#LifeIsSurreal
Sobrang kinabahan ako dahil inakala kong itutuloy ni Craig ang balak niya. Pero nagkamali ako.
Lumagpak sya sa tabi ko at nung tiningnan ko sya, malungkot ang kanyang mukha habang natutulog.
Ano ba talagang problema nya? I don't know why I'm getting concerned about his situation.
Nakaramdam ako ng gutom. I checked the time at hindi ko namalayang gumagabi na pala.
I fixed myself para bumili ng pang-ulam na lulutuin. I have to cook for myself.. No. I have to cook for us. I don't know if it's safe kung bibili ako ng mga luto sa labas.
Lumabas ako ng apartment para pumunta sa palengke na nadaanan ko kani-kanina.
"Manang magkano po ang kilo ng manok?" tanong ko sa isang tindera.
"Ano Neng?" tanong niya habang kinakamot ang ulo.
Ganoon siguro talaga kaingay ang paligid namin para hindi nya ako marinig.
Nilakasan ko ng kaunti ang aking boses para marinig ni Manang pero nanatili pa ring magalang ang pananalita ko.
"Manang. Yun pong manok, magkano po ang kilo?" wika ko habang nakangiti pa rin.
"One hundred twenty Neng," sagot naman ng tindera habang napakamot sa ulo.
Hindi ko alam kung tatawad pa ba ako o ano. Si Manang Susan naman ang namimili palagi sa amin kaya hindi ko alam kung tama ba yung presyo.
"Manang, eto po ang bayad," sabi ko habang inaabot ang Five Hundred Pesos.
Inabot sa akin ni Manang ang supot na pinaglagyan ng manok kasama ng sukli.
Bumalik na ako sa apartment para magluto.
It's 6:21 in the evening at kailangan ko ng magluto bago pa magising si Craig sa kwarto ko.
Inisip ko kung ano bang luto ang gagawin ko sa manok. Siguro, adobo na lamang tulad ng palaging niluluto ni Manang Susan.
Sinimulan ko na ang pagluluto pagkatapos ihanda ang mga gagamitin. Inantay kong lumambot ang manok.
Habang niluluto ay isinalang ko naman ang kanin. Mas nauna pang maluto ang kanin sa adobong manok.
Amoy na amoy ko ang bango. Biglang sumakit ang aking tiyan. Gutom na ako.
Tinikman ko ang adobo at napangiti ako dahil sa masarap na lasa nito. Pero iba pa rin ang luto ni Manang Susan, mas masarap pa ng konti kaysa rito.
Inihanda ko na ang platong gagamitin sa pagkain at nilapag ito sa mesa. Maayos na ang lahat.
Nagpunta ako sa loob ng kwarto. Tulog pa rin si Craig habang nakabaluktot sa higaan.
Tinapik ko ang kanyang balikat.
"Tara.. Kumain ka na muna," pagyayaya ko sa kanya.
He opened his eyes quickly and closed it again.
"Tara na... Aalalayan kita papunta roon. Hain na. Lalamig ang niluto ko."
Umupo sya sa kama at halatang halatang lasing pa rin sya.
Iniakbay ko ang kamay nya sa balikat ko at dahan-dahang naglakad.
Sobrang bigat ng kanyang katawan. Nahihirapan akong alalayan sya.
Inayos ko ang upuan para paupuin sya.
Hiningal ako bigla at pinagpawisan.
Umupo na rin ako sa upuan katapat ni Craig at naglagay ng kaunting kanin sa aking plato. Kumuha lamang ako ng saktong pang-ulam para maubos ko ito.

BINABASA MO ANG
Found Lost [Completed]
RandomPain. Heartbreaks. Loss. Frances Claudette Grande is undeniably loving daughter of her family. She is also a clever person who can learn after going through those bad experiences. Matapos mawalan ng Ama, halos hindi na niya kayanin ang pakikitungo...