Chapter 11

40 4 0
                                    

#BeforeGraduation

"Frances, magtatapos ka ng pag-aaral ha? Babantayan kita, anak. Dito lang ako sa tabi mo."

Bigla akong nagising. Nakita ko ang isang lalaki sa aking panaginip. Nakangiti sya pero nangilid ang luha sa kanyang mata nung kinakausap nya na ako. And I was frightened when the dark smoke faded him.

He's my Dad. Dinalaw nya ako.

Napangiti ako at napaiyak pero agad ko itong pinahid.

Gusto kong maging matibay.

I cheked the time and it's 3 o'clock in the morning, March 25.

Isn't it bad? Na nagpaparamdam si Dad sa oras na ganito?

Unti-unti akong nangatal.

Bigla kong binalot ang aking katawan ng kumot sa aking tabi.

Napaiyak ako bigla. Hindi ako sanay.

Naalala ko ang sinabi ng aming Religion Teacher dati. Kapag nagparamdam daw sa'yo ang isang namaalam ng tao, hindi daw yun ang totoong kaluluwa nya.

I don't believe that a person I saw in my nightmare is a demon.

He's my father, and he's a good person. He will never hurt me the way that others do.

Bigla akong nagulat ng may bumagsak na bagay mula sa kisame ng aking kwarto.

I cheked it out.

Putang ina!!

It was a blood a dark blood.

I vociferated in tears.

Bakit ako nakakakita ng mga bagay na ganito.

"Frances!! Gising!! Frances!!"

Nakaramdam ako ng sakit ng pagsasampalin ako ni Manang Susan.

Aaaaaaaaaaaaaaa!!!!

Napasigaw bigla ako at niyakap si Manang Susan.

Napaiyak ako.

"Manang," I cried
"Binabangungot ka Frances," ani Manang Susan sa akin.
"Manang, nakita ko po si Daddy. Magtatapos raw po ako ng pag-aaral at babantayan nya raw po ako," wika ko kay Manang.
"Masamang makita ang patay sa panaginip na bata ka. Ano ka ba? Nagdasal ka ba bago ka matulog?" tanong si akin ni Manang habang kumawala sa aking pagkakayakap.

Nangilabot ako.

Umiling ako kay Manang.

"Naku. Ikaw talagang bata ka. O eto oh. Gamitin mo yan araw-araw para hindi ka binabangungot," aniya habang ibinibigay sa akin ang isang rosaryo.

Tinanggap ko ito kay Manang.

"Paano, aalis na akong bata ka. Maglilinis na ako ng bahay at tanghali na. Teka, kumain ka na ba? Kung hindi pa, naroon lamang ang pagkain sa kusina," aniya.

Tinitigan ko ang rosaryong ibinigay sa akin ni Manang Susan.

Naramdaman kong pumatak ang luha ko sa aking kamay habang hawak-hawak ang rosaryo.

"This is all your fault," wika ko habang hawak-hawak ito.

Inilagay ko ito sa tabi ng desktop sa may kwarto ko at nagtungo sa kusina para kumain.

"Kain ka na Frances, nagluto ako ng adobong manok," ani Manang Susan.
"Sige po," maikli kong sagot.

Kinuha ko ang plato at naglagay ako ng katamtamang dami.

Napakabango ng adobong manok.

Nagsabaw ako sa kanin.

Wala pa ring kasingsarap ang luto ni Manang. Kakaiba talaga.

Found Lost [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon