#Thirst
Nagpatuloy ang pagpractice ng Graduation sa Enderun University.
Before leaving the hospital, my Doctor recommended me to have at least 3 days more rest. Hindi naman matigas ang ulo ko kaya sinunod ko sya.
I'm bored when at home. Wala akong kausap. Parati na lang akong nag-iisip ng kung anu-anong bagay so I decided to go to our Rancho gamit ang aking bike. Nagdala ako ng bag. Nilagay ko ang loaf bread at Nutella para kung sakaling magutom ako ay may makakain. Wala akong balak bumalik hanggat hindi lumulubog ang araw.
Napakalaki talagang lupain kung tutuusin. Napakaganda at napakalawak ng lupain naming ito sa Mindoro.
Una kong nakita ang hayupan. May nagpapakain ng baka at kalabaw samantalang ginagamit naman ng mga magsasaka ang ibang hayop sa pagbubungkal ng lupa tulad ng aking nakikita sa gawing unahan.
Kitang kita ang pawis ng mga magsasaka habang nagbubungkal ng lupa upang mapagtaniman.
Hindi ako nakukuntento sa mga nakikita ko kaya't ipinagpatuloy ko ang aking paglalakbay.
Sumilong ako sa may manggahan upang magpahinga.
Naninilaw ang kulay ng mga mangga at amoy na amoy ko ang pagkahinog kaya't kumuha ako ng isa. Pagkapitas ay agad kong tinalupan at kinagat. Dumaloy ang katas ng hinog na mangga sa aking baba kaya't pinagid ko ito gamit ang aking kamay.
Humiga ako ng isang oras sa lilim ng mangga at napaidlip. Napakasarap amuyin ang sariwang simoy ng hangin. Talagang natural.
Sumakay na ako sa aking bisikleta at nagpatuloy.
Abalang abala ang mga ranchers sa kanilang ginagawa. Hindi nila ako napapansin habang dumadaan sa kanilang tapat.
Sa gawing di kalayuan ay may napansin ako. May mga kalalakihan roong naglalagay ng bato, mga tabla at ilan pang gamit sa construction.
Nilapitan ko ang lalaking pinakamalapit sa kinatatayuan ko at nagtanong.
"Kuya, ano pong gagawin nyo dito?" nagtataka kong tanong sa kanya.
"Magandang araw po Mam. May ipinapatayo po kasing Ranch House sa amin sa parteng ito ng lupain e," sagot naman nya.Tumango na lang ako at kinuha ang aking bisikleta.
Ranch House? Nagkakamali ba akong nauubusan na kami ng pera? Bakit nagpaplano pa sina Mommy na magpatayo ng Ranch House dito?
Pinaandar ko ang aking bisikleta at nagpatuloy.
Ngayong araw nga pala ako nangako na magpapasweldo si Mama sa Ranchers. Sana naman ay dumating sya sa aming bahay ngayon.
Nakarating ako sa taniman ng mais. Masyadong masikip ang daan kaya't nag-ingat ako.
Sa di kalayuan ay natanaw ko ang isang truck na nakaparada. Maraming sako ng mais ang nakalagay doon. Magde-deliver na siguro.
Nilampasan ko sila ngunit napatigil ako ng may tumawag sa akin.
"Mam! Baka gusto nyo ng nilagang mais. Mainit pa po," wika ng isang matandang babae.
Nag-aalangan akong lumapit at kumuha pero pinilit ako kaya napakuha narin ako.
Ng matikman ko ang isa ay nanlaki ang aking mata. Whoa. Napakatamis. Halatang sariwang-sariwa.
"Manang, pwede akong magdala ng ilan?" tanong ko habang nakangiti.
"Aba. Oo naman Mam. Inyo po itong Rancho na ito at libre anuman po ang kunin ninyo," aniya.Nakakatuwang pakinggan. Kahit nade-delay ang sweldo nila ay nananatili pa rin silang may paggalang.
"Salamat po," sabi ko.

BINABASA MO ANG
Found Lost [Completed]
RandomPain. Heartbreaks. Loss. Frances Claudette Grande is undeniably loving daughter of her family. She is also a clever person who can learn after going through those bad experiences. Matapos mawalan ng Ama, halos hindi na niya kayanin ang pakikitungo...