Chapter 35

12 4 2
                                        

Rejected


"Please stay with me. Nagbago na ako. Hindi ko na uulitin kung anuman ang ginawa ko."


Craig was crying so hard and I don't want to talk to him because of what he did. Sobrang galit na galit ako sa kanya at hindi ko alam kung paano ko siya bibigyan ng pangalawang pagkakataon.


"Then prove it first before saying anything."


"Marry me."


My emotions did came out of my body. I want to hug him but I saw a woman with her child walking on the same street while raining.


Craig held my hand.


Gaano ko man kagustuhing yakapin ang taong ito, hindi ko magawa. Lahat kasi, bumabalik. Lahat ng sakit, iniipit ako at gustung-gusto kong makawala roon.


Napansin kong ang babae kasama ang maliit na bata ay tinatahak ang direksyon kung saan kami naroroon. Malakas ang ulan at namukhaan ko lamang ng makalapit siya.


"Amara?"

Sa halip na ako ang pansinin ni Amara ay tinungo niya si Craig.


"Don't waste your time on her. Maniwala ka. Ikaw ang ama ng batang ito."

----

Oo nga pala, nasa kwarto nga pala ako ni Ford. Gusto ko kasing magtaka nung una kung nasaan ako. Nakauwi na nga pala ako sa hindi na namin bahay.



Malinis ang kwarto at tahimik pero sobrang sakit ng mga buto ko at halos hindi ako makakilos sa malambot na kamang aking hinihigaan. Tumatagaktak ang pawis ko at pakiramdam ko, lagnat na lagnat ako.



I checked the time on my smartphone and it was 4:33 PM. Ganitong oras ako palaging namamasyal sa Rancho kahit mag-isa kaya pinilit kong ibangon ang sarili ko sa higaan.



Matapos kong buksan ang pinto ay bumungad sa akin ang isang batang ina na kalong kalong sa hita ang umiiyak na bata. Katabi naman niya ang isang lalaki at masaya nitong kinukuha ang atensyon ng umiiyak na bata.



Sa kabila namang sofa ay naroon ang isang matandang nakatalikod at nakikipag-usap kay Ford. Mas lalong uminit ang aking pakiramdam at bigla akong nahilo.



Pamilyar ang matanda at ang babae pero baka nagkakamali lamang ako. Hindi sila rito nakatira.



Nagsasalita pa si Ford ng mapansin niya ako sa may pintuan.



"Oh, Frances! Gising ka na pala. Tita, gising na po ang anak ninyo," aniya sa baritono at masayang boses.

Found Lost [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon