#Answer
Nanlalamig ang aking katawan sa kamang aking hinihigaan.
Inilipat ko ang aking pwesto sa kabilang bahagi at nakita ko roon si Craig na naka-ub-ob.
Bakit sya naririto? Anong ginagawa nya? Paano nya nabuksan ang pinto?
Napahikab sya at biglang nagising.
"Maayos ka na ba?" tanong niya agad sa akin.
Kumuha sya ng thermometer at ibinigay sa akin para ilagay sa kilikili.
I checked my temperature and it's 39.6°C.
"Mataas ang lagnat mo," aniya.
Lumabas sya ng kwarto at bumalik syang may dala-dalang tubig at isang piraso ng gamot.
"Inumin mo'to," wika niya.
Umiling lamang ako sa kanya. Gusto kong labanan ang sakit na walang ginagamit na gamot.
Iniangat niya ang likod ko sa pagkakahiga sa kama at pinanganga niya ako.
"Please.. Hayaan mong gumaling ka. Hindi ka makapaghahanap ng trabaho kapag hindi ka uminom ng gamot."
Tatanggapin ko na sana iyon pero parang may biglang pumasok sa kanyang isip.
"No," aniya.
"Hintayin mo ako. Maghahanda lang ako ng pagkain."
"Bakit?"
"Masamang uminom ng gamot kapag walang laman ang tiyan."
Nabuo ang ngiti sa kanyang mga labi. He's so cute kahit bago syang gising.
Lumabas sya sa kwarto ko at pumunta sa labas.
Bakit kaya bigla syang napunta rito?
I got my phone. I am weird at this moment. I searched how to hurt and disappoint someone.
Bigla akong may nabasa. Hindi ko sya papansinin kapag dumating sya rito. Hindi ko kakainin kung ano man ang niluto niya.
I put my headphones on and listened to music.
Ramdam na ramdam ko ang init na dulot ng aking lagnat. Masakit rin ang aking katawan. I don't have a simple fever. I have a flu.
Mga 30 minutes rin akong naghintay kay Craig at ng marinig ko ang mga hakbang niya, bigla kong isinaklob ang kumot sa aking katawan.
Shit! Hindi ako sanay sa mga ganitong gawain. Ayokong may nasasaktan dahil sa akin lalo na't wala naman silang masamang ginawa.
Hinila ni Craig ang kumot para maalis ito sa akin pero kaagad ko itong ibinalik.
"Kakain na," bulong niya.
"Ayoko!" malakas kong sigaw sa kanya.
Napatawa ako bigla at humagikhik sa loob ng kumot pero mahina lang iyon at alam kong hindi nya iyon naririnig.
"Sige ka, hindi na kita dadalawin rito kapag nananaginip ka," panunuya niya.
Huh? Paano nya nalalamang nananaginip ako? Siguro stalker sya. Tsaka for his information, hindi ako nananaginip kagabi. Totoo ang mga nangyari.
"E di wag! So what?" maikli ko namang sagot sa kanya.
Sige. Tingnan natin kung hindi mo pa kainin ang hinanda ko para sa'yo.
Bigla akong naalarma sa sinabi nya dahil hindi ko alam kung ano bang pwede nyang gawin lalo na at kami lang ang naririto sa loob ng aking kwarto.
BINABASA MO ANG
Found Lost [Completed]
De TodoPain. Heartbreaks. Loss. Frances Claudette Grande is undeniably loving daughter of her family. She is also a clever person who can learn after going through those bad experiences. Matapos mawalan ng Ama, halos hindi na niya kayanin ang pakikitungo...