#OutsideTheClassroom
3 years later
"Class please get your Module and answer page 303-310. We'll check right after you're done answering. For the Test II, please refer to the question written at the whiteboard and write your answer at the back page of your paper in essay form."
Hindi naging mahirap para sa akin ang maging isang teacher. Mababait ang mga eskwelang hinahawakan ko because they belong to the Science Classes. Katulad rin namin dati, they're experiencing same pressure, and same expectations.
Natutuwa pa nga ako kapag binabalikan ko yung mga araw na estudyante ako sa Enderun. Yung hirap na dinanas ko bago ako ang naging Valedictorian at ang pagkawala ng lahat sa isang iglap. Masakit iyon pero sinubukan kong magkaroon ng bagong buhay rito sa Batangas.
Nagsikap akong makatapos ng pag-aaral at natutuwa ako ng makapagmartsa na ako. Itinuring kong ina ang Prof ko na nag-advice sa akin ng kung anu-ano. Sobrang nagpasalamat ako sa kanya dahil itinuring nya rin akong parang anak kahit hindi ko sya kaanu-ano.
Walang kasing saya ang araw na iyon sa college lalo pa't isa akong Summa Cum Laude. Pero hindi ko iyon ginawang big deal. Masaya ako dahil nakatapos ako at makakapag-ipon na para mabawi ang lahat.
Tahimik na tahimik ang aking estudyante sa pagsasagot ng exam pero talagang hindi maiiwasan ang pagtulad ng sagot sa katabi.
"Clarissa.. Mind your own paper. Kukunin ko 'yang papel mo kapag nakita pa kitang tumitingin sa katabi mo."
Napatungo yung bata. Alam kong napahiya sya pero kailangan talagang matuto ng bawat isa.
Ganun naman talaga ang buhay. Dadaan ka muna sa malaking kahihiyan at mapapatungo ka. Pero unti-unti mong maiaangat ang ulo mo kapag natuto ka na, kapag kaya mo ng harapin ng buong tapang ang lahat.
After a few minutes of waiting,
"Okay, are you done answering?"
The students answered in chorus. "No."
I was bored thinking of my past. Wala akong magawa kundi pag-aralan ang mga lessons para sa next meeting namin.
Binuklat ko ang Lesson Plan at isang bagay ang pumukaw ng aking atensyon.
It's a one by one picture of Craig. A genuine smile marked on my face.
It's been 3 years pero hindi pa rin sya umuuwi. I'm not expecting na babalik pa sya dahil sa haba ng panahon na wala sya.
Siguro, may pamilya na sya. Siguro, Kapitan na sya ng barko ngayon at hindi nya na ako naalala.
Sana, bumalik sya para man lang makapagpasalamat ako.
I stared at my students. Nahalata kong nag-uusap na sila. "You guys, done answering?"
Walang sumasagot kanila kahit isa. "Silence means yes, so everybody exchange your papers to the one at your back. Please check it honestly."
I set the projector and flashed the answers to 50 questions.
"Okay. Let's proceed to the essay. Allizon, please read the question and read your answer."
Hindi ko maintindihan kung kinakain ba ang batang ito ng takot nya o ganoon lamang talaga syang kumilos.
Tumitig sya sa akin.
"Please proceed."
"Okay Ma'am," Allison said while stuttering. "How do I build the best defenses against challenges to acquire the best quality of life?" she continued.

BINABASA MO ANG
Found Lost [Completed]
RandomPain. Heartbreaks. Loss. Frances Claudette Grande is undeniably loving daughter of her family. She is also a clever person who can learn after going through those bad experiences. Matapos mawalan ng Ama, halos hindi na niya kayanin ang pakikitungo...