumbabang tumingin sa akin. Bakit kasi ang gwapo nya? Ayokong nakikita yung mga balahibo nya sa dibdib. Parang.. parang pakiramdam ko gusto kong bumalik sa higaan.

Ano ba itong mga naiisip ko. Para akong na-hypnotize sa kanya. Eh kasi naman, yun ba namang mukha nya na nang-seseduce eh nakakaakit naman talaga.

"Babe.. Ano bang masama doon sa itinatawag ko sa'yo eh girlfriend naman kita? Di ba?" aniya sa sarkastikong tono.

Napatawa ako na para bang isang biro ang napakinggan ko. Pero tama naman sya. Girlfriend nya ako, pero naninibago lang talaga ako.

"You must call me by my name, Craig. Tsaka wait lang, tanghali na talaga. Kailangan ko ng umalis, marami pa akong tuturuan. Bye," nakangiti kong sabi sa kanya.

"Babe!!" tawag niya nung makalabas ako ng pinto. Gusto kong sumigaw. Gusto kong manggigil. Tanghali na nga at lahat tapos kung anu-ano pa ang itatawag nya sa akin? Pero hindi ko sya natiis. Bumalik pa rin ako. Pagbalik ko ay nakadamit na sya. Buti naman. Ayokong mang-akit na naman sya.

Naging seryoso ang mukha nya. "Tumingin ka ba sa orasan?" wika niya.

Ano bang kalokohan ang ginagawa niya? Nagtapon ako ng kamay sa hangin. "Oo."

Lumapit sya sa akin at niyakap ako. Ramdam na ramdam ko ang init ng katawan nya. Bakit nya ba ito ginagawa? Naglapat ang labi nya sa tuktok ng aking ulo.

"Babe, Sabado ngayon. Walang pasok."

Nakakahiya. Napakagat na lamang ako sa aking labi habang sinasabi nya iyon. Bakit naman kasi ang tanga tanga ko. Napabuntong hininga ako at kumawala sa yakap ni Craig.

Tinapik ko sya sa balikat. "Bakit kasi ngayon mo lang sinabi? Ayan tuloy. Napahiya pa ako. Nakakainis ka," wika ko habang ramdam na ramdam ko ang panlalaki ng aking ilong.

Found Lost [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon